Napansin ng mag-asawa na iniiwasan ni Emer ang mapag-usapan ang tungkol sa mga magulang.

“Ang mabuti pa magpahinga ka na muna.” Sabi ni Senyora Alicia

“Salamat po tita.”

Hinatid sya ni Nana Marta sa magiging kwarto nito.

“Tatawagin ko na lang po kayo mamaya Senyorita kapag naihanda na po ang meryenda.”

“Salamat po.”

Pagkalabas ng matanda ay agad na ibinagsak ni Emer ang pagod katawan sa naghihintay na kama.

Hindi pa gaanong katagalan siyang nakahiga ng tumunog ang telepono nya.

Napasimangot sya ng makita kung sino. Tinatamad nyang sinagot ang telepono.

“Hello”

“Hi Emer, nasa rancho ka na ba?” tanong ni Dennisl dito.

“Ang kulit talaga ng lalaking ito.” Bulong nya sa sarili.

“Hello Emer are you still there?” tanong ni Dennis ng manahimik ito sa kabilang linya.

“Y-yes, I’m here na sa rancho.”

“Gusto ko sanang pumunta dyan.” Nakangising sabi ni Dennis

Kinabahan si Emer ng marinig ang sinabi ni Dennis kaya tinarayan na lang nya ito.

“Hindi pwede Dennis, may inaayos akong problema ngayon. Makakaistorbo ka lang.”

“Kailan ka pala babalik dito sa Manila? Na miss na kita agad.” Nakangisi pa rin ito.

“Pwede ba I’m tired napakahaba ng biniyahe ko. Tumawag ka na lang ulit next time.” Sabay off nya sa cellphone.

Kahit kailan talaga ay alam na alam ni Dennis kung paano sya iinisin. Bago natapos ang family vacation nila ay nagpaalam sya ng maayos sa mga magulang nito na for two to three weeks ay mamamalagi sya sa San Simon.   

Inis na inis naman si Dennis na inihagis ang cellphone sa kama ng kanyang inookupang hotel. Nakailang dial din sya sa number ni Emer pero naka off na ito. 

"Damn! that woman. Sya pa ang may ganang mag off ng cellphone." naghihimutok na sabi ni Dennis.

Playful HeartDove le storie prendono vita. Scoprilo ora