Chapter 80 The Night Part 1

Začít od začátku
                                    

"Eh ikaw? San ka pupunta?" tanong ni Anhiro

"May date kami ni Denstah." mataray na sagot niya.

"Magdate din kayo kung gusto niyo." dagdag niya sabay halik sa pisngi ni Anhiro, humalik din siya sa pisngi ko bago pa siya umalis.

"Bye!" then she slam the door. Nagkibit balikat lang ako kay Stranger at pumunta munang kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig. Umupo muna ako at nagulat ako dahil namatay ang ilaw. Brownout yata. Buti nalang dala ko ang cellphone ko.
Tumayo na ako at lumakad na paalis ng kusina. Aakyat na sana ako papuntang kwarto ng mapansin ko si Anhiro na nasa living room pa. Hindi naman pala brownout, pinatay niya lang ata talaga dahil nanunuod siya ng TV.

"Anong pinapanuod mo?" tumabi ako sa kanya na nakaupo sa sahig habang nakasandal sa sofa, umiinom siya ng soda.

"Texas chainsaw massacre?Jusko! Nakakaya mong panuorin yan?"

"Oo, ang ganda nga eh. Ganyan ang ginagawa sa mga taong natalo mula sa clan namin." tumingin lang ako. Pano kung may makatalo sa kanya? Ganyan ang gagawin sa kanya? Isasabit na parang baboy. Ew! Hindi ko maimagine.

"Hahahaha! Binibiro lang kita! Ang paniwalain mo masyado."

"Wow! Nakakatawa ang joke mo hah! Tawang-tawa ako." pinisil nya ang pisngi ko. Awts! >___< tiningnan ko lang siya ng masama.

"Wag mo akong tingnan ng ganyan." sabi niya sabay tumayo at kinuha ang soda na iniinom nya. Sinundan ko siya kung san siya pupunta. Sa kusina lang pala, kukuha sa ref ng soda, ubos na kasi yung iniinom niya.

"Ayaw mo ng tinitingnan kita?" tanong ko. Napatigil siya sa pagkuha ng maiinom at humarap sakin habang nakabukas ang ref, sayang yung kuryente!

"Nakakamatay kasi ang tingin mo." sagot niya. Ang yabang neto! 'Yung tingin din naman niya nakakamatay ah! Nagpout lang ako sa kanya at tumalikod na pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Kapag hinahawakan kita, ang lakas ng kuryenteng dumadaloy sa katawan ko." siya 'yan. Unti-unti niyang inilagay ang kamay niya sa bewang ko. Magsasayaw kami?

"When you look into my eyes. I feel like my heart will going to stop its beat. Patay lahat ng ilaw at sumasayaw kami na tanging ang ilaw ay nagmumula sa ref. Siguro, masasabi niyong mukhang tanga kami dahil sumasayaw kami ng walang tugtog pero hindi eh. Parang may tugtog kami na pinapakinggan na sumusunod lang sa daloy. Nakatitig siya sa mga mata ko habang ang puso ko ay parang sasabog na sa lakas ng tibok.

"Wala ka man lang sasabihin?" sabi niya kaya napatigil kami sa pagsayaw. Nasspeechless nga ako sa mga sinasabi mo. Di ko akalaing isa kang mahilig sa mga romantic moment. Awts!

Ang sabi ni taylor swift sa kanta niya...

"I was enchanted to meet you." ngumiti siya sakin at niyakap ako.

"Mahal kita Princess Mesaiyah."

"Mahal din kita Prince Anhiro."

***
Anhiro Point of View

Inilapag ko ang paper bag na may lamang dress at shoes sa tabi niya. Nasa couch sa ngayon at nanunuod ng TV.

"San ka nakakuha niyan?"

"Binili yan ni ate Anthea nung nasa japan pa siya." tiningnan niya ito.

"Titingnan mo lang?" tanong ko.

"Eto na nga. Isusuot na." kinuha niya ito at pumunta ng cr.
Grauation Ball namin na mamaya. alam ko namang walang susuotin 'yan kaya si ate Anthea ang tinanong ko. Mabuti nga at napakiusapan ko ang Principal namin kaya nakagraduate siya, syempre malakas ako eh. Pag hindi siya pumayag, papatayin ko siya sa harap ng flagpole.

Almost 3 hours na ang nakalipas pero hindi pa rin siya bumababa. Kainis! Totoo nga yung sinabi sakin ni ate Anthea na matagal magpaganda ang mga babae. Kanina pa ako naghihintay dito sa living room pero wala pa siya. Habang naghihintay sa kanya, bumalik sa isip ko ang box na hawak niya kagabi. Tinapon niya ito sa basurahan.

Kinuha ko ito at ang laman ay memories ng bestfriend nya. Sa inis ko, dinala ko ang basurahan sa labas at sinunog ito para hindi na niya ito muling maalala. Kapag kasi sa basurahan lang magtatahan ang box na yan, may possibility na magbago ang isip niya at kunin muli ito kaya sinunog ko na para sigurado.
Napatayo ako sa kumuha ng atensyon ko, napalunok nalang ako ng laway. Para akong paulit-ulit na pinana ni kupido dahil sa ganda niya. She is wearing a blue offshoulder dress and a white low inch heels while her hair banded together letting it hang freely at the back of her head. Ang ganda niya.'Yun lang ang masasabi ko.Wala na akong ibang maisip na sabihin. Ayokong alisin ang mga tingin ko sa kanya.

"Hoy! Ayos ba?" tanong niya sabay umikot.

"N-nagmukha k-kang tao." sagot ko pero nagpout lang siya sakin. Parang bata.

"Maganda kana." dagdag ko. Napatingin ako sa kwintas na nasa dibdib niya.

"Asan yung kabiyak ng puso?" painosenteng tanong ko. Hinawakan niya yung kwintas.

"Eto ba? Ewan nga. Nahulog sa damit ko eh. Kaya sinuot ko nalang." inilabas ko din ang suot ko na kwintas.

"Hindi mabubuo 'yan, kung wala ako."

"Sa'yo galing ito?" tumango ako.

"Sadyang isiningit ko 'yan sa dress mo." sagot ko.

"Psh! Late na tayo."

"Kasalanan mo, ang tagal mo bumaba."

"Ang hirap kaya mag-ayos."

"Dapat nagpatulong ka kay ate Anthea."

"Nakapag-ayos naman ako kaya okay lang. Atsaka hello? Wala dito si ate Anthea." Sabi niya. Oo nga pala, wala si ate. Nakana Denstah. Nakasakay na kami sa kotse at napatitig siya sakin.

"Ang gwapo ng aking prinsipe." sabi niya. Ngumiti lang ako at pinaandar na ang kotse.

She Married The Stranger [Book1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat