Then our drama stopped nang makarating kami sa cafe.

Upon entering the place na usual naming pinupuntahan ni Alexa ay may nakabanggaan naman akong babae. Nahulog lahat ng gamit niya at wala sana akong balak tulungan siya nang maamoy ko ang pabango niya. Dali dali kong pinagdadampot lahat ng gamit niya at ibinigay sa kanya. "Thank you" tanging sagot niya at ngumiti. Napakaganda. Nasabi ko sa sarili ko. Walang wala yung aroma ng kape sa pabango niya.

"Blue Williams" wala sa sariling nasabi ko sabay ngiti.

Her forehead creased and smiled awkwardly. "Huh?" She asked habang naguguluhan.

Naisip ko rin ang pagbanggit ko ng pangalan ko at biglang napamura sa aking isipan. "Sabi ko welcome.." ngumiti ako ng pilit at nakahinga lang nang maluwag nang tumango tango ang babae. Parang nawierdan sa akin.

"Anyway.. nandyan na kasi yung kasama ko so.. thank you ulit and sorry sa pagbangga sa 'yo, 'di ko sinasadya" she smiled one more time as I nodded, telling her that it's okay. Grace... Nabasa ko sa ID na suot niya bago siya umalis sa harap ko. Ang hinhin naman niya. Naisip ko pa.

Napabalik lang ako sa katinuan nang hawakan ako ni Lei. "Walang'ya, May girlfriend ka na nangbababae ka pa?" pang-aasar niya pa. Napakapanira ng nilalang na 'to.

"'To naman tinulungan ko lang yung tao eh" saway ko sa kanya.

"Dalagang Pilipina na pala bagong trip mo" tuya niya ulit at tatawa-tawang inalalayan ako papuntang table namin. Tumingin naman ako ulit sa likod ko para hanapin si Grace, may mga babae pa pa lang halos ayaw magpakita ng hita at dibdib.

Nang makarating sa table namin ay siya namang pagring ng cellphone ko. Si baby..

"Hey love" she said on the other line. Mukhang may good news siya dahil parang ang saya ng tono niya.

"Hey..." sagot ko naman at hinintay yung sasabihin niya.

"Guess what?" She teased. I bit my lower lip at kinilig dahil sa tono niya.

"Hmm?" I smiled widely and looked at Lei who's looking at me too. Tsismosa. Sabi ko sa isip ko.

"Nasa airport na ako, see you later love" shocked man from what I've heard ay ipinilit kong ayusin ang boses ko. I just can't stop smiling 'cause after a few months of waiting ay makikita ko na siya ulit.

"Kala ko ba next week pa?" Pagtatanong ko.

"Akala ko rin eh, pero buti na lang akala ko lang yun!" Natatawa niyang sabi. Bakas rin sa boses niya ang di mapigilang saya. "Sige na love, uuwi muna ako sa 'min bago tayo magkita"

"Hmm 'kay.. see you later" masaya ko pa ring sabi, I even thought of buying her flowers and cake na paborito niya. "She's home na" I told Lei na tumango tango naman bilang sagot.

"Uhm Blue.." sabi niya pa at tumingin sa 'kin bago uminom ng kape.

"Ano?"

"Yung pasalubong ko sa bahay mo na lang ihatid. Babalik na kasi ako sa 'min" natawa naman ako sa kanya, ang kapal ng mukha. Naisip ko pa.

"Tigas rin ng mukha mo ano? Walang pasalubong jowa ko sa 'yo" angil ko pa.

"Sabi niya sa 'kin sa dm sa instagram mayroon daw akong jacket tsaka damit doon" natigilan naman ako sa sinabi niya. Napakakupal sa lahat ng kupal, walang hiya, at ang tigas ng mukha. Saan ba pinaglihi ng nanay niya 'to? Sa pangolin???

"Nagrequest ka??" and I just gritted my teeth when she nodded her head. Kupal.

"Actually sweldo ko yun sa pagbabantay sa 'yo" napataas naman ang isa kong kilay nang marinig iyon. "Baka daw kasi mambabae ka" dugtong pa niya.

Loving The Cold Blue (GxG)Where stories live. Discover now