Chapter Forty Five - Trouble Makers

46.6K 1K 75

Ethan

Pasimpleng muli siyang tumingin sa relo niya. It's past six. Akala niya ng sabihin ni Gyiah na ipakikilala siya nito sa few investors, she was referring to two or three. He didn't expect that she would actually called quite a few. He already sat with four prospective clients of hers and according to her, they're still waiting for at least two more.

Whoah!

What a very workaholic girl!

"You should start telling your people to prepare documents. I have a feeling you pretty convinced them all. I bet each of them would at least be investing ten million." Gyiah commented. "You keep on looking at your watch. Don't worry dear, they're on their way."

"Ethan gutom ka na ba? Gusto mo mag-order na tayo?" Biglang tanong naman ni Mary Ann sa kanya.

They were in a fancy restaurant, been seating there for six hours now. Mas gusto niyang tumayo at maglakad lakad muna sa halip na kumain.

"No, busog pa ako. Ikaw baka gusto mo na?" Dito na rin sila nag-lunch kanina. After that, coffee at light bread lang ang mineryenda nila.

"No, I'm fine. Sabay na lang tayo later." Nakangiting sagot ni Mary Ann.

Gyiah chuckled.

Napatingin siya rito ng marinig ang mahina nitong pagtawa.

"Sorry, I don't mean to interrupt but you two amazes me, really!" She said meeting his eyes. "How come you maintain that closeness kahit na may sari-sarili na kayong mga partner? I envy you Mary Ann for you have Ethan as a friend."

"Bakit wala ka bang kaibigang mga lalaki?" Mary inquired.

"Nada. I have acquaintances pero walang masasabing close ko talaga."

"Ako. Pwede mo din akong maging kaibigan." Offer niya rito. "Sa tagal ko na kaibigan itong si Ann, sanay na akong sakyan ang mga tantrums ng mga babae."

"Ethan, she's different. Mas simple at uncomplicated naman ako sa kanya." Sabi ni Mary Ann.

"Do I sense jealousy there?" Nakangiting tanong ni Gyiah sa kaibigan.

Nakita niyang natigilan si Mary Ann at parang napahiya sa sinabi ni Gyiah. "Medyo may pagka-possessive nga sa akin itong si Ann." Salo niya sa kaibigan.

"I couldn't blame her. Ngayon pa lang kita nakikilala but I think you're a great guy. Mabuti Mary Ann hindi ka nagkagusto sa kanya?" Tanong ni Gyiah.

Natahimik lalo si Mary Ann at namula pa ang mukha.

"Ako ang may gusto sa kanya dati kaso natakot akong manligaw. Baka kasi maliban sa mabasted ako ay makatikim pa ako ng suntok nito." Kinuha niya ang kamay ni Mary Ann nakapatong sa lamesa. "Kita mo ang kamao nito. Ang lakas nitong manuntok."

Instead of clearing the eerie athmosphere, the two girls remained quiet. Mula sa nakakabinging katahimikan ay parang naramdaman niyang biglang nagkaroon ng tension sa pagitan ng mga ito. Kilala niya si Mary Ann, alam niyang madali itong mapikon. Hindi nito marahil nagustuhan ang paraan ng pagtatanong ni Gyiah na animo nag-uusisa.

"Bigla akong nagutom. Order na tayo." Sinubukan niyang basagin ang katahimikan.

"Okay go ahead. Magpunta lang kami sandali ni Mary Ann sa ladies room." Gyiah said smiling. "Come, I think we should retouch our make up. You look pale."

Naunang tumayo si Gyiah at halatang hindi gusto ni Mary Ann na samahan ito.

"Are you okay?" He asked.

Tango lang ang naging sagot nito bago sinundan si Gyiah.

Anong bang nangyari sa mga iyon? Napailing siya sa kinalabasan ng usapan nila. Kanina naman okay silang tatlo, they were laughing together and those two even talked about girl stuffs.

Mga babae nga naman, paiba-iba ang ihip ng hangin.

"Ethan." Tawag sa kanya ng isang pamilyar na tinig.

