Chapter 66 Bestfriend's Point of View

Start from the beginning
                                    

"Susunod tayo sa utos niya. Sa ayaw mo at sa hindi."

"Hindi ako susunod kahit ano pa ang sabihin niyo. Hindi niyo ako naiintindihan."

"Naiintindihan ka namin anak para lang ito sa kaligtasan mo, natin." sabi ni papa sabay hinipo ang likod ko.

"Makapangyarihan silang tao. Kailangan nating sumunod sa kanila. Let your bestfriend go,anak. Let her go..makakahanap ka din ng ibang babae at more than bestfriend pa ang trato niyo sa isa't-isa."

"Bukas. Magpaalam kana sa kanya."

Tumayo na ang mga magulang ko at lumabas para kausapin na naman ang mga masasamang tao na nasa labas ng bahay namin. Maya-maya, sunod-sunod na mga motor ang nagsialisan na. Iniwan nila ang perang binibigay nila samin. Itinikom ko ang aking palad at puno ng galit ang aking mukha. Itinapon ko lahat ng mga gamit na nasa living room at dito ibinuhos ang galit.

"Stop it, Angelo. You need to pack your stuffs now. Aalis na tayo bukas na gabi. Wag kang iiyak, bakla ka kapag iiyak ka." sabi ni mama habang hinihilot ang kanyang noo at umakyat na sa taas.

"Magpaalam kana bukas sa kanya. Kung hindi mo masabi ng personal ang pagpapaalam. Isulat mo nalang at sabihin ang lahat ng gusto mong sabihin." My father tapped my back lightly and then started to walk upstairs.

Sometimes. It's true that life is unfair. Gusto mo siyang ipaglaban pero hindi mo magawa dahil sa mas makapangyarihan sila kaya I end up. LETTING HER GO.

Pagkatapos ng last time together namin. Gumawa na ako ng sulat para makapagpaalam ng maayos sa kanya dahil ngayong araw. Bbilhin na siya ng mga masasamang tao. Ibinigay ko ang aking sulat kay lolang maru.

"Lola. Wag mo sabihin sa kanya kung saan ako nagpunta. Magrason na po kayo ng kung ano-ano. Basta po wag niyong banggitin sa kanya kung nasaan kami."

"Sigurado po ba kayo sa..gagawin niyo?"

"Opo lola, kahit mahirap."

"Mag-ingat po kayo lagi. Makakaasa po kayong mapupunta sa kanya ang sulat."

"Ingat ka din lola." I took a heavey sigh at pumunta na sa kotse.

"Be strong Angelo. Maiintindihan ka niya." tiningnan ko lang si papa sa rearview mirror at ibinaling na ang tingin sa labas ng bintana. Siguro sa mga oras n'to, naibigay na ni lola sa kanya ang aking sulat.

Nasa airport na kami.. took a heavy sigh again, hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan siya.

"Agelo, pumasok na tayo."

"Ma. Pa. Hindi ko kaya."

"Angelo."

"Kayo nalang po ang umalis."

"Angelo." pag-uulit ni mama sa pangalan ko.

"Sige. Bumalik na ulit tayo sa bahay. Sa isang kondisyon." napatingin ako kay mama.

"Wag ka ng makikipagkita o lalapit sa kanya." Hindi na kami natuloy umalis. Sumabay pa ang pagbuhos ng malakas na ulan na siyang ikinatakot ni mama. Malapit na kami sa bahay ng mula sa malayo, may nakikita akong babae na nakaupo sa gitna ng kalsada at habang papalapit kami. Tama nga ang nasa isip ko. Hawak-hawak niya ang sulat ko habang umiiyak. Itinigil ni papa ang kotse at nagbusina siya dahil walang madaanan.

"Beep.Beep.Beep." hindi niya pinansin ang kotse na para bang wala siyang pakialam kung banggaan siya. My father beeped for the second time but she doesn't mind at all. Lalabas na sana ako ng bigla akong pigilan ni mama..

"Kahit na nakikita mo siyang umiiyak. Kailangan mo pa rin siyang layuan. Remember my condition Angelo."

"Eto. Payong, ibigay mo sa kanya." inabot sakin ni papa ang payong at kinuha ko naman ito. Nang makatapat na ako sa kanya, inihulog ko sa kanya mula sa kotse ang payong at umalis na.

Sorry. Sorry dahil wala akong magawa kahit nakikita kitang umiiyak. Hindi man lang kita mayakap o macomfort. Sorry Mesaiyah.

End of Flashback

I'm not weak. It's enough not to fight dahil ito ang nakakabuti para sa isa't-isa. Nilayuan ko siya at sinunod ang kondisyon ni mama. Pilit ko siyang kinalimutan pero hindi ko magawa at dahil hindi ko matiis ang sarili ko na hindi siya makita.

Araw-araw ko siyang sinusundan, araw-araw ko siyang pinagmamasdan mula sa malayo at araw-araw din akong nagtatago mula sa kanyang masamang asawa at sa nakikita ko. Masaya naman siya sa piling nito. I watched her fall to that stranger.

Ang kaninang humahabol sakin na mga lalaki, sila ang mga kaklase ko. Sa ngayon, sa bahay pa rin namin ako nakatira. Lumipat ako ng school. Sa all boys na school ako lumipat na malayo sa may kilala sakin. At ang kaninang maliwanag at matarik na araw ay unti-unti ng nagiging madilim at nagbabanta ito ng napakalakas na ulan.

She Married The Stranger [Book1]Where stories live. Discover now