Chapter 31 The Husband's Gift

Magsimula sa umpisa
                                    

I've been looking for that someone

I'll never make it on my own

Dreams can't take the place of loving you

There's gotta be a million reasons why it's true

O______O Napalaki ang mga mata ko sa mga inorder niyang pagkain, halos lahat na yata ng dishes ay nakalagay sa aming lamesa. Teka?Teka?

Tinitingnan ko si stranger pero bakit hindi siya tumitingin?

When you look me in the eyes

And tell me that you love me

Everything's alright

When you're right here by my side

When you look me in the eyes

I catch a glimpse of heaven

I find my paradise

When you look me in the eyes

Kumain na ako and still hindi pa rin siya tumitingin sakin. Ewan, bahala siya kung ayaw niya tumingin. Kain ako ng kain at wala ng sinasayang na oras pa.YUM!YUM!YUM! Ang sarap kasi ng mga pagkain, subo ako ng subo hanggang sa mabulunan ako dahil sa sunod na kanta na nagplay. Napainom ako ng tubig at siya naman ay napatingin sakin.

Now Playing: Bestfriend by Jason Chen

Do you remember when i said i'll always be there

Ever since we were ten baby,

When we are out on the playground playing pretend

I didn't know it back then

Nang-aasar naman talaga ang tadhana diba? Bakit 'yun nalang lagi ang sunod na nagpaplay kapag kasama ko siya? Patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain at hindi ko alam may paunti-unti ng luhang umaagos sa aking mga pisngi. Hindi ko alam kung nakatingin siya sakin.

Hindi, kaya ko'to. Hindi naman sa lahat ng oras iiyak ako kapag naririnig ko ang kanta na 'yan. Huminga ako ng malalim. Matatapos ko ang kanta na 'yan na hindi umiiyak. Tama.

Natapos ko nga ang kanta na 'yan na hindi naumiiyak pero ang sakit naman ng lalamunan ko sa pagpipigil. Tumayo na ako at umalis na sa pwesto namin.

"Hoy! Mine! Uuwi na tayo!" Dinig kong tawag niya. Napatingin samin ang iba pang tao na kumakain sa restaurant.

"Mine? Ang cute naman ng tawagan nila.Wala ng aagaw pa diyan. Mine na ang tawagan e."

"Mine na rin lang kaya ang itawag natin sa isa't-isa honey?"

"Naku, wag ka nga gumaya sa kanila? Pang teenager lang ang tawagan na 'yun." Dinig ko na kwentuhan nung matanda na nasa likod namin.

Lumapit siya sakin at tinusok-tusok ang pisngi ko.

"Uuwi na tayo mine. Ano pang hinihintay mo?" sabi niya.

"A-andami pa nating pagkain na maiiwan." sabi ko habang tinuturo turo ang mga pagkain.

"Gusto mo kainin mo na 'yan lahat." sabi niya and i just gave him my sweetest smirk.

"Wow. Common sense naman, busog na ako. Kailangan kong ipabalot lahat ng ito."

"Tapos?"

"Tapos ipapakain sa'yo." Pang-asar ko.

"Whaat?" gulat na tanong niya.

"Joke lang! Common sense naman, alam ko namang hindi ka kumakain ng tira-tira."

"Waiter! Pabalot nga lahat ng mga natira." Utos ko.

"Okay po." Sabi nung waiter. Binalot na nung waiter yung mga pagkain na natira at pagkatapos kinuha ko ito at dire-diretsong lumabas ng restaurant.

"HOYY!" hindi ako tumingin sa tawag niya. Pumunta ako sa ilalim ng tulay na nadaanan namin kanina at ibinigay ang mga natira naming pagkain sa mga bata na nanlilimos. Sayang naman yung ibang pagkain na hindi namin nagalaw kaya naisip kong sa kanila nalang ibigay para naman may makinabang. Bumalik na ako sa kanya at nakatingin lang siya sakin.

"Ano 'yun?" Tinuro ko ang langit at napatingin naman siya. Hahahahaha Madali palang mauto ang isang 'to.

"Ano yun? Wala naman ah."

"Hahahahaha uto-uto ka! hahahahaha haaay! Sama ka mamaya sa parada ng mga uto-uto." asar ko at nagstart ng maglakad pauwi.

"HOY! MINE! NAKATAPAK KA NG EBAK!" sigaw niya at napatingin naman ako sa sapatos ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! PAREHAS NA TAYO UTO-UTO! HAHAHAHAHA" Gumanti talaga siya hah?

"MAY DAGA!!!!" sigaw ko at nagtatalon siya papunta sakin at yumakap hanggang sa maligti na ako. Ano ba 'yan? OA nito ah.

"Wala namang daga! Umalis ka nga!" Nakahinga-hinga siya ng maluwag sa sinabi ko, grabe puno siya ng pawis dun ahh.

"MAY AHAS!!" akala naman niya magpapauto pa ako sa kanya.

"MAY AHAS NGA!!" sabi niya

"Tigilan mo nga ako, hindi ako uto-uto tulad mo!" napatingin ako sa may paa ko at meron nga. OHMY!

"AHHHHHHHH!!!!" ako naman ang nagtatalon papunta sa kanya at napayakap. Ipinulupot ko ang binti ko sa kanya at halos matumba na siya dahil sa kakatawa.

"HAHAHAHAHAHA!" naririnig ko ang tawa ng mga bata. Aish! Grabe kayong mga bata kayo! Napaalis ang pagkakayakap ko sa kanya ng matauhan ako .Laruan lang pala yung ahas at nangtitrip lang yung mga bata. Pati bata marunong ng mangtrip >////< sino bang nagpauso ng trip na 'yan? Malamang ang isang 'to top 1 sa malalakas ang trip sa buong mundo.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo!" Napatigil ako sa paglalakad at napaharap sa kanya.

"Ang gwapo ko ano?" hindi lang siya top 1 sa malalakas ang trip, top 1 pa sa pagkafeelingero. Tsk tsk. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad pauwi.

She Married The Stranger [Book1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon