Chapter Four - Difference

Magsimula sa umpisa
                                    

I noticed a change in her facial expression. From being sweet, her face started to exude seduction.

"I never thought your classroom would be this hot." She removed her coat and revealed her blue tube dress. "Would you mind I put my coat here?"

Ipinatong nito ang coat sa desk ng aking inuupuan.

Napalunok ako sa nakitang kagandahan ng kutis at hubog ng katawan nito. Kahit na nakalugay ang buhok niya ay kapansin-pansin pa rin ang makinis at maputi niyang balikat at braso. Nagsipulan ang mga kaklase ko.

Nakasimangot na tinignan ko sila ng masama.

Tumayo ako mabilis na ipinatong ko uli sa mga balikat niya ang coat na kanina ay suot niya. Ayaw kong pagpyestahan ng mga kakalase ko ang katawan niya.

"Wait," she tried to remove it from her shoulders.

"No." Pigil ko sa pagpiksi niya ng balikat. "If you remove it and you'll start chaos here. Why did you have to do that anyway? The room is fully air-conditioned. It's cold in here."

Pinalis ni Katrina ang kamay ko sa balikat niya. Dahilan para malaglag ang suot niyang coat sa lapag. She smiled, tiptoed and whispered on my ear.

"I want you to know the difference of piss off and seduction. I am not nang-aakit then. This is how I act if I want to seduce a guy. See how far it is from my last reaction?"

"Karina?" I said in surprise.

"Yes! Who else?" She shrugged again her shoulder before she turned around and started walking away.

Natulala ako at hindi nakapag-react.

Akala ko ay si Katrina ang dumating dahil sa paraan ng pagngiti niya. Iyon ang ngiting nakabighani sa akin. Wala akong kilalang ibang kambal pero ganoon ba talaga ang identical twins? Sa lahat ng bagay magkapareho?

Natigil ang pagmumuni-muni ko ng makita kong may humarang kay Karina bago pa siya makalabas ng classroom.

Ang tigas kasi ng ulo sabi ng isuot ang coat eh.

Dinampot ko ang nahulog na coat at lumakad palapit kay Karina. Muli ay ipinatong ko iyon sa balikat niya.

"Excuse me mga pare, off limits." Pasintabi ko sa mga nagkakagulo kay Karina.

"Ethan, alam ba ni Mary Ann na may iba ka on the side?" Kantiyaw ng kaklase kong si Edmund.

"Sama mo naman kami sa tambayan mo. Mukhang magagandang isda ang nabibingwit mo eh." Dagdag na pang-aalaska naman ni Jerome.

Nakatayo ako sa likuran ni Karina at nakapatong pa rin ang kamay ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang pagpiksi niya mul ng balikat pero mas idiniin ko ang mga kamay ko para hindi siya makapumiglas.

"Sige sa susunod. Ihahatid ko muna—"   Sasabihin ko sana na pinsan ko si Karina pero mas kukulitin ako ng mga kaklase ko kaya... "--ang girlfriend ko. Nagseselos na naman kay Mary Ann." Inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya pero hinawakan ko naman ang isang kamay kamay niya. "Guys, Katrina my girlfriend." Pagpapakilala ko sa kanila. "Katrina, my classmates, Edmund and Jerome."

"Hi," mabilis na inabot ni Jerome ang kamay kay Karina.

Hindi iyon pinansin ni Karina at nanatiling tahimik.

"Mauna na muna kami, hahatid ko lang sa ibaba." Hinila ko na ang kamay ng walang kibong si Karina.

Nakalabas at nakarating na kami sa dulo ng hallway ng walang nagsasalita sa amin. Kasalukuyang may klase kaya kaming dalawa lang ang naglalakad sa hall. Pagtapat namin sa elevator ay binitiwan ko na ang kamay niya.

Pinindot ko ang going down button.

Inalis ko ang coat sa balikat niya at ipinasuot ko iyon sa kanya ng maayos. Tahimik na sumunod siya sa akin. I saw her cheeks red and she's avoiding my eyes.

Marahil ay nahihiya siya sa ginawa at sinabi niya kanina sa akin.

"You go straight back to your building and don't you dare remove your coat."

Tumango lang si Karina.

"Do you want me to accompany you?" Tanong ko.

Iling lang ang naging sagot niya.

The elevator door opened. May mga estudyanteng nakasakay sa loob.

"Down?" Tanong ko.

"No," sagot sa kanya ng isa sa mga nakasakay. "Up!"

Sumara uli ang elevator at nginitian ko si Karina.

"Why did you introduce me as your girlfriend?" Basag ni Karina sa katahimikan.

"To stop them from hovering you. They were known playboy."

Her cheeks blushed more.

The elevator opened again, it's empty. Sumakay na si Karina.

"Bye." Nagawa kong sabihin bago magsara ang elevator.

Tumalikod na ako at lalakd na sana pabalik ng akinng classroom ng tawagin ako ni Karina.

"Ethan!"

Nilingon ko siya.

"You know I'm Karina right?" Alanganing tanong niya.

"Yes, I know it's you." Tanggo ko.

"Then why?" Karina pressed the open button to prevent the elevator from closing. "Why did you say to your classmates that my name is Katrina?"

I smiled and winked at her.

"Wishful thinking I guess. I am planning to court your sister. I really want Katrina to be my girl. Who knows, she'll be my girlfriend for real."

Humakbang siya paatras at nanatili lang na nakatingin sa akin hanggang sa magsara ang elevator. Wala siyang sinabing anuman, blanko maging ang kanyang reaksyon.

Sweetest Lie (PUBLISHED BY PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon