Chapter 80

6.1K 139 4
                                    

CHAPTER EIGHTY

"Maging handa ang lahat" malamig na sabi ni EJ sa mga kasamahan nya sa gang. Bukas na ang pagtutuos ni Cosmo at EJ.

Nakahanda na ang lahat para sa pagtatapos ng L Gang "Ingatan niyo ang mga sarili niyo, sana makabalik tayo bukas ng walang kagalos galos" ani neto.

"Mag-ingat rin ho kayo Miss K" sabi ng isang kasamahan, tumango naman si EJ bilang tugon. "Jacob.." agad na pumunta si Jacob sa tabi neto.

"Yes Miss K?" tanong ni Jacob kay EJ, "Nakahanda na ba lahat ng kailangan natin?" malamig na tanong ni EJ. Tumango naman si Jacob bilang sagot.

Bumaba si EJ sa platform at lumabas mg quarters. Nakita niya naman si Gian na naghihintay sa labas.

"Miss K!" agad na napatingin si EJ sa pagtawag sa kanya ng isang kasamahan. At si Iris pala yun, siya ang nag-aayos ng mga gadgets, cameras, devices at iba pa.

"What's the problem Iris?" malamig na tanong ni EJ kay Iris. "I-a access ko na ho ba ang earplug niyo?" tanong neto.

"Yes please and dagdagan mo na rin" sabi ni EJ, tumango naman bilang sagot si Iris at bumalik sa loob.

Bumungad sa mukha ni Iris ang guilty dahil sa iniisip o pinasukan na masama. Ginagawa niya yun para hindi mapunta sa panganib ang kanyang pamilya.



Nang matapos nyang gawin ang earplugs ay pumunta si Iris sa isang quarters.







"Your here.." sabi ni Cosmo na dumating ang isang dalagang babae.

"So any updates?" nakangising tanong ni Cosmo sa dalagang babae "Plano na ba akong pabagsakin ni Kinter?"

"Y-Yes Master, bukas na niya tatapusin ang l-lahat..." nanginginig na sabi ng babae habang nakayuko.

"Alam mo ba ang plano nila?" tanong ni Cosmo habang nakangisi.

"Y-Yes Master, una nilang,pupuntahan ay ang parking lot" nakayuko parin ang dalaga dahil sa takot kay Cosmo.

"Good!" sabi ni Cosmo habang pumapalakpak "Yan ang gusto ko, lahat alam!" sabi niya at tumayo.

"Tandaan mo, nasa panganib ang buhay ng pamilya mo kapag nagsalita ka.." sumiryoso ang tingin ni Cosmo sa babae.

"Y-Yes Master" takot na wika ng babae, halata sa katawan nya ang takot.

"Good, get out of my sight" sabu ni Cosmo habang tinataboy ang babae.

Lumabas na ang babae ay may sumunod namang isa na ikinangiti ni Cosmo.

"Nice to see you again.." nakangiwing sabi ni Cosmo sa lalaking nasa harap nya.

"Don't hurt her" seryosong sabi nang lalaki, napakunot ang noo ni Cosmo dahil sa sinabi nya.

"Sobrang mahal mo naman yata ang babaeng yun, tss" sabi ni Cosmo at sumandal sa swivel chair nya.

"Ilalayo ko siya at mapupunta na sayo ang lahat.." nakangisi naman si Cosmo dahil sa sinabi ng lalaki.

"Tss, okay deal, hindi ko siya sasaktan pero mapupunta sa akin ang trono." nakangising sabi ni Cosmo, tumango naman ang lalaki bilang sagot.

"Siguraduhin mo lang na hindi sya masasaktan dahil baka madala kita sa impyerno ng wala sa oras" giit na sabi ng lalaki. Napasipol naman si Cosmo dahil dun.


"Okay.."

"Pero kapag hindi natupad ang usapan..."


"Papatayin ko sya...." parang simpleng sinabi ni Cosmo ang mga yun at hindi nagalanganin.

"Tutuparin ko ang usapan basta hindi lang siya masaktan.." seryosong sabi nung lalaki, lalakad na sana siya palayo ng mag-salita si Cosmo.


"See you tomorrow, I will make sure that it will be a thrill"


Naiyukom ng lalaki ang kamao nya at dumiretso sa paglalakad. Natawa si Cosmo dahil sa makukuha niya kaagad ang gusto niya.

Mas madali na ngayon dahil kusa na syang lumapit para hindi masaktan ang taong mahal nya.

Kumuha si Cosmo ng alak at inilagay ito sa isang baso. Napasinghap ito at sumandal sa swivel chair niya. Ipinikit niya ang kanyang mata dahil sa tuwa.


"Masyado kang nabulag....tsk! What a shame"

STH-D..



END OF CHAPTER EIGHTY

A/N

Okay! So hindi ko na alam kung anong nangyayare ngayon! Kinakabahan na ako for the next chapters, hindi ko na alam kung anong gagawin ko huhuhuhu! Para sa mga nagbabasa ng story ko! Sobrang THANK YOU sa lahat ng support! Appreciate ko naman lahat ng efforts nyo sa pagbabasa ng story ito! At sana more loves padin as usual! Hindi ko makakamit ang 4k dahil sa inyo!! Love you guys!!😘😍❤


BSS #1: That Nerd is a Gangster Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن