Chapter 4

17.9K 407 5
                                    

CHAPTER FOUR

HEAVEN'S POV

Walang pasok bukas. Makakapagpahinga narin ang utak ko. Nasa kwarto ako ngayon at malalim kong iniisip kung nasaan ang mga humahanap sa akin ngayon.

Nag-iisip lang ako ng biglang nakarinig ako sa baba ng tawanan. She's already here. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-iisip ko.

"Ej, your Ate is here" sabi ni Mommy habang nakangiti. Tinignan ko naman ito na para bang hindi ko kilala ang dumating "Nobody cares Mom" sabi ko at nilagay sa tenga ko ang earphone ko. Biglang tinagal ni Mommy ang earphones ko, tinignan ko naman ito at nakita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.

"Please EJ, salubungin or kamustahin mo naman ang ate mo" nagmamakaawang sabi sa akin ni Mommy. Iniwasan ko naman ang mga tingin niya at tumayo. "Mom, alam mo naman na kahit anong gawin mo eh walang magbabago" galit na sabi ko sa kanya, tumayo naman ito at hinarap ako "Please EJ, gawin mo nalang ito para sa akin" halos mangiyak- ngiyak niyang sabi sa akin. Hinawakan niya naman ng dalawang kamay ang braso ko at nagmamakaawa.

***

"May pyesta ba dito?" napatingin naman silang dalawa sa akin. Si Heather naman ay nagulat naman sa pagkakita sa akin. "Hindi mo man lang ba kakamustahin ang ate mo?" nakangiting tanong ni Heather sa akin.

"No" maikli kong sabi na ikinawala ng ngiti niya "Ahahaha do you think na-miss kita?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Hinawakan naman ni Mommy ang braso ko na ibigsabihin ay 'tumigil na ako'

"Sana nga hindi ka nalang umuwi eh"

"HEAVEN!!!" napatingin naman ako kay Daddy na inis na inis dahil sa ugaling pinapakita ko. "Wag mo pagsalitaan ang Ate mo ng ganyan!!!" rinig na rinig sa buong dinning room ang lakas ng sigaw ni Daddy.

"Why Dad? Ipagtatanggol mo nanaman niyang magaling mong anak?!!" sabi ko habang tinuturo si Heather na hindi rin alam kung anong sasabihin niya.

"Sawang sawa na ako sa ugali m-"

"Bakit hindi ka rin ba nag-sasawa na ako lagi ang napapansin mo ah?!!!!" halos maputol na ang mga ugat ko dahil sa sinabi ko. Kinakapa niya parin kung anong isusumbat niya sa akin.

"Lagi mo nalang sakin sinisisi lahat, pagkagaling mo sa work sakin mo SINUSUMBAT LAHAT!!"

"Bakit?? Dahil sa ganito ako?!! Kaya sakin mo lahat pinupunta ang galit mo ah!!" gustong kong ibuhos sa kanya lahat, matagal ko nang kinikimkim ito dahil ayokong masira ang pamilya namin pero sya ang gumagawa para masira yun.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now