Chapter 67

7.2K 167 9
                                    

CHAPTER SIXTY SEVEN

HEAVEN'S POV


Hanggang ngayon ay nasa isip ko parin kung anong kalagayan ni Eljone dahil sa namatay na nga ang daddy nya.

Hindi ko naramdaman ay nakaabot na pala ako sa tagong gubat ng school at nasa harap ko ang gate na punong puno ng kalawang.

Binuksan ko ito at pumasok sa loob, nag-lakad ako papunta sa bundok kung saan kitang kita ang buong school.

Umupo ako sa damo at inamoy ang hangin. Kitang kita mo ang mga estudyante sa campus.

Ang iba may pinagkakaabalahang iba, kinuha ko sa wallet ko ang natatanging picture namin ni Eljone.

Tinignan ko ito at kitang kita ko parin kung paano siya ka-pogi nun. Napangisi nalang ako dahil dun.

Tinignan ko ang relo ko at limang minuto nalang ang natitira para makapunta ako sa classroom.

Pagkapunta ko sa classroom ay nasa loob na si Kimber. Usap usapan parin ang tungkol sa ball.

"Hindi ka talaga pupunta sa ball?" tanong sa akin ni Kimber habang lumapit sa akin.

"Nagbigay lang ako ng sagot na ewan ko kaya posible akong pumunta o hindi" sabi ko habang kinukuha ang libro ko.

"Eh nakapili ka na ba ng gown mo?" tanong sa akin ni Kimber. Napakunot naman ako ng noo.

"Kung anong mapili ko yun na yun" sabi ko na ikinalaki naman nya ng mata.

"Are you serious? FYI ball ang pupuntahan mo"

"So what?" napangiwi siya dahil sa sinabi ko. "It's just a simple ball, kung saan sa paniniwala ng lahat kung sino ang makasayaw mo sa 12 sya ang makakatuluyan mo"

Hindi napigilang mapasinghap si Kimber dahil sa sinabi ko "But it's still a ball, a masquerade one" pagpapaliwanag sa akin ni Kimber.

"Yeah, like I said it's a ball lahat ng mga lovebirds nagsisipuntahan dun"

Bumalik na sa pwesto si Kimber at nagsimula na rin ang klase....

Ibinalik ko na ang mga libro ko sa locker at dumiretso kaagad sa library.

Hihiramin ko lang ang dictionary para sa assignment ko. Hinanap ko ang librong yun.

Nagpaikot ikot ako sa mga shelves hanggang sa makita ko ang librong hinahanap ko.

Kukunin ko na sana ito ng biglang may humugot rin sa kabila. Sabay kaming may hawak ng libro.

"Sorry, but finders keepers" sabi ko dun sa may hawak sa kabilang parte ng libro.

Ilang minuto rin syang nakahawak parin sa libro, at nagulat ako dahil sa pagbitaw niya dun.

Agad ko namang kinuha yun "Than—" napatigil ako dahil si Gian pala ang may hawak ng libro kanina.

Malamig lang itong nakatingin sa akin. Iniwas ko naman ang paningin ko at finocus sa libro.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now