Chapter 60 Her Favor

Začít od začátku
                                    

"Bakit nga ba ang aga mo magising. Linggo ngayon. Walang pasok." pambasag niya sa katahimikan.

"Pakialam mo kung pumasok ako."

"Concerned lang naman ako sa'yo. Baka mabaliw ka sa kasipagan mong pumasok at mag-aral. Paminsan-minsan naman mamasyal tayo."

"Problema ko na 'yun kung mabaliw ako. Ayokong mamasyal at isa pa. Pakialam mo ba kung ano ang gagawin ko. Diba? Wala tayong pakialaman sa gagawin. Hindi naman ako nagreklamo nung makita kong kayakap mo si Kosuri ah!" Haaaah?! Ano 'yung sinabi ko?! Wah!
Ang daldal mo talaga saiyah! Natahimik lang siya sa sinabi ko at wala man lang akong nakikitang reaksiyon sa kanya. Tumayo siya sabay nagdiretso ng cr.

Pagkalabas niya ng cr, hindi man lang siya tumingin sakin kahit isang sulyap lang. Pumunta na rin lang ako sa cr at naghilamos na at pagkatapos nun ay pumunta na sa kusina subalit pagdating ko dun, nakangalumbaba si stranger sa lamesa. Anong problema nito at parang nalugi piso? May nakita naman akong note na nakadikit sa ref.

Prince and Princess,

Sorry po kung wala akong naihandang almusal ngayon, naubusan po tayo ng stock ng pagkain kaya nasa supermarket po ako para mamili. Konting tiis lang po ang gutom.

~Manang

Kaya naman pala ganito ang itsura ni stranger. Binuksan ko ang rice cooker at may nakita naman akong kanin pero ang problema ay walang ulam. Hmmmp?

Nag-init ako ng tubig para magtimpla ng gatas. Ito nalang ang ipanguulam ko sa kanin tutal matagal na din akong hindi nakakapagulam nito. Ewan ko nga lang kung kumain si stranger ng ganito. Kung hindi siya kakain, bahala siyang magutom. Basta masaya ako sa aking kinakain.

"Ano na naman 'yan?" napatigil ako sa pagkain dahil sa tanong niya.

"Kanin na may gatas."

"Anong lasa?"

"Masarap, malamang."

"Pagkain ng baboy 'yan eh." lahat ng nasa bibig ko ay nabuga ko kaya nagkalat ang kanin sa lamesa.

"Aong pagkain ng baboy? Baka gusto mong tikman kung anong lasa nito."

"Ayoko. Punasan mo nga 'yang kinalat mong kanin sa lamesa. Nanggaling pa 'yan sa bibig mo, mas nakakadiri ka pa sa daga." sabi niya sabay alis.

"Anooo? Haaah?! Yaaaaah!!!" Nakakapikon kang lalaki ka. Grabe hah! Mas nakakadiri daw ako sa daga? Wah! Sarap niyang sampalin ng milyong beses. Argh!

"Mas mayabang ka pa sa kangaroo! Yaaaah!!!Kangaroo!!!" sa sobrang inis ko yan nalang ang sinabi ko. Ewan ko ba kung anong konek ng kangaroo sa kanya. Siguro, mahaba ang leeg niya kaya ko nasabi 'yun. Teka? Giraffe yata 'yung mahaba ang leeg? Aish. Ewan.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko at pinunasan ang lamesa at pagkatapos nun ay pumunta ako sa labas ng bahay nila para maglibot-libot.

Napakataas ng tirik ng araw at hindi ko masyadong nararamdaman ang init dahil sa mga puno na humaharang sa sinag nito.

Sobra talaga akong nagtataka sa bahay na ito. Nasa gitna siya talaga ng gubat as in tapos black pa ang kulay ng bahay. Mapapagkamalan mo tuloy itong haunted house.

"Psssstt!" Huh? Sino 'yun?

"Psssstt!" Hinanap ko kung saan nanggagaling ang nagsitsit na 'yun, imposible namang ahas 'yun diba? Kaya malamang talaga tao 'yun.

Maya-maya, may bumato sakin ng maliliit na bato at sunod-sunod pa. Hindi ko nalang pinansin kung sino man 'yun kundi nagpatuloy nalang ako sa paglalakad.

"Hoy!!" Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa likod. Ibang usapan na 'yan kaya nagtatakbo ako papunta sa garden ng bahay nila stranger kung saan andun nakapark ang motor niya at buti nalang andun siya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kung ano man 'yun, nagulo ko dahil nagtago ako sa kanyang likod at natilapon ang mga gamit.

"Ano bang problema mo?" inis na tanong niya habang mahigpit pa rin ang kapit ko sa kanyang damit na halos mapunit na.

"Eh kasi..m-may multo.."

"Multo?" sarkastiko niyang tanong at humarap siya sakin kaya napaalis ang pagkakahawak ko sa kanyang damit. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papalayo sa bahay nila.

Pinagpapawisan ako ng dahil sa kanya. Nakatitig lang ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko habang patuloy ang paglalakad namin. Tumigil kami sa isang mini park kung saan makikita mo ang kalumaan nito at nabibilang lang ang taong mga andito.

"Anong gagawin natin dito?" nakakunot ang aking noo na tanong. Nakaupo ako sa isang mini benches na nagkalat dito sa park at nakaharap siya sakin kung saan siya ang naging payong ko sa sikat ng araw na tumatama sakin. Ang kulay brown niyang mga mata ay nakatingin sakin na hindi ko alam kung bakit parang may nagdadrag race sa puso ko na naguunahan dahil sa mabilis na pagtibok nito.

Bakit. Bakit. Bakit parang ang gwapo niya. Suot niya ang black bonnet niya habang natatabunan ng kanyang buhok ang kanyang noo kung saan lalo pang nagpagwapo sa kanya ito. Jeje siya.

WAAAAAAAAHH!!!! Ano 'yung sinabi ko? Ang haba? Waaaaah!!
Erase. Erase. Hindi ko na tuloy alam kung sumagot siya sa tanong ko, kung ano-ano kasi ang iniisip ko.

"Bakit nga ulit tayo andito?" ulit na tanong ko. Bakit ganun? Sa tuwing tumititig ang mata niyang brown eyes. Parang kahit anong oras mahihimatay ako. Grabe! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Waah! Baliw na yata ako! Ang hirap pigilan. Ayoko na pero ang gwapo niya.

"Nababaliw ka na, may sira na ang ulo mo." sagot niya.

"Huh?!" Naupo siya sa tabi ko at diretso lang ang tingin niya sa may puno na nakapalibot dito sa park.

"Pwede bang humingi ng favor." I said breaking our silent interior monologue. Napatingin siya sakin na aking ikinagulat. Ano bang problema nito ngayon at ganito makatingin.

Grabe! >_____< Darang na darang na ako sa apoy niya.

"B-bakit ba g-ganyan ka makatingin?" iniwas naman niya ang tingin niya sakin at umayos siya sa pagkakaupo.

"Ano?" cold na tanong niya.

"Pwede bang bigyan mo si Kosuri ng second chance?" napatingin ulit siya sakin.

"Ah. Eh. Ah."

"Bakit ko siya bibigyan ng chance, kung mismong sa asawa ko, hindi ko maibigay yun." Tumayo siya at naglakad na at hindi na muling tumingin pa sakin. Iniwan niya ako.

She Married The Stranger [Book1]Kde žijí příběhy. Začni objevovat