Epilogue

7.7K 108 4
                                    


THE AISLE

Suot suot na ni EJ ang kanyang puting gown, suot suot na nya ang kanyang belo at ngayon nasa kalagitnaan na sya para pumunta sa simbahan kung saan naghihintay ang taong mahal nya. Kinakabahan sya pero puno parin nang saya ang kanyang pag-iisip.

Napasinghap nalang sya at tsaka ngumiti. Malapit na magsimula ang kasal, nagulat si EJ ng biglang unti unting tumigil ang kotseng sinasakyan nya, napakunot ang noo nya dahil dun kaya agad nyang dinako ang tingin sa nagmamaneho.

"Kuya ano hong nangyare?" tanong ni EJ sa nagmamaneho.

"Ma'am dito lang ho kayo titignan ko ho" agad na bumaba ang nagmamaneho ng kotse at binuksan ang harap ng sasakyan.

Kinakabahan si EJ, hindi nya malaman ang nararamdaman, ilang minuto nalang ay magsisimula na ang kasal nya pero wala parin sya sa simbahan. Sigurado syang, nandoon na lahat ng mga imbitado sa kanyang kasal at nandoon narin ang kanyang mapapangasawa.

Hindi na napigilan ni EJ ang kanyang sarili kaya lumabas na sya ng kotse at lumapit sa driver "Manong ano po bang problema?" tanong ni EJ dito.

"Ma'am dapat nasa loob lang ho kayo, nasiraan po tayo ng makina kaya po tumigil ang sasakyan" pagpapaliwanag ng driver sa kanya, tila kinabahan si EJ dahil dun. Ilang minuto ay naghihintay na ang mga nasa simbahan sa kanya.

"Kuya matagal pa ho ba yan?" tanong ni EJ dito, tumango nalang bilang sagot ang driver, tila naging blangko ang isip ni EJ dahil dun, matagal pa bago maayos ang kotse. Hindi nya mapigilang mag-alala dahil dun.







"Nasan na ba si Heaven?" tanong ni Leille at tinignan ang kanyang orasan, hindi rin maiwasang mangamba ng mga kaibigan ni EJ dahil dun, malapit na ang oras pero ngayon wala parin ang bride.

"Don't worry Mom, darating sya" usal ni Heather sa kanya na hindi rin maiwasang mangamba dahil dun. Idinako naman ni Kimber ang kanyang tingin kay Gian, nakita nyang hindi ito mapakali dahil sa anong oras na ay wala parin si EJ.

"Ej, where are you?" bulong ni Kimber sa kanyang sarili, nangangamba ito na baka may masamang nangyare sa kanyang kaibigan pero nananatili parin syang positibo na darating ang kanyang kaibigan.





Hanggang ngayon ay nasa kalsada parin si EJ, nang biglang may motor na tumigil sa kanyang harapan at nakita nya si Shakes suot suot ang tuxedo neto. "EJ, bakit wala ka pa sa simbahan?" tanong neto sa kanya.

"Nasiraan ng makina yung kotse.." nangangamba usal ni EJ, agad na bumaba si Shakes sa kanyang motor at tinignan ang kotse.

"EJ, matagal ito baka pa ito maayos" tila nangamba ulit si EJ dahil sa sinabi ni Shakes, napakagat sya sa kanyang labi at tila nag-iisip ng gagawin para makarating sa simbahan hanggang sa madako ang kanyang tingin sa motor ni Shakes.

"Give me the key" tila napakunot ang noo ni Shakes dahil dun kaya agad syang tumayo, "Don't tell me sasakay ka--"

"Give me the key Shakes, I have no choice sumunod ka nalang" dahil dun ay wala ng nagawa si Shakes kung hindi ibigay ang susi ng kanyang motor, tumango nalang si EJ bilang pagsasalamat.

"Call Kimber, and said malapit na ako sa simbahan" tumango nalang si Shakes bilang sagot dito, agad na pinaandar ni EJ ang motor at agad na pinaharurot.







Nag-aabang parin si Kimber at ang lahat, biglang tumunog ang kanyang phone at nakita nya ang hindi kilala numero. Sinagot nya ito "Hello.."

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now