Nasa pagitan ng dalaga ang dalawang bantay upang hindi ito dumugin ng mga bisita. Malugod namang binigyan ni Aletheia ng ngiti ang bawat isa, kung may malagpasan man siyang bisita ay kanya itong babalikan at kakausapin kahit mabilisan lamang. Doon nakilala si Aletheia. Maliban sa kanyang natatanging kagandahan ay hindi maitatanggi ang namumutawi nitong kagandahang loob.

People admired her. Her flaws and her simplicity what makes her so pure and fragile.

The venue filled with many guests from their town, some personalities and people from another town. The vicinity lightened up with silver and gold decorations. On the left side where the buffet serves, on front-center where the platform is being staged and the guests were just everywhere, having a chitchats and humorous talks about their lives.

Aletheia reaches her parent's position, at nakitang may kausap ang mga ito. Nang tumapon ang kanyang mga mata sa kausap ng kanyang magulang, ang isang lalaking matipuno, singkit ang mga mata at may katangkaran na aabot sa anim na talampakan. Manipis din ang kanyang labi at may kakapalan ang kilay. Pero ang ngiti nito ang nagsisilbing liwanag sa kanyang personalidad. Nang makuha niya ang atensyon nito ay mabilis siyang ipinasok sa usapan.

"Malugod ko kayong ipinapakilala sa aking nag-iisang anak na si Aletheia Sanguine." Inabot naman ng dalaga ang kanyang kamay sa pamilyang iyon. "At ito naman ang kanilang nag-iisang anak na si Edwardine. Maaari namin kayong maiwang dalawa upang lubos kayong magkakilala."

Ngiti at tango na lamang ang ipinakita ni Aletheia. Bukod sa gusto niyang tumanggi na makasama ang lalaking hindi naman niya kilala ay kabaliktaran naman ang sitwasyon na kailangan niyang harapin.

Their parents left the both of them. Aletheia stayed in silence while waiting for the guy to speak first and she felt like something is wrong with him. She cleared her throat and started the conversation. The man in front of her almost slipped the wine glass in his hand when Aletheia called his attention.

"Hindi kita nakikita dito sa bayan namin, galing ka siguro sa kabilang bayan ano?" panimula niya, maging komportable man lang siya sa gabing nangyayari.

Mariin namang tumango ang lalaki sa kanya. "Galing nga ang pamilya namin sa kabilang bayan. Naimbitahan kami nang inyong pamilya na dumalo sa selebrasyon ng iyong ama at isang bahagi naman ng anunsyo ang ipapahatid ng aking ama."

"Kung hindi mamasamain, anong anunsyo ito?"

"Malalaman mo rin mamaya." Ngiti pa nito sa dalaga, ngunit hindi nagustuhan ni Aletheia ang kanyang sagot, kung ano man ang intensyon ng kanilang pamilya sa kanilang bayan ay mukhang bagong ordinansa itong inaprubahan din ng ama niya. Hindi niya gusto ang pagiging misteryo ng lalaking ito. 

Bagamat naiwan si Aletheia kasama ang lalaki ay hindi natigil ang karamihan na makuha ang pagkakataon na makausap at makita ito ng malapitan. Yakap, halik, at pasasalamat ang lumabas mula sa pagkatao ng dalaga na ikinatulala ng lalaking kasama nito ngayon.

Nang umalis ang mga bisita sa kanilang paligid ay ang binata na ang unang nagsimula ng pag-uusap.

"Tama nga sila at hindi lang kagandahan ang tinataglay mo..." aniya at halos papuri lamang ang lumalabas sa kanya. Nagniningning na mga mata habang ngiti kasama ng mapuputing ngipin ni Aletheia ang natanggap niya. "Masaya ako't nakilala kita... mukhang tama ang desisyon kong sumama ngayon dito."

Napuno ng pagtataka si Aletheia sa sinambit ng binata. Pakiramdam niya'y may kakaibang pahiwatig iyon, o baka isang mensahe patungkol sa isang sitwasyon na kanyang tinatakasan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Maaaring ikaw ang babaeng makakatuluyan ko..."

Hindi inaasahan ni Aletheia ang mga salitang lalabas sa binatang kausap niya. Hindi niya inasahan na sa dami-rami ng mga lalaking kumukuha ng kanyang kamay at nagkaroon ng interes ay ni isa wala siyang binigyang pansin. Hindi dahil sa mapili siya—maaaring dahilan niya iyon pero wala pa sa tamang panahon ang lahat.

The 19th Century Vampire (Wattys 2020 Winner - Paranormal)Where stories live. Discover now