Ethan

"Hala, kayo talaga ni Katrina, palagi na lang ninyo akong ginugulat." Komento ni Nana Aning pagkatapos siyang ipakilala rito si Karina. "Sa tuwing umuuwi kayo ay bigla na lang ninyong sasabihin na nag-asawa na kayo."

"Pasensya na po, kasalanan ko kasi hindi ko po naipagpaalam ng maayos sa inyo si Karina." Inakbayan at hinapit niya ang asawa palapit sa katawan niya.

They just arrived and were standing at the doorway.

"Pumasok na muna kayo at sa loob na natin ituloy ang kwentuhan." Tumabi si Nana Aning para mabigyan sila ng daan papasok.

Napangiti siya ng makitang nagmano pa muna si Karina pagtapat nito sa matandang katiwala. Siya rin naman ay ganoon ang ginawa. Nai-kwento na nito sa kanya kanina habang nasa biyahe sila na naging malapit ito at si Katrina sa mag-asawang katiwala pero hindi niya inaasahan ang paraan ng pagbati nito lalo na't lumaki ito sa ibang bansa. Halos isang taon niya itong nakasama sa Davao ngunit parang ngayon lang niya talaga ito nakikilala.

At sa bawat pagkakataon ay napapahanga siya sa mga bagong natutuklasan.

"Kahapon ng nagpunta ka rito ay hindi mo pa sinabi sa akin na ikaw pala ay asawa ni Karina." Sita ni Nana Aning sa kanya pagkaupo nila sa sofa

"Nahihiya po akong magpakilala kaya hindi ko po sinabi sa inyo." Bumaling siya kay Nana Aning.

"Nagpunta ka rito kahapon?" Nilingon siya ni Karina. "How did you know this place?"

"Isa ito sa mga address na binigay sa akin ng sekretartya ni Don Eduardo. Nagbakasali ako na baka dito kita matagpuan." Sinalubong niya ang tingin nito at nagpaliwanag.

"Talaga lang ha." Karina smiled and raised her right brow. "Bakit mo ako hinahanap?"

He saw it again. It never failed to warm his heart. He'd never get tired of seeing her smile. In fact, he longed to see it every minute of the day.

"Bakit nga ba?" He grinned and shrugged his shoulder. "I don't remember why."

"Nag-aalala daw siya dahil hindi ka daw niya ma-contact ang cellpone mo at hindi niya alam kung saan ka nagpunta." Sabad ni Nana Aning.

Karina's smile widened. "Really now?"

Her eyes never left his and he saw how it sparkled. He didn't say a thing but he returned her smiles. Hoping she somehow guessed he was actually starting to have a change of heart.

"Karina, ngayon na may asawa ka na. Hindi na pwede na aalis ka ng walang paalam kagaya ng ginagawa mo noon kay Katrina. Magsasabi ka lagi sa asawa mo kung nasaan ka. Naku kung pwede lang ay huwag ka ng lalayo sa tabi niya. Bantayan mo itong asawa mo ka-gwapo baka akitin ng iba."

"Nana sige po pagalitan po ninyo para hindi na po niya ulitin. Paggising ko po wala na siya sa tabi ko. Iniwan po ako pagkatapos kong isuko ang Bataan." Sumbong pa niya sa mabait na katiwala. He remembered his Mom.

"Ethan!" Pinanlakihan siya ng mata ni Karina sabay hampas sa braso niya.

"Ayan po Nana tignan po ninyo. Binubugbog naman po ako ngayon oh." Umarte siyang nasaktan.

"Naku hijo, pagpasensyahan mo na yang asawa mo. Magaan talaga ang kamay kahit nga si Nathan, madalas niyang hampasin, kurutin at minsan pa nga kinakagat din niyan." Saglit na huminto sa pagsasalita si Nana Aning. "Akala ko nga noong una sila ang magkakatuluyan."

"Ganoon po ba?" Nawala ang ngiti niya sa narinig. "Madalas po ba iyon dito?"

"Oo mula noong bumalik itong asawa mo rito. Kasa-kasama nila madalas sa mga lakad nila nina Katrina at Jaime."

"Nana." Nahuli niyang kinindatan nito ang matandang katiwala. "Dito muna po kami ni Ethan tutuloy." Nahalata niyang iniba ni Karina ang usapan.

