Karina

Pagbukas niya ng mata ay muli siyang napapikit. Nasilaw siya sa liwanag ng kwarto niya. Then she realized, the paint of her room was not white. She opened her eyes again and was surprised to see Katrina and Jaime.

"Why are you here?" She asked.

Katrina rushed to her side. "Thank goodness, gising ka na uli." Her sister looked relieved. "Are you feeling okay? May masakit pa ba sa iyo?" Bakas sa tono at expression mukha nito ang labis na pag-aalala.

"I'm okay medyo nahihilo lang ng konti ang ulo ko. Maybe because..." She tried to remember what happened. But everything seemed blurred and cloudy. All she could remember was she's with Mark.

"Sigurado ka ba Mark kaya mong mag-drive?" Tanong ni Jaime kay Mark.

"I'm fine. Hindi naman ako uminom." Sagot ni Mark.

"Karina, sa amin ka na lang muna matulog ngayong gabi." Dumungaw din si Katrina sa bintana ng SUV ni Mark. Nakatayo ito katabi ni Jaime sa may driver side samantalang siya ay nakasakay na sa passenger seat.

"Huwag na. Mas gusto kong matulog sa bahay. Along the way naman ako ni Mark, kaya sa kanya na lang ako sasabay."

"Jaime, sa Greenhills muna kaya tayo matulog ngayon, samahan natin si Karina?" Baling ni Katrina sa asawa.

"Oo, sige bakit hindi. Lipat ka na sa kotse Karina. Huwag mo ng istorbohin yang si Mark, malamang may pupuntahan pang mga reserba yan. Diba pare?" Nakangising sabi ni Jaime.

Ngumisi lang si Mark pero walang sinabing anuman.

"No need, umuwi na kayo. Malamang naghihintay na si Ethan sa bahay. Go ahead. I'm fine." She smiled at Katrina, trying her hardest to show her sister that she's okay.

"Kari." Nandoon ang alinlangan sa tinig ni Katrina.

"Don't worry, ako ng bahala sa kanya." Sabi ni Mark kay Katrina.

"Mark, please tawagan mo ako kapag naihatid mo na siya sa bahay." Bilin ni Mark at pagkatapos ay tumingin ito sa kanya. "Kari, call me din okay?" Inilapit pa ni Katrina ang isang kamay sa tengga at nag-demostrate na tawagan niya ito.

"Oo, umuwi ka na rin. Bawal ang magpuyat sa buntis."She smiled widely but she avoided Katrina's eyes. Mapapansin kasi nito na hindi umabot ang ngiti niya sa kanyang mga mata.

"Mauna na kami." Mark started the engine and soon after, they were on the road.

Tumingin siya sa rear mirror at nakita niyang nakatanaw pa rin sa kanila sina Katrina at Jaime. Agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Mabuti pa ang kanyang kapatid, masaya sa piling ng asawa nitong si Jaime.

Tahimik na umiiyak siya habang nakatingin siya sa labas ng bintana ng sasakyan. Patuloy lang ang pagtulo ng luha niya. Napahawak siya sa dibdib niya. Ang sakit sakit.

Walang salitang inabutan siya ng handkerchief ni Mark. Kinuha niya iyon at pinunasan niya ang basang pinsgi.

"Ayoko pang umuwi Mark." Sabi niya rito.

"I told Katrina, ihahatid na kita sa inyo."

"Please Mark, just drop me off somewhere else. Gusto ko lang..." Hindi na niya natapos ang gustong sabihin. Ano ba ang gusto niya?

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!