Chapter 71 Magkalimutan Na Tayo (The broken bestfriend)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Teka! Teka! Dito tayo. Dito ko nakita silang pumunta."

"Hah?!" hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Maysel pero papunta kami ng comfort room ngayon at dito nga naguusap silang dalawa. Dito pa talaga nila naisipan na mag-usap.Alam ko na ang gagawin namin, papakinggan ang pag-uusap nilang dalawa.

"Ayoko. Umalis na tayo." aalis na sana ako pero hinigit niya ako.

"Kunwari ka pa eh. Gusto mo din namang pakinggan ang pag-uusap nila." nakatago kami sa pader, malapit sa pintuan at ang aming mga tenga ay nakalabas para pakinggan ang kanilang pag-uusap. I mean it, gusto ko talagang mapakinggan ang pag-uusap nila kahit na alam kong masasaktan lang ako.

"Kailan mo ba balak na umalis dito?" nakapamulsa ang isang kamay ni stranger sa kanyang pants na tanong nito kay Kosuri.

"Kapag..bumalik kana sakin..aalis na ako dito."

"Hindi na nga ako babalik sa'yo. Enough na ang time na binigay ko para sa'yo kaya umalis kana!"

"Pinagtatabuyan mo ba ako? Hmm? Well, lahat naman kayo pinagtatabuyan ako pero hindi ako makakapayag hangga't hindi ko nakukuha ang gusto ko hindi ako aalis and as long as hindi ka sumama sakin pabalik sa Japan. Hindi ako aalis dito."

"Kosuri."

"Anhiro, you know how much I love you! Bumalik kana kasi sakin at magpakasal na tayo!"

"What?!" napatingin ako sa reaction ni Maysel na gulat na gulat pero binigyan ko lang siya ng isang tingin at bumalik na sa pakikinig. Sabihin mong..hindi ka sasama stranger. Sabihin mong ayaw mo sa kanya kasi mahal mo ako!

"Hindi pwede."

"Bakit? Ayaw mong sumama sakin unless may mahal kana talagang iba." Hindi umimik si stranger.

"Aalamin ko kung sino ang babaeng mahal mo." hinawakan bigla ni stranger ang braso ni Kosuri.

"Wag mo siyang sasaktan."

"Huh?! Totoo nga. May iba ka ng gusto! Goodluck nalang sa babae na 'yun dahil hindi ako makapapayag na makuha ka sakin." sarkastikong sagot nito.

"Stop it!"

"Titigil lang ako, kung papakasalan mo na ako. Dun lang matatapos ang pagiging troublemaker queen ko." Umalis na siya at napaayos kami bigla ng tayo ni Maysel.

"Ehemm." Maysel clear her throat.Tiningnan niya lang kami at nilagpasan, samantalang si stranger naman ay tumingin lang sakin eye to eye at umalis na din.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Napakasakit para sakin na may taong nasasaktan ng dahil sakin. I took a heavy deep sigh again. Falling inlove with him is saying a wrong words in my head at the wrong person. I guess, I'm definitely surely honestly insane falling for him when I know, someone is waiting for him to come back.

Kailangan pigilan ko ang nararamdaman ko, nangako ako kay Kosuri na tutulungan ko siyang mabalik sa kanya si stranger at kahit masakit, gagawin ko para sa kanya. Napaisip lang ako, kailangan ko ba talagang gawin ito? Kailangan ko pa bang ipaglaban ang nararamdaman ko sa kanya o isuko nalang dahil ito ang nakakabuti para sa aming tatlo. And I need to find my bestfriend. So, I should let this feeling go.

Naisipan kong dumalaw sa dating bahay ni Angelo at nagbabakasakaling andito siya at sana nga, andito siya. Natatakot lang ako dahil baka muli na naman niya akong ipagtabuyan pero hindi. Maraming taon ang aming pinagsamahan kaya hindi niya ako pwedeng kalimutan ng ganun-ganun nalang.

Nasa tapat na ako ngayon ng kanyang bahay at pinindot ko ang doorbell. Pinindot ko pa ito ng maraming maraming beses para sigurado akong lumabas siya pero wala..ni anino ni pabango niya hindi ko maamoy at makita.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon