Chapter 34

9.9K 240 4
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

KIMBER'S POV


Tok!! Toktok!! Toktok!!

Peste naman yan oh!! Ano oras na ba para mangapit-cottage huh?!! Natutulog eh!!

Tinakpan ko nalang ng unan ang tenga ko at natulog, haystt! Hindi na kita maririnig.

Toktok!! Toktok!!!toktoktoktok!!!!

Letcheng naman oh!! Natutulog yung tao eh!!! Padabog akong naglakad dun sa pinto at nakita ko ang mukha ni DA tila nag-iba ang ekspresyon ko.

"Si EJ!" kahit nagugulhan ako ay lumusong ako sa ulan at sumunod kay DA. Halos mapatakip ako sa tenga ko dahil sa kulog at kidlat.

Kumabog ang puso ko dahil sa nakita ko si EJ na nag-lalakad sa dagat. "EJ!!" napatingin ito sa akin.

Ngunit nagpatuloy ito sa paglalakad, naiyak ako dahil sa kaba, paano kung may mangyare sa kanyang masama?!!

Pilit na inaabot ni Gian at DA si EJ ngunit masyadong mabilis si EJ, nang mahawakan na ito ni DA ay nagpupumiglas pa si EJ.

Pero isang kidlat ang sumabay sa pagkahimatay niya. Lumalakas na ang alon, at palakas na ng palakas ang ulan.

Buhat buhat ni Gian si EJ "Anong nangyare?!" ngunit dumiretso kaagad si Gian sa paglalakad.

Tarantang taranta ako ng makarating kami sa cottage, hindi ko alam ang gagawin ko!!

"Ano bang nangyayare?!!" gulong gulo na ako dahil sa ginagawa ni EJ, ano bang gusto niyang mangyare?!!

Lumabas muna ang boys, at pinalitan ko si EJ nang damit, awang awang ako sa kanya..

"A-ano ba kasing pinaggagagawa mo at naisipan mong lumusong sa dagat?!" alalang alala na ako sa kanya, hindi nya ba alam ang word na nag-aalala?!

Pumasok si Gian at DA "Nagulat ba sya?" tanong ko sa kanilang dalawa, tumango sila bilang sagot.

"May sinabi siyang pangalan..." sabi ni DA habang nakatingin kay EJ "Almira....Almira ang binanggit nya"

And who the fuck is ALMIRA?!! Ano namang kinalaman niya kay EJ?!! Jusko papatayin ata ako neto sa nerbyos!

***

Ilang minuto ang lumipas nang biglang minulat ni EJ ang mga mata nya, nagsilapitan kaming lahat.

"Ayos ka lang ba?!!" alalang tanong ko sa kanya, hindi siya sumagot sa akin.

"Tell us what happened" seryosong sabi ni DA, ngunit hindi sumagot si EJ. Napatingin kami sa isa't isa.

"D-Dapat h-hindi nyo ako pinigilan.." lahat kami ay napatingin kay EJ na gumagaralgal ang boses.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now