Chapter 60

8.2K 166 5
                                    

CHAPTER SIXTY

GIAN'S POV

Hanggang ngayon ay nandito parin kaming dalawa ni Kimber. 10 pm narin at halata sa mukha ni Kimber na inaantok na siya.

"Umuwi ka na" sabi ni EJ, napatingin naman si Kimber dahil dun.

"H-Hindi dito na-"

"Umuwi ka na para makapagpahinga ka hindi ka makakatulog kung dito ka magpapalipas" sabi ni EJ, hindi narin nagpumilit si Kimber at sumunod nalang.

Umalis na si Kimber at kami nalang ang natira ni EJ "Ikaw?" napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong nya sa akin at tumayo ito galing sa pagkakahiga.

"Hanggat hindi sinasabi ni Tita, hindi ako uuwi" sabi ko sa kanya na ikinakunot naman ng noo niya.

Tumingin naman siya dun sa labas ng bintana at makikita mo ang maliwanag na buwan kasama ng mga bituin.

"Pwede samahan mo ako?" napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Saan naman?" tanong ko sa kanya.

"Sa rooftop, ayokong nakakulong lang dito gusto ng masimoy na hangin" ang ilaw na nanggagaling sa buwan ay nag-rereflect sa mukha niya.

***

Nakarating kami sa rooftop at naupo kami sa isang bench, kumuha rin ng maraming pagkain si EJ.

Nakaupo lang kami at tinitignan ang buong city, puro ilaw ang nakikita namin.

"Hayy..." napatingin naman ako kay EJ dahil dun.

"Ang sarap naman dito, kung pwede lang matulog dito eh ginawa ko na" sabi niya habang kinakain ang cheese balls.

"Teka, hinahanap ba ako ng mga profs?" napatingin naman ako sa kanya.

"Oo, hinahanap ka nila" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Siguro na-miss nila ako" mala-lagpas langit ang confidence na sabi niya.

"Sinusundan parin ba kayo?" naging seryoso ang tono ng boses nya.

"Hindi, walang nagmamasid sa amin" sabi ko sa kanya, napasandal naman sya.

"Ginusto mo ba talagang mapasama sa Gang?" napatigil sya sa pagbukas ng fruitella at napatingin sa akin.

"Magtatanong ka pa ba ulit kung sasabihin kong OO?" tanong nya sa akin

Saglitan akong natigilan dun pero biglang niyang hinawi ang buhok kong nakasayad na sa mata ko dahil sa hangin.

"Masaya naman akong sa ginagawa ko eh kaya no worries" sabi nya at ngumiti sa akin.

"Oh bakit tulala ka dyan?" sabi nya sa akin at napatabingi naman ang ulo nya.

"Hay nako, na-star struck k-huk!" bigla ko syang niyakap dahil sa alam kong may sakit parin sa kanya.

"G-Gian, an-"

"Don't move, just stay still" sabi ko sa kanya at pumikit na.





BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now