Chapter 100

5.3K 110 14
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED 

"Are you sure na magiging okay ka dito?" tanong ni Hexxon kay Emerald na tinutulungan itong mag-empake. Lumapit naman si Emerald papalit sa kanyang fiancee.

"Oo, kaya ko naman ang sarili ko eh 1 month lang yun hon.." pilit na sabi ni Emerald kay Hexxon, nilagay naman ni Hexxon ang dalawang braso sa bewang ni Emerald.

Pupunta ng isang business trip si Hexxon kasama ang kanyang Daddy sa Europe, 1 month sila dun, hindi sana sasama si Hexxon ngunit pinaalalahanan siya ni Emerald na magiging okay ito.

"1 month na hindi kita makikita, how do I supposed to live without you?" malungkot na sabi ni Hexxon kay Emerald. Tumingkayad naman si Emerald para ilagay ang dalawang braso neto sa batok ni Hexxon.

"Don't worry kahit nasa malayo ka babantayin parin kita" nakangiting sabi ni Emerald sa kanya, pilit namang ngumiti si Hexxon dahil dun. Nakarinig ng busina si Hexxon at Emerald sa labas ng bahay nila.

"It's time to go" lumapit si Hexxon sa noo ni Emerald at hinalikan yun, napangiti naman si Emerald dahil dun. Sinamahan nya ito pababa ng hagdan hanggang sa makalabas sila.

"Ingatan mo ang sarili mo okay" sabi ni Hexxon dito, tumango nalang bilang sagot si Emerald bilang sagot.

"Wag magpapalipas ng gutom" tumango ulit si Emerald bilang sagot dito.

"Make sure na naka-secure yung bahay ka—"

"Alam ko na ang gagawin ko Hon..." nakangiting sabi ni Emerald dito, narinig niya naman ang pag-singhap ng fiance niya.

"Just take care of yourself okay" lumapit ito at niyakap ng mahigpit bago umalis. Ginantihan naman ni Emerald ng mahihpit na yakap si Hexxon.

Sumakay na si Hexxon sa sasakyan, ngumiti nalang si Emerald sa kanya.

Nang makaalis na si Hexxon ay pumasok na sa loob si Emerald para pumasok sa ospital.






Dumiretso si Emerald sa ospital, madaming bumati dito sa pagkapasok niya, samantala ay nakatingin sa kanya ng matalim si Lanisha.

Simula ng dumating si Emerald dito ay bihira ng mapansin si Lanisha dahil sa mas kilala na si Emerald dahil sa talino at galing neto sa pagdodoktor.

Gusto ipakita ni Lanisha na mali ang pagkakakilala nila kay Emerald, na nagpapakitang tao lang ito. Gagawin nya ang lahat para mapunta ulit sa kanya ang puri ng mga tao.

Kinuha ni Emerald ang board para icheck si Mr. Antipuesto, pinangako nya sa matanda na sya lagi ang mag-checheck dito.

Pumasok siya sa loob at nakita niyang naka-Indian seat si Mr. Antipuesto na ikinatuwa ni Emerald dahil parang umaayos na ang paningin ng matanda.

"Doc.." tawag niya dito ng makita si Emerald na pumasok sa loob. Napangiti si Emerald dahil dun.

"Here's my doctor, are you gonna check me?" tanong ng matanda kay Emerald, tumango naman ito bilang sagot.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now