"Love?" Napatayo siya ng makitang papalapit sa kanya ang asawa. "Anong ginagawa mo dito?"

Karina tiptoed and kissed his lips. "I miss you."

"I miss you more." Bulong niya rito pagkaraan niya itong yakapin ng mahigpit. "How did you know I'm here."

"Actually, I don't. Bigla lang akong niyaya nitong si Mark." Nakangiting sagot ng asawa.

Kung hindi pa banggitin ni Karina ang pangalan ni Mark, hindi niya mapapansin na nakatayo pala ito malapit sa kanila.

"Kumusta?" Matabang na bati niya rito. "Mabuti dito mo naisipang dalhin ang asawa ko." He emphasized the last two words.

"Gyiah called me, nandito daw kayo ni Mary. Naisip ko baka naiinip na ang asawa mo sa bahay kaya isinama ko na. You should be thankful, I'm here to entertain Karina. Knowing her, nakakaisip gumawa ng kalokohan yan kapag walang mapagkaabalahan."

"Mark, shut up!" Karina sneered at Mark.

Itinaas lang nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. "Where's Mary?"

"Pumunta sa ladies room kasama si Gyiah." Sagot niya.

Hinapit niya ang bewang ng asawa at hinalikan pa ito sa pinsgi. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Mark. Napapabayaan na ba niya si Karina? Kung wala lang silang hinihintay pa. Mas mauuna pa siya sa mga ito na umuwi.

Kagabi lang niya hindi nakatabing matulog ang asawa pero it felt like years.

Mary Ann

"You better stop it right now!"

Bungad ni Gyiah sa kanya pagpasok niya sa ladies room.

"I don't know hat you're saying." Pagkakaila niya.

"Oh really, spare me with those innocent eyes." Gyiah smirked. "Kung si Ethan nagagawa mong mapaniwala na kaibigan lang ang turing mo sa kanya, not me. The way you look at him, you're so busted!"

"Ano ngayon sa iyo kung may gusto ako kay Ethan? Wala naman sigurong kinalaman iyon sa paglo-loan ni Ethan sa banko n'yo. Masyado ka lang bang concern or may gusto ka din sa kanya?" Sarcastic na sagot niya rito.

Gyiah faked a laugh. "Kung may gusto ako kay Ethan, you wouldn't be here. Obviously, mas matalino ako sa iyo kaya sa una pa lang ay sasabihan ko na si Ethan na huwag kang isama sa mga meetings namin."

"You're smart and yet you don't know when to stop mendling with someone else's affair. My feelings for Ethan doesn't concern you so keep your opinion to yourself."

"Bravo what a speech but Missie I'm not an optimistic person. You're right, it doesn't concern me but once you do stupid things because of that what you called feelings. You may end up ruining Ethan and eventually he won't be able to make right decisions for his company. Do you still need me to enumerate further the unfortunate succeeding events that will transpired unless you put some sense back into your head?"

She had enough of her insults. Tinignan niya ito ng masama at hantarang niyang ipinakita na hindi niya nagustuhan ang mga sinasabi nito sa kanya. Anong karapatan nitong pagsabihan siya? She didn't even know her.

Minabuti niyang talikuran na lang ito kaysa humaba pa ang walang katuturang usapang ito. Paglabas niya ay natanaw niya agad ang lamesa nila at nakita niyang naroon si Karina at Mark. Parang alam na niya kung sino ang nagsabing naroon sila.

"Look at them. They all looked happy. You're one hell of a selfless bitch if you would still pursue this madness." Narinig niyang bulong ni Gyiah. "Hindi lang ang sarili mo ang masasaktan mo, pati silang tatlo." Pahabol ni Gyiah bago siya nito nilagpasan at naunang bumalik sa lamesa nila.

Nakita niyang sabay halos na tumayo sila Ethan at Mark paglapit roon ni Gyiah. Hinanap siya ni Mark at nginitian agad siya nito ng magsalubong ang kanilang mga mata. Parang gusto niyang maiyak. Pakiramdam niya tanging si Mark lang ang nakakaintindi sa kanya.

Bitch? Ganoon na ba talaga siya?                                           

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!