"Naku gusto ko iyan para hindi kami aalog-alog dito ng Tata Ponce mo. Sandali nga napa-kwento na ako. Maghahanda muna ako ng makakain ninyo."

"Kumain na po kami sa daan. Huwag na po kayong mag-abala. Mas gusto ko po na magpahinga na po muna."

"Hala sige, Karina umakyat na kayo sa kwarto mo."

"Halika na akyat na raw tayo." Yaya niya sa asawa. Bigla siyang na-excite.

"Nabusog ka ba sa sandwich lang? Hindi ka ba nagugutom?" Nagdududang tanong ni Karina.

"Sobrang nagugutom ako ngayon." He said in very naughty tone. "Kaya umakyat na tayo agad.

Nagsalubong ang mga kilay ng maganda niyang asawa. Halatang hindi naintindihan ang gusto niyang ipahiwatig. Inilapit niya ang bibig sa tengga nito at bumulong.

"I crave for your kisses love, I want more. Sobrang tinakam mo ako kanina sa kotse eh." His lips touching her earlobes.

"Ethan, tanghaling tapat!" Na-shock na sagot ni Karina. Umurong ito at inilayo ang sarili sa kanya. "And who told you will be sleeping in one room? You can use my mine but I'll sleep on Katrina's. room"

"Ano?" Siya naman ang nagulat sa sinabi nito. "Ayoko! May mag-asawa bang magkahiwalay ng kwarto?"

"Oo, tayo." Karina winked at him before she stood up.

Naging maagap na nahawakan niya ito sa kamay at hinila niya muli ito paupo. Katulad kagabi, he guided her to sit on his lap. "Bakit naman love? Ayaw mo ba akong katabing matulog?"

"Ayaw!" Mariing sagot ni Karina sabay iling. Tumagilid ito at humarap sa kanya.

"Bakit?" Naguguluhan siya sa sagot nito.

"Mabuti na ganito na lang tayo..." Karina paused. "Ganito na lang muna tayo."

"Bakit?" Nalungkot siya sa gusto nitong mangyari sa kanila.

Karina bit her lower lip. "Ethan, masaya naman tayo ng ganito diba? Gusto ko ng ganito tayo palagi. If we sleep together, in one room, baka maulit na naman ang nangyari sa resort."

Natigilan siya. She must have been traumatized by what he did. He wanted to convince her that the second time wouldn't be that painful and promised to be gentle the next time.

"Ethan, please get use on being with me first. I don't know if I could take it if you'll call me again by my sister's name. I just finished putting back all the pieces of my heart, I'm scared you'll break it again."

What a damn fool he was for thinking she was referring to the physical pain she experienced on her first time! He should have known that her hesitation was the result of his stupidity and carelessness.

Gusto niyang sabihin rito na hindi na kailanman mauulit pa na tatawagin niya ito sa pangalan ni Katrina. But words will mean nothing. He still have two weeks, thirteen days to rather make it up for his mistake.

"It wouldn't be wiser if we won't rush things or we'll end up hurting each other again. Let's take it slow for now Ethan."

"Walang problema sa akin love. Kung ano ang gusto mo iyon ang masusunod. We will be living together but we will sleep in different rooms. Housemate but not roommates. Totally fine with me." Ang huling sentence niya halos lumabas na sa ilong niya.

He didn't mean it but he respected her decision. If that's the only way to prove that he would never hurt her again, then so be it. Even if it would mean sleepless aching nights, he'd be willing to bear it.

For Karina, he would.

"Thank you." Karina hold his face with both of her hands and kissed him quick but tenderly.

"What was that for? I thought we woudn't be sleeping together?" Confused, he asked.

"Kisses are allowed. Why, may reklamo?" Karina teasingly asked.

"Wala." He snorted. "Starting today, you'll be calling the shots. Kung ano ang gusto mo, iyon ang masusunod." He declared.

"Talaga! Sounds fun!" Karina seemed to be excited she giggled.

He too got excited he searched for her lips and kissed her again and again and again. He's glad she didn't deprived him of his favorite hobby. For now as long as they were together, he'd be more than contented and happy to kiss her all day.  

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!