Ethan

“Salamat at hindi ka pa umaalis. Alam mo bang iniwan ako ng Mark na ‘yun dahil sa ayaw kong pumayag sa gusto niya. Hambog at walang modo.”

            They decided to eat breakfast first bago sila bumiyahe pabalik ng Manila. Kanina pa nagsasalita si Mary Ann sa harap niya pero wala sa sinasabi nito ang isip niya. Ayaw man niyang aminin pero nag-aalala siya sa asawa.

            Kay Karina.

             He wanted to go to Katrina and Jaime’s room to check if Karina’s okay. When he woke up and found out she’s not there, he regretted sleeping. He wanted to apologize for hurting her physically and for mistakenly calling her by her sister’s name. It was an honest mistake. Since last year, he always called her by that name and got use to it.

            His plan was to talk to her about their situation without him blaiming and insulting her. Naroon pa rin ang galit sa ginawa nitong panloloko sa kanya pero ang mas nangingibabaw na damdamin niya ngayon ay pagkalito.

            He was shocked to know he was her first. Magkasamang tumira sa bahay niya sila Karina at Nathan ng mahigit isang buwan din. Alam pa niya na magnobyo ang mga ito kaya all along ay naisip niyang hindi na ito virgin.

            Magkaganoon man minahal niya pa rin ito tulad noon.  Kaya ng malaman niya noon na pinagkakatuwaan lang siya ng kambal. Nasaktan siya at lumayo. Sa katunayan hindi na siya nakipagkita pang muli sa mga ito.

            It sounded corny but he was heartbroken. He fell for Katrina so much, she was his first love. Inisip pa nga niya noon na hindi na ituloy ang matagal na niyang balak na pangingibang-bansa para lang hindi siya malayo rito. Ganoon niya minahal ang dalaga.

            Kaya nasaktan siya ng malaman niya kay Mary Ann na niloloko lang pala siya ng mga ito.

            “Anong sinasabi mo?” ‘Di makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.

            “Narinig ko kanina sa CR na nag-uusap sila Karina at Katrina. Masaya daw si Karina dahil hindi mo napapansin na hindi siya si Katrina. Nagtatawanan sila at parang tuwang tuwa sila. Ethan sa tingin ko pinagkakatuwaan ka ng kambal.”

            Hindi niya matanggap noon na nagawa siyang lokohin ni Katrina. Ang akala niya ay pareho sila ng nararamdaman. He even imagined himself marrying her pero pinagkatuwaan lang pala siya ng mga ito.

            Kaya kahapon ng sabihin sa kanya ng napangasawa ni Katrina na ang pinakasalan niya ay si Karina, he felt like he’s the most stupid guy on the earth. He was fooled not once but twice. Binulag siya ng pag-ibig niya kay Katrina, when he saw her last year and she smiled at him, his heart was so certain she was his first love.

            Only to find out his assumptions were wrong.

            When she stood him up sa airport. Naniwala siya na ang dahilan nito kung bakit hindi ito nakasama sa kanya. Noong unang buwan niya sa States ay mayroon pa silang communication hanggang sa hindi na niya ito ma-contact. Hindi naman niya magawang bumalik agad sa Pilipinas dahil naospital ang father niya. Nag-iisang anak siya kaya hindi niya maiwang mag-isa ang mother niya. But when he learned she was getting married, naging mabilis ang desisyon niya na bumalik sa Pilipinas para pigilan ang kasal.            

               Natuloy ang kasal, nalaman niyang kasal siya sa iba at ngayon nasaktan niya ang babaeng pinakasalan niya.

            Kung nalaman niya ng mas maaga ang katotohanan, hindi na sana siya bumalik pa at tinanggap  na lang sana niya na naloko na naman siya. Hindi sana niya nasaktan si Karina at hindi sana siya ngayon binabagabag ng konsensya niya.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!