Chapter 124

4.5K 75 4
                                    


Pumunta si EJ sa ospital para ibigay ang kanyang resignation letter. Aalis na sya sa ospital na pinagtratrabuhan nya.

Hindi nya alam kung saan pa sya lilipat. Pumasok sya sa loob ng ospital, pinagtitinginan sya ng mga nurse ngunit hindi nya nalang yun pinag-aksayahan ng panahon.

Kumatok sya sa pinto ni producer Kang "Come in.." pumasok si EJ na ikinagulat ni producer Kang.

"W-What are you doi-" natigilan si Producer Kang ng may nilapag si EJ na isang puting sobre.

Napakunot ang noo ni Producer Kang dahil dun "It's my resignation letter..." napaangat ng ulo si Producer Kang.

"What-"

"I'm resigning to this hospital Producer Kang.." nanlaki ang mata ni Producer Kang dahil sa sinambit ni EJ.

"Madami nang nangyayare sa ospital na ito at baka mas malala ay masira ang reputasyon nyo..."

"I will just pack my things and leave this hospital" naglakad na palabas si EJ na hindi man lang pinakinggan ang sasabihin ni Producer Kang.

Pumunta si EJ sa kanyang opisina, tinignan nya ang mga alaalang nangyare sa opisina nya.

Napasinghap sya at kumuha ng isang maliit na box kung saan lalagyam nya ito ng mga gamit nya.

Iniimpake nya lang ang kanyang mga gamit ng may makita syang isang larawan. Napakunot ang noo nya at kinuha ito.

Tila nanlambot ang kanyang puso dahil sa picture ni Hexxon ang nakita nya. Pilit nalang syang ngumiti dito at nilagay sa isang folder ang litrato.

Sinilip nya muna ang kanyang opisina, ngumisi nalang ito at sinara nalang ang pinto.

Naglalakad lang sya sa corridor ng makita nya si Lanisha. Napahinto ito at tinignan ang kahong dala dala ni EJ.

Tila nag-iinit nanaman ang ulo ni EJ sa tuwing maaalala nya ang ginawang masama ni Lanisha sa kanya.

Lalagpasan na sana ni EJ si Lanisha ng magsalita ito "Your leaving.." natigilan si EJ dahil dun.

Unti unti nyang hinarap si Lanisha "Yeah, are you happy?" malamig na tanong ni EJ sa kanya. Tila naging tikom ang bibig ni Lanisha dahil dun.

"You win Lanisha..."

"You win but in the wrong way.." giit na sabi neto kay Lanisha na iniiwas ang kanyang tingin kay EJ.

"Nakakahiya ka.." napaangat si Lanisha ng kanyang ulo dahil sa sinabi ni EJ. Tila parang nasaktan sya dahil sa sinabi neto, naisarado nya ang kanyang kamao at tumingin kay EJ.

"I mean it, nakakahiya ka.."

"Sana isaksak mo sa isip mo na hindi mo kailangang manira ng iba just to be the number one..."

"Sana dumating ang araw na darating rin ang karma sayo..." giit na sabi ni EJ, tinalikuran nya na ito at nagsimulang maglakad papalayo.

Tila naging masakit ang mga sinabi ni EJ kay Lanisha, natamaan si Lanisha at parang nag-sisisi ito sa nagawa.




Nagmamaneho na pauwi si EJ, hanggang ngayon ay iniisip nya parin kung natamaan ba si Lanisha sa mga sinabi neto. Sana dumating ang karma na kapalit ng ginawa neto sa kanya.

Naging pula ang stop light, nasa harap si EJ at hinihintay na mag-green ang ilaw. Tumawid ang mga tao pero may pumukaw ng atensyon nya kaya sinundan nya ito ng tingin.

Naaalala nya ang mukha neto, sya yung nasa larawan nung nag-aayos sya mg mga papeles ni Hexxon. Tila iniisip nya kung anong kinalaman nya kay Hexxon.

Cosmo?


Parang hindi mapakali si EJ simula ng makita nya ang mukhang yun. Agad nyang inuwi sa bahay ang kanyang sasakyan, pumunta kaagad sya sa kwarto ni Hexxon.

Hinanap nya ang folder na kung saan andun ang larawan ni Cosmo. Dahil sa paghahalungkat nya ay nalaglag ang isang larawan at tama sya yun ang litrato ni Cosmo.

Tila parang bumilis ang tibok ng puso ng hindi sa malamang dahilan. Parang nag-iinit ang kanyang mga mata at tila nag-iiba ang kanyang awra ng makita nya ang lalaking yun.

Agad nyang kinuha ang phone nya at tinawagan ang isang tao.

"Hello?"

"Pwede bang pumunta ka sa bahay ko.."












Kakapasok palang ni Gian ng bahay ni EJ, nagtataka ito dahil sa biglang pag-tawag ni EJ sa kanya.

Tumingin sya sa sala ngunit wala ito dun. Umakyat ito papunta sa kwarto pero natigilan sya dahil sa bukas ang pinto ng kwarto ni Seth.

Sumilip sya dun at nakita nya si EJ na nakakunot noo habang may hawak hawak ito sa kanyang kamay. Pumasok sya na kaagad na ikinatingin ni EJ.

"Kilala mo ba sya?" napakunot si Gian at unti unting idinako ang paningin sa hawak hawak na larawan ni EJ.

Nanlaki ang mata nya dahil sa litrato ito ni Cosmo at nagtataka sya kung bakit may larawan si Hexxon sa kanyang kwarto.

"Cosmo.." yan lang ang nasabi ni Gian dahil sa gulat. Napakunot naman ang noo ni EJ dahil sa ekspresyon ni Gian.

"Nakita ko sya kanina.." kinabahan si Gian dahil sa sinabi ni EJ. Agad nyang hinawakan ang braso neto.

"Did he see y-you?" kinakabahang tanong ni Gian, tila nag-iba ang awra ni EJ dahil sa tanong ni Gian.

"No.." malamig na sambit ni EJ, napasinghap naman si Gian dahil sa kaba.

"But do you know him?" malamig na tanong ni EJ sa kanya, nanahimik si Gian at parang alam na ni EJ ang sagot.

Hinarap nya si Gian at seryosong tinignan ito.

"Tell me everything you know about him." kumabog ang puso ni Gian dahil sa sinabi ni EJ.

Sa isip isip nya ay kailangan na nyang bantayan si EJ dahil baka dumating ang panahon na magkita sila ni Cosmo.

Baka mas malala pa ang gawin ni Cosmo kay EJ, hindi na makakapayag si Gian na mawala ulit sa kanya si EJ.

Kaya gagawin nya ang lahat maprotektahan nya lang si EJ..









END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now