Karina

"What have you done?" Sita ni Ethan sa kanya pagpasok nila sa kanilang kwarto.

"I didn't do anything wrong."

"Anong wala kang ginawang masama? Pinahiya mo si Mary." Galit na inalis ni Ethan ang suot na necktie at pahagis na tinapon sa lapag.

"She deserves it." Matalim ang tingin na sabi niya sa asawa.

"No, she didn't deserve to be humiliated in front of other people. Karina, kawawa naman si Ann." Parang nahahapong umupo ito sa love seat sa loob ng kwarto nila. "Dapat kinontrol mo ang sarili mo." Wala na ang galit sa boses ni Ethan pero naroon pa rin ang paninisi. Hinawakan nito ang noo at yumuko.

"Believe me kinontrol ko pa ang sarili ko." Nagngingitngit na sagot niya rito.

"So kung hindi mo pa kinontrol ang sarili mo, ano dapat ang ginawa mo kanina?" Nag-angat ng mukha si Ethan at nakasimangot na tumingin sa kanya.

"Gusto ko siyang sabunutan at hilahin palayo sa iyo."

"Wow!" Napatayo si Ethan at namaywang pa ito. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Karina ano bang nangyayari sa iyo? Si Mary Ann iyon, ang matalik kong kaibigan."

Nahigit niya ang hininga. "Ikaw, ang dapat kong tanungin ng ganyan, nariirnig mo ba ang sarili mo? Ethan ako ito, si Karina ang asawa mo. Pero yang kaibigan mong yan ang kinakampihan mo."

"Anong gusto mong gawin ko kampihan kita after the scene na ginawa mo sa restaurant? Pauwi na tayo gumawa ka pa ng gulo. Sobrang pinahiya mo yung tao, hindi mo ba naisip na kasama ko siya sa araw araw sa opisina. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya pagkatapos ng ginawa mo."

"Lumabas ka." Aniya sa mahinang tinig. Nararamdaman niya na malapit na siyang maiyak sa galit.

"Huh?" Natigilang tanong ni Ethan.

"Lumabas ka na bago ko sa iyo mabuntun ang lahat ng galit ko kay Mary Ann."

"Unbelievable, ako naman ngayon ang aawayin mo. Alam mo ba kung anong oras na? Pagod ako sa trabaho, kagabi hindi na ako nakauwi dahil sa dami ng kailangan kong gawin. Tapos ngayon gulo pa ang haharapin ko."

"Huwag mo akong sisihin, sinabi ko na sa iyo na pumayag ka na sa gusto ni Lolo Eduardo para matapos na ang problema mo sa Hotel pero ano? Ayaw mo akong pakinggan, puro kasi yang kaibigan mo lang ang pinakikinggan mo."

Lumapit si Ethan sa kanya. "Sa halip na ma-appreciate mo na nagpapakahirap ako para may maganda akong buhay na maibigay sa iyo. 'Yan pa ang maririnig ko sa'yo. Gusto mo akong pumayag sa gusto ni Don Eduardo? Talaga? Napakadaling solusyon diba?" Parang sobrang disappointed si Ethan sa kanya. "Huwag mong sabihin na si Mary Ann ang pinapakinggan ko kasi kung ginawa ko iyon, matagal na kitang hiniwalayan."

Doon na tuluyang tumulo ang mga luha niya. Itinulak niya ito. Itinulak niya hanggang sa sa maisandal niya ito sa pintuan. Pagkatapos ay bumalik siya sa kama at kinuha niya ang mga unan at pinagababato niya iyon sa asawa.

"Lumabas ka!" Umiiyak na sabigaw niya rito.

Iniwasan ni Ethan ang mga binabato niya. "Karina stop it!"

"Kung gusto mo akong tumigil, lumabas ka!

"Okay!" Sigaw ni Ethan. "Kung 'yan ang gusto mo!"

Pakiramdam niya ay nayanig siya sa sobrang lakas ng pagsara ni Ethan sa pintuan ng kanilang kwarto. Para siyang kandilang nauupos na napaupo sa kama nila. Patuloy ang pagtulo ng luha niya.

Ang saya-saya pa naman niya ng makita niya ang asawa kanina sa restaurant. Hindi niya iyon inaasahan dahil wala namang sinabi si Mark. Nang maramdaman niya ang higpit ng yakap nito sa kanya, naramdaman niya ang init ng pagmamahal nito sa kanya.

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!