Ethan

"Ann! Ann!" Kinatok niya ang bintana kotse ni Mary. Nakayuko ito sa manibela.

Ang bigat ng loob niyang iwan ang asawa. Alam niyang labis niyang nasaktan si Karina. Pero hindi niya kayang hayaan na lang si Mary na umuwing mag-isa. Hindi pagkatapos ng namagitan sa kanila kanina.

"Ann, saan ka pupunta? Anong nangyari bakit?" Nagtataka siya kung bakit kanina lang ay masaya ito kasama si Mark tapos bigla itong tumakbong palabas.

"Ang tangga ko kasi ikaw Ethan, ikaw ang mahal ko. Hindi mo ba nakikita? Mahal kita ng higit pa sa kaibigan." Umiiyak na sabi ni Mary Ann.

Natigilan siya. Nararamdaman niyang mabait sa kanya si Ann, malambing, maalalahanin pero kahit kailan hindi niya inisip na magugustuhan siya nito ng higit pa sa isang kaibigan. Matagal na niya itong kaibigan at parang kapatid na ang turing niya rito.

"Hahaha." Pekeng tawa ni Mary Ann habang umiiyak. "Wala ka bang sasabihin? Hindi mo ba sasabihin sa akin na 'Sorry Ann, mahal ko si Katrina, ay hindi Karina na pala'."

"Ann. Alam mo naman na." Ang tanging nasabi niya.

"Oo alam ko. Alam ko na mahal mo si Katrina noon pa man at na minahal mo din si Karina kahit niloko ka niya. Pero ako, bakit ganoon? Ang tagal kitang minahal Ethan, pero kahit minsan hindi mo ako magawang mahalin? Bakit hindi na lang ako Ethan? Bakit kailangan na si Karina pa ang pagbalingan mo ng pagmamahal mo kay Katrina. Bakit ha Ethan?"

Sinubukan niyang humakbang palapit rito pero itinaas nito ang kamay para pigilan siya.

"Ann, nalaman ko na si Karina pala talaga ang una kong nagustuhan noon pa man. Siya pala talaga ang minahal ko, siya lang ang minahal ko."

Pinunasan ni Mary Ann ang mga luha nito sa mata pero patuloy pa rin ang pagtulo niyon. "Alam mo bang may lalaking handang magmahal sa akin ng buong puso pero sinaktan ko lang kasi akala ko kung kaya kang agawin ni Karina kay Katrina kaya ko rin. Na pwede ding magustuhan mo ako, na mahalin mo ako."

Napalunok siya. Ano ang dapat niyang sabihin? May magagawa ba siya para mapagaan niya ang kalooban nito? Siya ba ang dapat sisihin dahil hindi niya napansin na may pagtingin na pala ito sa kanya?

Pero bigla siyang nagulat ng tumingkayad si Mary Ann, hilahin payuko ang kanyang ulo at idikit ang mga labi sa bibig niya.

Hindi niya iyon inaasahan kaya hindi siya agad nakakilos. Hinawakan niya ang bewang nito para ilayo ang katawan nito sa kanya. Pero bago pa man niya iyon nagawa, dumating na si Karina at galit na galit na sinugod si Mary Ann.

Nag-angat ng mukha si Mary Ann at nakita niyang namumugto na ang mga mata nito sa kakaiyak.

"Buksan mo ito!" Utos niya rito.

Sumunod ito at ibinababa nito ng bahagya ang bintana ng kotse.

"Move aside. Ihahatid kita." Sinubukan niyang buksan ang pinto ng kotse pero naka-lock iyon. "Open up." Utos niya uli.

"Ethan huwag na. Bumalik ka na kay Karina." Tanggi ni Mary Ann.

"Hindi, nagsabi na ako kay Karina. Babalikan ko siya pagkahatid ko sa iyo." Muling niyang sinubukang buksan ang pinto.

"Ethan. No need na ihatid mo ako. I don't deserve your kindness." Tumulo na naman ang mga luha ni Mary Ann. "I'm so selfish for you. Sige na bumalik ka na kay Karina. Kaya kong umuwing mag-isa."

"Pero baka mapaano ka sa daan? Baka sumumpong ang hika mo. Kanina ka pa iyak ng iyak." Nag-aalalang sabi ni Ethan.

"No, kaya ko. Hindi ako susumpungin." Pilit na ngumiti sa kanya si Mary Ann. "I'm sorry Ethan. I'm so sorry. Please pakisabi kay Karina. I'm sorry."

