Chapter 128

4.9K 86 2
                                    

Hanggang ngayon ay abala parin si EJ sa paghahanap kay Jacob, gusto nya itong makita para tulungan siyang mahanap si Cosmo.

Kasalukuyang nasa bahay ngayon si EJ. Naghahalungkat ito ng mga ilang papeles nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto nya.

Napakunot ang noo neto, unti unti syang nag-lakad papunta sa pinto. Hinawakan nya ang door knob at napangiti sya dahil sa taong kumatok. Suot suot nya ang malaki netong ngiti habang nakatingin kay EJ.

"What are you doing here?" tanong ni EJ, pinapasok nya si Gian sa loob ng kwarto nya.

"Yayayain kang mag-date.." napakunot ang noo ni EJ dahil sa sinabi ni Gian.

"Huh?"

"Yayayain kitang mag-date..." napatango naman si EJ dahil dun. Napakunot naman si Gian dahil sa mga papeles na nakakalat sa study table ni EJ.

"What's this?" lumapit si Gian sa study table ni EJ at nakita nya ang mga litrato ni Jacob sa mga papeles.

"Hinahanap si Jacob.." simpleng sabi ni EJ at lumapit narin dito. Napakunot naman ang noo ni Gian dahil sa sinabi ni EJ.

"For what?" tila naguguluhang tanong ni Gian kay EJ. Bakit nya hinahanap si Jacob?

"Sabay naming hahanapin si Cosmo.." nanlamig ang boses ni EJ na mas lalong ikinakunot ng noo ni Gian.

"EJ..alam mo namang delikado ang gagawin mo..." sabi ni Gian at unti unting humarap kay EJ na kasalukuyang malamig na ang tingin sa kanya.

"Gian... ako ang kailangan ni Cosmo kaya hindi sya titigil hangga't hindi ako napapatay..." malamig na sabi ni EJ, naging puno ng pangamba ngayon si Gian dahil sa balak ni EJ.

"Pero paano kung mamatay-"

"Nagawa niyang patayin si Almira pero hindi ako." giit na sabi ni EJ. Hindi maiwasang mag-alala ni Gian dahil sa heto nanaman ang kinakatakutan nyang paglalaban nilang dalawa ni Cosmo.

"Hindi matatapos ang lahat kung hindi nya ako mapapatay at mas lalong may madadamay-"

Napatigil si EJ dahil sa biglang pag-yakap sa kanya ni Gian. Ramdam nya ang pag-aalala sa yakap neto na nahahaluan ng takot na baka mawala ulit si EJ kay Gian.

Narinig ni EJ ang malalim na buntong hininga ni Gian, alam nyang nag-aalala sya dahil sa gagawin neto pero hindi matitigil ang lahat hangga't hindi namamatay si Cosmo.

"Please EJ..."

"Wag kang mag-bigay ng takot na baka may mangyareng masama sayo.." nakagat ni EJ ang kanyang labi.

"Wag mong ipahamak ang sarili mo, please.." tila nadudurog ang puso ni EJ dahil sa boses ni Gian.

Niyakap pabalik ni EJ si Gian "Don't give me a reason sa balak mong pagbabalik sa Gangworld..."

Mas lalong napahigpit ang yakap ni Gian "I'm begging you..." sabi ni Gian.










Samantala ay nasa restaurant ngayon ni DA si Lianna. Napadalaw sya dahil minsan nalang syang makakain ng mga dish dito.

Dumating ang mga pagkaing inorder nya. Nakakapagtaka lang eh parang hindi nya nakikita si DA.

Tumuloy ito sa pagkain ng mga dish. Kumakain lang ito ng biglang may tumabi sa kanya, unti unti nyang tinignan kung sino ito at lumabas ang isang malaking ngiti kay Lianna.

"Hi babe.." sabi ni DA na mas lalong ikinangiti ni Lianna.

"Hi babe" sabi ni Lianna, hahalik na sana ito sa pisngi ni DA ngunit nanlaki ang mata nya ng mabilis na hinalikan ni DA ang kanyang mga labi.

Biglang namula ang mukha ni Lianna na akala mo ay isang kamatis. Napangisi naman si DA at tinignan lang si Lianna.

Agad ulit ninakawan ng halik ni DA si Lianna. "D-DA..baka may makakita.." nahihiyang sabi ni Lianna habang namumula parin ang mukha neto.

"What? Mind there own business" sabi ni DA, dahil dun ay unti unting nawala ang pamumula ni Lianna.

"Anong ginagawa mo dito? You supposed to be in the kitchen" sabi ni Lianna habang pinupunasan ang labi neto gamit ang napkin.

"Well kaya naman nila and besides your are here so I need to check you out.." napangisi naman si Lianna dahil sa sinabi ni DA.

Napangiti naman si DA at sinamahang kumain si Lianna.



Samantala ay naglalakad lang si Vanessa sa side walk dahilan ay bumili sya ng mga ilang cupcakes at ibibigay nya ito sa orphanage.

Malayo ang pinag-park nya ng sasakyan nya kaya naglalakad ito para pumunta dun.

Patuloy lang ito sa paglalakad ng madako ang tingin nya sa kabilang side walk. Napakunot ang noo niya ng may lalaking nag-lalakad suot suot ang leather na jacket neto at buong itim na pantalon.

Iniwas ni Vanessa ang kanyang tingin pero bigla syang napatigil at tila nagulat pa. Agad nyang nilingon ang lalaki at kumaliwa ito sa isang eskinita.

Sana naman ay mali ang hinala nya, tumawid sya ng kalsada hanggang sa makarating sya sa side walk.

Naglakad sya papunta sa eskinitang pinasukan ng lalaki. Hindi nya alam pero may nagtulak sa kanyang pumasok sa loob neto.

Nilakad nya ang eskenita hanggang sa makarating sya sa dulo neto na tanging pader nalang.

Napabuntong hininga si Vanessa dahil dun tumalikod sya at naglakad para lumabas na.

Nakakailang hakbang pa lamang sya ng may magsalita sa kanyang likod.

"It's nice to see you again Vanessa.." tila parang nagsitaasan ang mga balahibo ni Vanessa dahil sa boses na narinig nya.

Sana mali ang hinala nya, unti unti nyang iniharap ang taong nagsalita.

Nabitawan nya ang paper bag na hawak nya ng makita ang isang nakangising demonyo sa harap nya.

Nakangisi sa kanya ang tingin neto. Nagbago ang pananamit neto pati ang kulay ng buhok neto ay may kulay na.

"Hindi ko alam na dito pala tayo magkikita..." tila bumilis ang tibok ng puso ni Vanessa dahil sa nakakalokong ngiti ni Zero.

"C-Cosmo.." nauutal na sabi ni Vanessa.

"Correction Vanessa, it's now Zero.." mas lalong lumabas ang nakakalokong ngiti neto sa kanyang labi na ikinakaba ni Vanessa.

Hindi nya inaasahan na dito nya makikita si Zero, ang akala neto ay nagtatago ito sa mga pulis pero andito lang ito at hindi nakikita.

Parang mas magaling pa sa dagang magtago si Zero dahil sa mga plano neto kung paano nya tatakasan ang mga pulis.

'Cosmo..'






END OF CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY EIGHT









BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora