Karina

"Misis?" Alanganing tanong ni Jaime sa kanya.

She laughed upon seeing his brother in law's confused reaction. His eyes were searching her face for any remarkable trait. She couldn't blame him, just recently she died her hair back to its original color, same as Katrina's.

"Akala ko ba si Ethan lang ang nalilito sa amin ni Katrina?" Tanong niya rito pabalik.

"I know it's you. Sinisiguro ko lang. A surprise visit from my wife wouldn't be bad." Palusot ni Jaime.

She shrugged her shoulder in response.

"What brought you here?" Jaime asked. "Don't tell me na-miss mo agad ako. Noong isang gabi lang tayo nagkita."

"I need your help." She answered in a stern voice.

"Parang kinakabahan ako sa tono mo. Huwag mong sabihing may gusto kang ipapatay na tao." Biro ni Jaime.

"Jaime, not now. Spare me with your jokes." She said before she sat on one of the visitor's chair.

"Then tell me what is it?" Jaime's tone became serious but the smug look on his face was still there.

"I want to work here!" Direct to the poit na sagot niya rito.

"Ano?" Nawala ang mapang-inis na ngiti ni Jaime at napalitan iyon ng pagkabigla. "Bakit ka magtrabaho dito?"

Tinignan niya ito ng masama. He sounded as if he detest the idea.

"I don't mean it that way." Maagap na sabi ni Jaime. "Nagulat lang ako bakit of all places you want to work here. Siguro di ka natanggap sa hotel ng asawa mo noh?"

Naroon na naman ang mapang-inis na ngisi ni Jaime.

Nagdalawang-isip tuloy siya kung sasabihin niya rito ang dahilan kung bakit bigla niyang naisip na magtrabaho. Pero wala siyang choice hindi naman niya masabi iyon kay Katrina, ayaw niyang bigyan ito ng alalahanin dahil sa kasalukuyan nitong kalagayan. Lalong di rin pwede kay Nathan baka magselos na naman si Ethan.

Okay na sila ng asawa niya. Sobrang okey na sila na ayaw niya itong bigyan pa ng dahilan para magkaroon na naman sila ng problema.

Kung wala naman silang problema, anong ginagawa niya ngayon dito sa opisina ni Jaime?

"Love, I cannot make it to dinner. I'm sorry. Something came up here in the office. As soon as I'm done, uuwi agad ako ha. Don't wait for me. Mauna ka ng kumain sa akin."

"How about you? It's past seven na. Mag-dinner ka na rin. Gusto mo magpa-deliver ako diyan ng food?"

"No need Love. Nagpabili na si Ann."

"You're with Mary Ann?" She tried her best not to sound off.

Hindi pa niya magawang aminin sa asawa na nakakaramdam siya ng selos sa closeness nito sa kababata. Dapat ay hindi na niya nararamdaman iyon dahil secure naman siya sa asawa. Wala na siyang duda mahal talaga siya ni Ethan.

But that eerie feeling kept on bugging her.

"Yes, she's with me kaya huwag ka ng mag-alala. Alam mo namang maalaga din sa akin si Ann."

"Magtatagal ba kayo?" Hindi na niya napigilan ang tono ng pag-aalala.

"Hopefully not. Biglaan kasi ang request ni Gyiah for the this quarter's revenue report. Hinihiling daw ng credit comitee nila. Malaki kasi ang loan natin kaya we need to give them proof that we are capable of paying it."

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!