Chapter 25

10.7K 236 2
                                    

Meziah Kimber's POV

Goodmorning Sunshine!!!! Goodmorning to my beautiful face!!!! GOODMORNING!!!!

Dali-dali akong pumunta sa cr at naligo, haystt!! Ang sarap maligo!!

Nang makalabas na ako ay bumaba na kaagad ako sa kusina at nakita ko si Manang Lila.

"GoodMorning Manang!!" masigla kong bati sa kanya, ngumiti naman ito sa akin.

"Goodmorning rin iha, oh kumain ka muna ng umagahan" sabi ni Manang Lila at nilapag ang mga pagkain sa lamesa.

"Manang si Mommy po??" tanong ko kay Manang, unti unting lumungkot ang mukha neto.

"Umalis ng maaga ang Mommy mo Kimber may meeting kasi sya" parang nawalan ako ng gana dahil sa sinabi ni Manang Lila.

'Ano pa bang aasahan ko? Lagi naman syang wala sa bahay, kaya kami iniwan ni daddy dahil sa kanya'

"Manang, pwedeng samahan niyo nalang akong kumain?" pilit na ngiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti nalang ito sa akin, alam niya naman eh kapag laging wala si Mommy.

Iniwan kami ni Daddy dahil sa kanya, may ibang lalaki si Mommy nung 10 yrs old pa ako.

Nung malaman ni Daddy nag-file sya ng annulment, pumayag kaagad si Mommy na ikinagalit ko.

Kaya matagal nang hindi kumpleto ang pamilya ko si Manang Lila nalang ang tumatayong Ina sa akin.

Natapos na akong kumain, tinawag ko na si Manong Elfred para ihatid ako sa school.

Pagkarating ko sa school ay medyong marami ng estudyante, may mga chismis dun chismis dito.

Nakita ko naman si EJ na nagbabasa ng libro niya habang nakaupo pa.

Nilapitan ko naman ito "GoodMorning!" bati ko sa kanya, malamig lang itong tumingin sa akin at ibinalik ang pagbabasa.

'So ganon, walang manlang 'GOODMORNING din?! Ay oo nga pala mas cold ka pa sa yelo'

Nag-ring na ang bell kaya nagsipuntahan na kami sa classrooms namin.

Nakakapagtaka lang kasi masyadong tahimik si EJ, ni simpleng salita wala.

Kumuha ako ng papel at may sinulat na 'Problem?' nilukot ko ito at binato sa kanya.

Ikinakunot naman ng noo niya yun, kinuha niya ang papel at binuklat ito.

Napatingin ito sa akin, umiling lang ito sa akin, "Ms. Clemente!" napaayos kaagad ako ng upo.

"Is there something you want to share with us?"

'Lintek na yan oh! Ako pa ang napansin! Maganda ba ako sa paningin niyo Sir!!'

BSS #1: That Nerd is a Gangster Princessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें