Chapter 40

9.5K 228 1
                                    

CHAPTER FORTY

GIAN'S POV

Tatlong araw ng absent si EJ, oo tatlo na. Dammit, hindi niya ba alam na nag-aalala na ako sa kanya.

Pumunta kaagad ako sa canteen at nakita ko si DA at Kimber na kumakain na.

"Tatlong araw na ah! Ano bang nangyayare kay EJ?" tanong ni Kimber ng makarating ako sa table.

"Napakamisyeryoso talaga ng babaeng yun kahit kailan" sabi ni Kimber at kumagat ng burger.

"Masanay na kayong wala sya" napatingin naman sila sa akin, nakakunot lang ang noo nila.

"Umalis na siya sa school" nabilaukan si Kimber at dali-dali namang kumuha si DA ng tubig.

Nang makaluwag luwag siya ay dun sa nag-react "What?!" napatingin lahat ng estudyante kay Kimber.

Hindi niya yun napansin at tumingin sa akin "Bakit naman daw?!" bulong niyang sabi sa akin.

"Hindi ko alam.." sabi ko at nag-kibit balikat nalang "Hayysss.." sabi ni DA, at nag-bow ng head.

"Sana naman hindi totoo yun!" sabi ni Kimber habang nakanguso, kumuha nalang ako ng libro at nag-basa.


KIMBER'S POV

Magkasama kami ngayong tatlo, well I guess makaksama ko ang dalawang ito ng matagal. Tss

Nag-lalakad lang kami ng biglang mapatigil ang paa ko at nakita ang hinahanap namin.

"EJ!!" sigaw ko, napatingin naman siya, yung tingin niya ay parang masaya na may panganib. Aishh!!

Maglalakad palang ito palapit sa amin ng biglang may humintong van sa likod niya at bumaba ang mga nakaitim.

Tinakpan nila ang ilong ni EJ "Aba't.." tatakbo na sana sila DA at Gian ngunit parang mabilis na kumalat ang mga nakaitim at takpan sila ng panyo.

"DA! Gi-mhhh!!" pinipilit kong magpumiglas ngunit biglang nanlabo ang mga mata ko at nag-dilim ang paligid.
















***

Nagising ako dahil sa mga kalampag ng posas na nakatali sa aking paa. Ginising ko naman si Gian at DA.

Hiwalay ang cage namin ni EJ, kaya nag-aalala ako sa kanya dahil sa wala parin itong malay.

"What the heck!" sigaw ni DA dahil sa isang madilim na bodega ang nakikita namin ngayon.

"EJ! EJ!!" sigaw ni Gian, sa kabilang cage, nakahiga lang ito ng biglang gumalaw ang ulo neto.

Unti unti itong napaupo "Shit!" napakunot ang noo ko na may dalang takot dahil sa hindi ko alam kung nasan talaga kami.

"E-EJ! Alam mo ba k-kun-"

"Gising na ang lahat" hinahanap ko kung saang boses nanggaling iyon, biglang lumabas ang isang lalaking kasing edad lang namin.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now