Itinaas na nito ang bintana ng sasakyan at saka ini-start ang makina. Umurong siya ng ilang hakbang para mabigyan niya ito ng daan. Hinatid na lang ng tingin ang papalayong sasakyan ng kaibigan.

Napahawak siya sa noo niya. Ang dami niyang problema. Problema sa hotel, kay Mary Ann at higit sa lahat sa kanyang asawa. Maayos pa ba niya ang lahat ng ito?

Tumingin siya sa direksiyon dinaanan ng kotse ni Mary Ann. Hindi na niya iyon matanaw. Humakbang siya pabalik sa bar para ayusin ang 'di nila pagkakaintindihan ni Karina. Magpapaliwanag siya kung bakit kailangan na sundan niya si Mary Ann at siguruhing okay ito. Pero kailangan din niyang sundin ang kagustuhan ng asawa na layuan na muna niya ang kaibigan.

Iyon ang makakabuti para mawala na ang nararamdaman ni Mary Ann sa kanya at ang selos na nararamdaman ni Karina.

Pagpasok niya sa bar. Agad na hinanap ng mga mata niya kung nasaan ang kanyang asawa. Nakita niyang nasa bar counter ito katabi si Mark. Lalapit na sana siya pero may humarang sa kanya.

"Ethan, not now!" Pigil ni Katrina sa kanya.

"Katrina, hayaan mo na kaming mag-usap. Kapag pinatagal ko pa na hindi ako nakakapagpaliwanag sa kanya lalo lang itong lalaki." Pakiusap niya sa hipag.

"Mas kilala ko ang kapatid ko Ethan." Pagmamatigas ni Katrina. "Hindi ngayon ang panahon para mag-usap kayo. Mas hindi kayo magkakaintindihan. Maniwala ka sa akin. Kung gusto mo umuwi ka na. Sa bahay na lang muna namin siya ni Jaime."

Tinignan niya ang asawa. Nakita niyang umiinom ito habang kausap si Mark.

"Huwag mo siyang hayaang uminom." Sabi niya kay Katrina.

"Kaya niya ang sarili niya. Sige na umuwi ka na. Ako ng bahala sa kapatid ko." Pagtataboy sa kanya ni Katrina.

"Ayoko pang umuwi." Tanggi niya.

"Ethan please huwag namang matigas ang ulo mo." May iritasyon na sa tinig ni Katrina. "Sinabi ko na nga na hindi mo makakausap ng maayos ngayon si Karina dahil galit siya. Galit na galit siya sa iyo. Nakakahiya kung dito pa kayo mag-aaway."

Napabuntunghininga siya. "Hindi ko siya lalapitan, dito lang ako sa malayo, babantayan ko lang ang asawa ko."

"You cannot be here. Kapaga nakita ka niya baka sugurin ka niya or baka kapag nakita ka ni Mark, magkagulo lang. Please Ethan, for once naman baka pwede kitang pakiusapan. Tama na ang nangyari kanina, nakakahiya na sa mga customer nitong bar."

"Sa labas ko na lang siya hihintayin." Pagmamatigas pa rin niya.

"Huwag na umuwi ka na. Bukas na lang kayo mag-usap kapag pareho na kayong okay. Sige na, ako ng bahala kay Karina. Huwag kang mag-alala hindi ko naman pababayaan ang asawa mo." Tipid na nginitian siya nito.

"Salamat Katrina." Sabi niya rito.

"Huwag mo akong pasalamatan. Ginagawa ko ito kasi mahal ko ang kapatid ko. Sana ganoon ka din. Hindi ko alam kung ano pinag-awayan ninyo pero sana mahalin mo din siya kagaya ng pagmamahal niya sa iyo. Ang dami ng niluha ni Karina. Sana ito na ang huli."

Nakangiti si Katrina ng sabihin nito iyon sa kanya pero may talim sa mga tingin nito. It's not a reminder but more of a threat. Gutso niyang sabihin rito na mahal na mahal niya ang kapatid nito at na hindi na siya nito kailangang paalalahanan na huwag na itong paiyakin. Dahil wala naman talaga sa intensyon niya na mag-away sila o paiyakin ito. Mahal na mahal niya si Karina na kahit siya nahihirapan kapag nag-aaway sila.

Sana nga bukas magkausap na sila at tuluyan na silang magkaayos. Kakalimutan na nila ang lahat ng ito at susundin na niya ang kagustuhan nitong layuan niya si Mary Ann. Gagawin na niya ang lahat magkaayos lang sila.

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!