Chapter 12

14.6K 307 5
                                    

CHAPTER TWELVE :)

HEAVEN'S POV

Oo, alam ko na pagmamay-ari yun nila DA. Akala ko makakaiwas ako na hindi sya makita. Sadyang hindi ko alam at nandun pala sya, Tss! Gumagawa lang ako ng plano para sa paglusong namin sa L Gang ng biglang nag-ring ang phone ko. Tinignan ko kung kaninong pangalan ito. Si Jacob.

"Hello Jacob.." malamig na sabi ko habang sinusulat ang buong building. "Miss K, may nagtangkang pumasok po na taga- L Gang sa building natin!" sabi ni Jacob sa kabilang linya, napatayo ako dahil sa sinabi niya. "I-ready mo sila at alamin niyo kung nasaan sila" dali dali kong kinuha ang maskara ko at pumunta kaagad sa quarters.

"Access, this is the Gangster Princess" bumukas naman ang pinto at nakita ko si Jacob na hinihintay ako. Pumunta kaagad ako sa transaction room at tinignan kung nasan ang mga kalaban.

Lima sila na naghiwalay yung isa pumunta sa naman ay papunta sa head quarters.

'Alam ko na darating ang araw na pupunta rin kayo sa teritoryo ko...'

Sinuot ko naman ang maskara ko. "Jacob dito ka lang at sabihan mo sila na suotin nila lahat ang earpiece nila" umalis naman ako at pinindot ang transaction sa relo ko. Ang isa ay papunta sa head quarters, nawala naman ito na ibigsabihin ay nakuha na sila ng troupe ko.

"He's 7m away Miss K" sabi sa akin ni Jacob sa earpiece. Pumunta ako malapit sa storage room at nakita ko ang isang lalaki na may hawak kutsilyo.

Dali-dali ko namang hinablot ang hawak niyang kutsilyo at inikot ang ulo niya, dahilan ng pagkawala niya ng malay. "Jacob, lahat ng mga taga- L Gang na pumasok kunin niyo sila at ilagay sa head quarters" malamig na sabi ko at tumakbo sa parking lot. 2m away lang yung isa sa akin.

Nakatalikod siya na para bang tinitignan kung ano ang nasa loob ng kwartong yun. Hindi niya naramdaman ang pag-lapit ko sa kanya.

Hinampas ko naman ang batok niya na dahilan na para tumama sa kahoy ang ulo niya. It's not my fault, masyado syang tanga eh. Isa nalang ang natitira. Pumunta ako sa hallway na kung nasan ang huling L Gang.

Hindi niya makita ang mukha ko dahil sa nakatakip ng maskara ang mukha ko. May hawak siyang butterfly knife, pinaglalaruan niya ito sa kamay niya. Napahinto naman sya sa paglalakad at tinignan ako.

"So you must be the princess..." nakangisi niyang sabi sa akin, hindi ko ba alam kung bakit kailangan niya pang makipag-usap sakin. "Nice meeting you princess, pero papatayin muna kita" sabi niya sa akin at hinalikan ang balisong niyang puno ng dugo.

"Pasensya na pero mali ka nang pagkasabi..." nawala naman ang ngisi sa kanyang labi at napalitan ng inis. "Dahil mas una kitang papatayin....splingg!!"

Dumiretso naman sa kanya ang isang matulis na blade na may lason na pwede niyang ikamatay any minute. "Mali kayo ng napuntahan, dahil dito kung sino ang pumasok sa teritoryo ko.................MAMAMATAY" tinignan ko naman ang orasan ko. You little creature.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now