Nginitian ko siya pabalik. "Maaaaam!" Reklamo ng iba.

"Kawawa naman si Kath, siya naman muna isipin natin. Hindi yung gusto niyo." Nginitian ko si ma'am. "Salamat po."

Finally. Space.

-----------------------------

"Kath, miss ka na namin. Dun ka ulit sa may likoooood!" Pangungulit sakin ng mga dati kong katabi. Sa halos dalawang linggo kong nakaupo sa harapan, halos dalawang linggo na rin silang nangungulit.

"Hindi ko kasi talaga kita sa likod e."

"Sige naaaa."

"Okay Fine! Kapag walang susulatin mamaya." Which is basically hopeless, halos araw araw kaming may sinusulat.

"Yeeeeeeeea." Tapos kinuha nila yung bag ko.

"Hoy, San niyo dadalin bag ko? Ibalik niyo naaaaaa!" Tumawa sila.

"Walang susulatin mamaya. Sabi mo pag walang susulatin, dito ka na?" Nilapag na nila yung bag ko sa upuan ko dati.

"Hindi niyo pa nga natatanong si Jan-----"

"Okay na Kath!" Napasimangot nalang ako at naglakad papunta sa likod.

"Daya, pinagtulungan niyo ko e!" Paghihimutok ko tapos binagsak ko ang sarili ko sa upuan. Napaangat nga ulo mo e.

"Ah, hehe. Sorry!" Nakita kong nag-nod ka tapos umayos ng upo.

"Hi." Nagulat ako ng bigla mo kong kausapin. Ano? Nakatingin ka sakin!

"Uh...... hi." Nakakahiya. Namiss kita kahit Hindi mo naman ako kinakausap. Namiss mo kaya ako?

"Naaawkwardan ka ba? Gusto mo makipagpalit ako Kay Kats?" Tanong mo pa. Hindi naman awkward, medyo kinikilig lang ako. >///<

"Ah? Di, Okay lang. Medyo nagulat lang ako...." Nginitian mo naman ako. Ang pogi -_-

Fragments - KathNiel One ShotsWhere stories live. Discover now