Chapter 98

4.7K 103 1
                                    

CHAPTER NINETY EIGHT

Walang pasok ngayon si Emerald, may papalit naman sa kanya, nasa bahay siya ngayon at mag-isa lang ito. Nasa work si Hexxon kasama ang kanyang Daddy.

Walang magawa si Emerald sa bahay kaya napag-desisyunan niyang umalis at pumunta ng mall.

Samantala ay nasa mall sya at nag-lilibot ng biglang may makabangga sa kanya.

"Sorry Mi—" napatigil si Vanessa dahil sa hindi inaasahang pagtatagpo nila ni Emerald.

Nanlaki ang mata niya at parang naging statwa ito sa kinatatayuan "It's okay Miss" nakangiting sabi ni Emerald dito.

"K-Kinter.." umalis na si Emerald sa harap neto at ganun parin ang reaksyon ni Vanessa.

Nagsimulang mag-libot ni Emerald, kung ano ano ang pinapasukan niyang store upang tignan kung ano ang mga nasa loob neto.

Nasa loob sya ng isang store ng biglang may pumasok na isang lalaki na nakaitim.

"Wag kayong sumigaw kundi papatayin ko itong babaeng to!!" naagaw lahat ng mga atensyon dahil sa sinabi ng lalaki.

May hawak hawak itong kutsilyo at nakatutok yun sa leeg ng babae. Nanlaki ang mata ni Emerald dahil dun, nasa harap siya at nakikita siya ng lalaki.

Tatakbo na sana ito palayo ng magsalita ito "Walang lalabas!" mas lalo niyang nilapit ang kutsilyo sa leeg ng babae.

"Bitawan mo ako!" sigaw ng babae, ayaw nyang magpumiglas dahil sa baka masaksak sya ng lalaki sa leeg neto.

"Sir, pakawalan mo yung babae" pagpapakalma ni Emerald dun sa lalaki.

"At sino ka naman ah?! Wag kang sasabat kung ayaw mong ikaw ang una kong patayin huh!" pilit na pinapalakasan ang loob ni Emerald ang sarili dahil sa alanganin na ang sitwasyon ng babae.

'Dammit! Paano nakapasok yan dito?!'

"Sir, wag niyo pong itutok sa kanya yung kutsilyo" pilit na pinapakalma ni Emerald ang lalaki, ngunit ayaw neto.

"Wag kayong magpapaputok kung hindi mamamatay ito!" malapit na niyang itusok sa babae ang kutsilyo. Kapag malalim ang nasaksak niya at baka mamatay ito dahil sa may mga matatamaan itong mga ugat.

"Sir, bakit niyo ginagawa ito?" tanong ni Emerald sa lalaki.

"Wag ka ngang mangielam, epal ka din no!" naiyukom ni Emerald ang kamao nya dahil dun.

Patuloy parin sa pag-iyak ang dalagang babae, nanginginig na ito dahil sa takot na saksakin siya ng lalaki.

"Please sir pakawalan mo na siya.." pagmamakaawa ni Emerald dito, naaawa sya sa dalaga lalo't baka ma trauma ito dahil sa mga nangyayare.

Madami nang tao ang nakatingin sa loob ang iba ay dumudungaw, "Kailangan ko ng pera okay! Kaya wag ka nang maraming tanong!"

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now