Chapter 43

9K 220 2
                                    

CHAPTER FORTY THREE

HEAVEN'S POV


Mabilis akong nakalabas ng ospital, sabi ng doctor ay okay narin naman ang lahat. Nasa kwarto lang ako ng may kumatok sa pinto.

"Come in" malamig na sabi ko habang nilalaro ang butterfly knife, pumasok ang isang maid sa kwarto ko na ikinakunot ng noo ko.

"Ma'am may mga bisita po kayo" napatigil ako sa paglalaro ng balisong ng sinabi niya yun.

Agad akong bumaba at nakita ang tatlong nakaupo sa sofa, napatingin naman sila sa akin. Nakita ko namang umiwas ang magkapatid at si Kimber ay nakangiti lang sa akin.

Nakalimutan kong nakasuot lang ako ng sports bra at naka- jagger pants, bumaba naman ako at hinarap sila.

"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanila, nakaiwas parin ang mga tingin ng magkapatid sa akin.

"Kakamustahin ka lang namin" nakangiting sabi ni Kimber, "Paano niyo naman nalaman ang bahay ko??" tanong ko sa kanila.

"Your sister told us" sabi sa akin ni Kimber, tinignan ko naman ang paligid at nandon lahat ng guards at maids.

"Tara dun tayo mag-usap sa kwarto ko" nanlaki naman ang mata ni Kimber "T-Talaga?" tumango naman ako bilang sagot.

Nauna naman ako at sumunod lang silang tatlo, pumasok kami sa loob, kumuha naman ako ng damit sa kabinet. "Black lang talaga ang kulay?" tanong sa akin ni Kimber.

"Don't ever touch anything okay" malamig na utos ko sa kanila, iniikot ng tatlo ang kwarto ko tila mangha na mangha.

Lumapit ako sa isang frame, binuksan ko ito sa likod at pinindot ang isang button "Wowww.." manghang sabi ni DA, bumukas ang isang pinto na kadikit ng pader.

"Pasok" sabi ko sa kanila, sumunod naman sila at, walang makakapansin ng pintong ito dahil akala ng iba ay pader lang ito.

Nadatnan nila ang mga collection ng mga kutsilyo, blades at iba pa, mga camera rin kung saan nakakabit ang mga cameras sa loob ng quarters at loob ng school.

"Woww..." sabi ni Gian, "Wala bang nakaalam neto?" tanong sa akin ni Kimber, umiling naman ako bilang sagot.

"Kapag may nakapasok dito sa kwarto ko, malalaman at malalaman ko yun dahil dito" sabi ko at tinuro ang relong nakasuot sa kaliwang kamay ko.

Bigla namang nag-ring ang phone ko, kinuha ko yun at nakita ko ang pangalan ni Jacob, sinagot ko ito.





Pagkatapos ng usapan namin ni Jacob ay tinginan ko kaagad ang camera sa quarters at nakita ko ang mga taga- GangThree.

"Kailangan niyo ng umalis" sabi ko sa kanila, napakunot naman sila dahil sa sinabi ko.

"S-San ka naman pupunta?" tanong ni Kimber sa akin.

"May nakapasok sa quarters, kailangan kong pumunta dun" malamig na sabi ko sa kanila.

Dali- dali akong kumuha ng damit ko "Ej kakagaling mo lang sa ospital!"

Sigaw sa akin ni Gian ngunit hindi ko ito pinakakinggan, "EJ dito ka nalang, magpahinga ka"

Diretso parin ako " Pupunta ako dun" malamig na sabi ko, palabas na sana ako ng may humawak sa braso ko.

"Don't leave, just stay here" sabi ni Gian, seryoso ang tingin niya sa akin, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Nabasag ang katahimikan dahil sa biglang pagring ng phone ko at si Jacob yun.

"Hello, Jacob" malamig na sabi ko sa kanilang linya.

"Okay na po ang lahat Miss K, wag na ho kayong pumunta, magpahinga nalang po kayo"

Napabuga naman ako ng malalim na hininga dahil sa sinabi ni Jacob.

Tumingin naman ako ng diretso kay Gian "Sige, hindi ako aalis pero sana hindi na kayo mangingielam sa mga pupuntahan ko, maliwanag ba?"

Napaiwas lang sila ng tingin sa amin "Kailangan kong mapatay si Cosmo..."

Napatango silang lahat dahil sa sinabi ko "Hindi ko kayang may masalba nanamang buhay ng dahil sa akin...."




"Kung pwede lang ay lumayo muna kayo at tatapusin ko ang trabaho ko...."



END OF CHAPTER FORTY THREE





















BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon