Chapter 64

7.3K 163 5
                                    

CHAPTER SIXTY FOUR

HEAVEN'S POV

Nasa kwarto parin ako at nag-reready ng gamit ko. Kinuha ko naman ang mga libro ko sa study table at bumaba na.

"Oh aalis ka na?" tanong sa akin ni Heather na lumabas galing sa kusina na suot suot ang pang-opisina niyang damit.

Tumango naman ako bilang sagot sa kanya "Mag-ingat ka ah!" rinig kong sabi nya ng makalabas ako ng bahay.

Agad agad kong inis-start ang engine ng kotse ko. Mga ilang minuto lang ay umarangkada na ako.

Pagkarating ko sa main gate ay nag-taka ako dahil sa madaming estudyante ang nag-kukumpulan sa mismong main gate at hindi makadaan ang kotse sa loob.

Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretso na sa parking lot. Pagkababa ko nakita ko ang kotse ni DA na naka-park na.

Nag-lalakad lang ako sa hallway ng mahulog ang isang libro ko sa sahig.

Napasinghap naman ako dahil dun. Naka-palda ako okay!!! Yuyuko na sana ako ng biglang may lumitaw na kamay at kinuha ang libro ko.

Napahinga ako ng malalim dahil sa hindi ko na kailangang yumuko para kunin ang libro.

"Thank y—" parang naningas ang buong katawan ko dahil sa taong pumulot ng libro ko.

Nakangisi lang ito sa akin na akala mo sponsor ng pepsodent dahil sa kaputian ng ngipin niya.

"Your book" parang nagsitaasan ang buhok ko dahil sa hindi inaasahan.

"A-anong ginagawa mo dito?!" bulong na sabi ko sa kanya at kinurot ang tenga neto.

"Aray! Aray! Ano ba Kinter nasasaktan ako!!" nag-iinarteng sabi niya sa akin.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa tenga nya. Bawat tao na madadaanan namin ay may samu't saring comment!!

"OMG! Look at EJ and Seth!!"

"Seriously? Magka-ano ano ba silang dalawa?" napahinto si Seth dahil dun.

"For your information Miss, she's my girlfriAray!!" kinurot ko na kaagad ang tenga niya dahil baka anong masabi nya at baka center of attraction nanaman ako.

"Ano bang pinagsasabi mo ah?! Kay bago bago mo nagkakalat ka!" inis na sabi ko sa kanya. Natanggal nya naman sa pagkakahawak ang kamay ko sa tenga nya.

"FYI, Miss Kinter Heaven Dela Quinto, nandito ako para bantayan ka!" sabi niya habang tinuturo pa ako.

"At sino ka naman para bantayan ako?" nakataas na kilay na tanong ko rito.

"Dahil ako ang future husband mo!" agad na nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now