Chapter 37 Mahal Pa Din Kita Kosuri

Почніть із самого початку
                                    

"Dahan-dahan lang ma'am. Baka ka mabulunan." kasasabi lang ni manang na baka mabulunan ako, nabulunan na nga.

"Tubig po."

"Salamat." uminom na ako ng tubig. Matanong ko kaya si manang kung sino si Kosuri?

"Ahmm..manang..ahmm. Kilala mo ba si Kosuri?" natigilan siya sa kanyang ginagawa at umupo sa katabi kong upuan.

"Bakit mo po natanong?"

"Eh kasi..nag sleeptalk si stranger kanina..sabi niya mahal pa rin kita Kosuri."

"Hindi naman sa nangingialam ako ma'am. I heard. I heard lang ha? Kasi kapag nagkukwentuhan ang Shatsune family nababanggit ang pangalan na yan eh..ahmm..si Kosuri po ang first love ni Prince Anhiro." Natigilan ako sa pagkain sa sinabi niya. First love siya ni stranger?

"Tapos?"

"Tapos ma'am..ang dinig ko din..kaya sila pumunta dito sa pilipinas dahil kay Kosuri. Ang alam ko nagbabakasyon lang sila dito sa Pilipinas."

"Huh? Bakasyon? Eh sabi sakin ni Anthea, nung pagkatungtong ni stranger into 14 years old bumalik sila dito sa Pilipinas na parang dito talaga sila nakatira."

"Siguro ma'am binukod ni ma'am Anthea 'yung story kasi baka siguro magselos ka." Natawa lang ako sa sinabi ni manang. Bat ako magseselos? He's nothing to me kaya wala akong dapat ikaselos.

"Pero totoo pong..ampon si Anthea?"

"Yes ma'am. Pumunta lang kasi dito sa Pilipinas ang mga magulang ni Prince Anhiro para mag ampon lang ng anak kasi...may anak na po sila nung panahon na 'yun ehh..kasi alam niyo na po..nakakaiba ang ganda ng Pilipina kaya naisipan nilang mag ampon ng babae na galing dito."

pero bakit ang kwento niya sakin parang dito na talaga sila nakatira? Ewan. Ang gulo.

"Tapos 'yun po. Dinala nila 'yung inampon nila na si Anthea sa Japan para dun pag-aralin and then 10 years silang nagstay dun...tapos nung bumalik na sila dito ayun..kasama na nila si Prince."

"Errr? Edi nung bumalik sila dito sa Pilipinas...magbabakasyon lang talaga sila?"

"Yup! Wala naman talaga silang balak na manirahan dito kundi magbakasyon lang pero...nagustuhan po ni Prince ang Pilipinas kaya ipinagpatayo siya ng lolo niya ng bahay pati na ang mga kaibigan niya."

"So, ito na po 'yung bahay na ipinagpatayo ng lolo niya?" tanong ko.

"Tumpak ka diyan ma'am atsaka nagbakasyon sila dito para malimutan ni Prince si Kosuri..pero ngayon siguro nakita niya na ulit ang first love niya kaya nabanggit niya ang pangalan. Siguro, bumalik ulit ang pagmamahal niya para sa babaeng 'yun."

"Ahh. Eh bakit po parang alam niyo na ang lahat?"

"Hehehe...matagal na po kasi nila akong katulong..since nasa Japan pa sila, overseas worker po ako dun hanggang sa pumunta na sila dito, isinama nila ako."

"Ahh. Ganun po ba? Kaya naman pala nagtataka ako na alam mo ang lahat."

"Diba po angkan sila ng Yakuza? Hindi po ba kayo natatakot?" dagdag na tanong ko.

"Natatakot po..pero sanayan nalang yan..buwis buhay po ang pagiging katulong ko sa kanila..alam ko naman pong anytime pwede nila akong patayin oras na magkamali ako...swerte ko pa nga kasi nagbabasag lang ng gamit si Prince."

"Oo nga po. Kahit papaano may puso din pala 'yun pero kapag sinaktan ka po ni stranger sabihin mop o sakin at ipaghihiganti kita." sagot ko pero natawa lang si manang.

"Ilang years na po silang nagbabakasyon dito?" dagdag ulit na tanong ko.

"Ahmm..siguro po ma'am..ahmm..3 years na silang nagbabakasyon dito..totoo pong 14 years old palang si anhiro na pumunta dito and then 17 na siya ngayon kaya 3 years after."

"Ahh." Napatango nalang ako.

"Ahm. Manang, last question. Bakit gustong kalimutan ni stranger si Kosuri at bakit nagustuhan niyang dito tumira?"

"Ewan ko po ma'am. Ang asawa niyo nalang po ang tanungin niyo kasi...hindi ko na alam yan eh. Sige ma'am. Goodnight! Inaantok na po ako eh."

"Teka? Last question na po talaga...meron po bang nagbitay na matanda sa malaking puno dun sa may tapat ng living room?" biglang natawa si manang sa sinabi ko. Nyeh? Nagjojoke ako ganun?

"Ma'am..hahahaha...nung una mo po kasing tulog dito at ayaw mong tumulog sa kwarto niya..napag utusan po ako ni prince na takutin ka."

"Haaah? So ganun wala talagang katulong na nagbitay?"

"Naku, ma'am wala po..mabait po ang mga magulang niya saming mga katulong. Si Prince lang po talaga ang masungit at basagulero."

"Ah. Sige po matulog kana, goodnight!"

"Matulog kana din po ma'am." si manang na around 65 years old at nagaagaw ang puti at itim niyang buhok na maputi at medyo kulubot na ang balat umalis na siya para matulog samantalang naiwan ako sa lamesa na naiinis. Argh! Grabe yun! Tinakot ako? Huh! Akala ko totoo na pero argh! Number one talaga siya sa malalakas ang trip. Aish!

She Married The Stranger [Book1]Where stories live. Discover now