Karina

"You dare question what I did?"

Lahat sila ay natahimik ng tumaas ang boses ni Lolo Eduardo. Nakaupo sila sa living room, siya, si Katrina, Jaime at Nathan. Ginising siya ni Katrina para sabihing nasa ibaba si Lolo Eduardo at gusto siyang makausap.

Pagkaraan siyang iwan kanina nina Ethan at Nathan sa kwarto, nakatulugan niya ang pag-iisip. Kakatwa pero naging mahimbing ang tulog niya sa buong magdamag.

Maingat siyang ginising ni Katrina at tahimik silang magkapatid na lumabas ng kwarto para hindi nila magising si Ethan. Natutulog ito sa love seat nila. Kung anong oras ito pumasok sa loob ng kanilang kwarto ay hindi na niya namalayan. Halatang hindi komportable ang kayang asawa pero mas pinili niyang huwag itong istorbohin at palipatin sa kanilang kama.

May konting inis pa rin kasi siyang naramramdaman para dito.

"Hindi naman sa ganoon Lolo." Mahinahong sagot ni Jaime. "But why do you have to do it?"

"Nakalimutan mo na ba ? Ikaw ang nagsabi sa akin na hindi maganda ang naging pagtrato ni Ethan kay Karina. Kaya naisip kong ipa-hold muna ang request ko sa judge na palitan ang pangalan ni Karina sa marriage contract."

"Pero Lolo by doing that, the legality of my marriage to Jaime was questionable." Naroon ang pag-aalala ni Katrina.

"No, hija. It's always been legal and binding dahil hindi naman talaga ikaw ang pinakasalan ni Ethan. Maaring pangalan mo nga ang nakalagay sa marriage contract nila ni Karina but we have plenty of witnesses who could testify that you were in Manila the day Ethan and Karina had their wedding ceremony. It's not your marriage whose in question but Karina's.

"We don't have to point fingers anymore. Kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat ng ito. Kung hindi ako nagpanggap noon bilang si Katrina. Wala sana tayong pinagtatalunan ngayon." Nahihiya niyang sabi sa mga ito.

"Karina, we are not arguing and definitely no one is blaming you. Gusto lang natin malaman kung bakit pinadalhan ni Lolo ng annulment papers si Ethan?" Katrina tried to console her.

"Don't blame yourself. In a way I'm at fault for not telling you the details of my conversation with Ethan. I was curious to know what will happen to the both of you. Ikaw ang ini-offer mong kapalit para hindi ako magpull out ay ang mag-stay ka kay Ethan samantalang si Ethan naman ay hinilingan ko na ipa-annul ang kasal ninyo."

Napabuntunghininga na lang siya, sumandal siya sa inuupuan at napatingin na lang siya kay Nathan na nakaupo sa tapat niya.

"Now that Karina was broken hearted, does it satisfy your curiousity?" Tanong ni Nathan kay lolo Eduardo .

"Romualdez, you have a very sharp tongue like your Dad." Lolo Eduardo commented.

"I was about to say the same thing, naunahan lang ako ni Nathan." Jaime defended Nathan. "Lolo you should stop manipulating our lives. Admit it hindi sa lahat ng pagkakataon ay sa maganda nauuwi ang pakikialam ninyo."

"Nathan, Jaime." Saway ni Katrina.

Don Eduardo laughed. "I didn't know you two are friends now. Hija, I give you credit for taming these two wild dogs. " He said to Katrina.

Nangiti si Katrina sa sinabi ni Lolo Eduardo.

"Ang gusto ko ay ang ikabubuti ng lahat. Jaime, I am not manipulating you. I am just leading you to the right direction." Pagpapatuloy ni Lolo Eduardo.

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!