Chapter 20

12.2K 272 3
                                    


CHAPTER TWENTY

HEAVEN'S POV

Ngayon na ang araw na hinihintay namin, lulusob na kami ngayon sa L Gang. Nasa quarters ako at nireready ang mga troop. "Kumpleto na ba lahat?" tanong ko kay Jacob na may hawak na clipboard "Yes Miss K" kinuha ko ang mga weapon ko at inilagay ito sa mga pitaka ko.

"Everyone listen!" sigaw ko, nagsitinginan naman silang lahat sa akin "Sana ingatan niyo ang mga sarili ninyo at sana umuwi kayo ng walang kagalos-galos" hindi ko paring maiwasan mag-alala dahil sa kahit alam kong malakas na kami ay hindi magpapatalo ang L Gang.

"Magkita-kita tayo dito kapag sinabi kong umalis na tayo sa area nila" lumakad na ako palabas ng quarters sumunod naman sila sa akin. This is for you Almira, sana tama lang tong ginagawa ko, hindi ko alam kong kaya kong hindi makapatay ng tao dahil sa pagkamatay mo.

Halos ilang minuto lang ang inabot ko, nasa kanya kanya na silang pwesto ako naman ay papasok mismo sa quarters nila.

Alam kong delikado ito at labag ito sa gobyerno pero gagawin ko ang lahat mapatay lang ang hayop na yun. Nakapasok na ako sa loob at tuloy parin ang paglalakad ko, huminto ako sa isang madilim na lugar ng biglang bumukas ang mga ilaw.

"So your Kinter" luminga linga ako kung saan nag-sasalita ang lalaking yun. Lumabas sya sa isang sulok at humarap sa akin, it's Cosmo. "Welcome to my quarters My Queen!" sabi niya habang nakataas pa ang mga kamay na ibigsabihin ay pag-aari niya itong quarters na ito.

"Don't call me YOUR QUEEN Cosmo" diin ang pagkasabi ko nun sa kanya. Napangisi naman ito dahil sa sinabi ko "So totoo pala ang in formations ni Vanessa na nagpapanggap kang nerd" tumindig ang balahibo ko dahil sa biglang nasa harap ko sya ng ganun kabilis.

Hinawakan niya ang baba ko at itinaas ito "So why do you care huh?" taas ang kilay kong tanong sa kanya, nag-isip pa ito kong anong sasabihin niya "Ummm... Because your my bride" tinulak ko kaagad sya at hinagisan sya ng blade sa hita.

"Argh!!!!!" sigaw niya dahil sa sakit, walang lason ang nakalagay dun sa blade niya kaya hindi sya mamamatay.

"At kailan pa ako naging bride mo? Tss" sabi ko habang nakapamulsa pa sa pocket ko, unti unti ko syang nilapitan at lumuhod sa harap nya "Be ready okay, sabik na kitang makita sa impyerno eh" sabi ko habang nakangiti, hinalikan ko ang pisngi neto at umalis na sa harap niya.

"Umalis na tayo.." malamig kong sabi sa kanila, sumakay ako sa kotse ko at mabilis na pinaharurot ito sa quarters.

***

"Wala bang nasaktan sa inyo?" malamig na tanong ko sa kanila, tumingin naman sila sa isa't isa, wala ni isa ang nagkaroon ng galos. "Miss K!" napatingin naman ako kay Robert "Napasok po naman ang pinakahide-out nila at nakita namin ang mga pictures niyo" napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya. So gusto niya talaga akong maging bride niya huh.

"Sasabihin ko nalang sa inyo kung kailan ulit tayo lulusob sa kanila" sabi ko sa kanila.

Hindi ko alam pero nagtataka parin ako kung bakit gusto niya akong maging bride nya. Mag-isip ka Heaven!!

Dumiretso muna ako sa school dahil sa nakalimutan ko ang libro ko sa History sa locker. Nakita ko pang tumango sa akin ang guard, dumiretso kaagad ako sa locker ko, nakikita ko pa ang mga ibang estudyante rito. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Gian, syempre pa-nerd muna.

"Still wearing your glasses huh" sabi niya habang nakapamulsa pa, ningisian ko nalang ito bilang sagot, iiwasan ko na sana ito ng may maapakan akong papel at nadulas ako.

Ramdam ko ang malambot niyang mga kamay sa likod ko. Tinignan niya ang buong mukha ko, paano kung makilala niya ako?!!! Baka malaman niya!!!

Dali- dali akong tumayo at inayos ang damit ko. Nakita ko ang pagiging awkward neto dahil sa hindi ito makatingin sa akin ng maayos "Mauna na ako" malamig kong sabi sa kanya at dumiretso na sa paglalakad.

Kinuha ko ang History book ko ngunit nagtaka ako sa isang sticky note na nakalagay sa locker ko. Kinuha ko at at binuklat, nakita ko ang isang puso na nakalagay rito, dali-dali ko itong tinapon at umalis na.

Kumuha ako ng isang bubble gum nang biglang makasalubong ko ang mga grupong sinuntok ko noon. "Akalain mong makikita ka pala namin sa building na to" nakangising sabi ng leader nila "Wala akong panahon para makipagbasag-ulo sa inyo" malamig kong sabi sa kanila, ngumisi naman ang leader nila "Pwes kami meron" pagkasabi niya nun ay tumakbo sa akin ang dalawang lalaki na balak suntukin ako.

Hinawakan ko ang ang bawat kamao nila, pinaguntog ko ang mga mukha nila na dahilan ng pagkawala ng malay nila. As usual lima nanaman sila. Tss!

Sumalubong ang isang pero hinawakan ko kaagad ang paa neto at binalibag sa pader. Dalawa nalang sila, sisiw nalang ito sa akin, tumakbo papalapit sa akin ang isa ang kaso mabilis ako at sinuntok ko kaagad ang mukha neto at nag-round kick.

"Mapapatay kita!!!!" sigaw nung leader nila at may hawak na kutsilyo. Seryoso? Hindi man lang ba chineck kung may patalim na dala ang mga estudyante?

Umiwas ako sa matulis niyang kutsilyo ngunit nadaplisan ang kanang braso ko "Aishh! Alam mo bang inaalagaan ko ang kutis ko ah!!" dahil sa inis ko, malakas ko syang sinuntok sa mukha niya at sumampa ako sa balikat neto at pinatumba ito (Yung parang sa WWE po)

Nang nawalan ito ng malay ay tinignan ko ito ng masama "Nakakainis ka naman eh!! Alam mo ba kung ilang lotion ang nilgay ko dito!!" sinipa ko ang mukha niya dahil sa inis. Nakakabwisit!! Hindi ko nalang pinansin ang patuloy sa pagdudugo ng kanang braso ko, maliit lang yan, hindi ko naman ikamamatay yan eh. Tss.

Dali-dali akong pumunta sa parking lot pero tinawag ako ni Gian "EJ!!" napatingin naman ako sa kanya at tinago ang sugat sa kanang braso ko. Nagtaka pa ito dahil sa mga patak ng dugo sa sahig.

"Bakit?" malamig kong tanong sa kanya, tumingin sya sa baba at nakita niya ang mga patak ng dugo galing sa braso ko. Nakakunot syang tumingin sa akin habang ako ay panay iwas.

Nagulat ako ng bigla niyang kunin ang nakatagong braso ko "What happened?" kita ko ang pag-aalala sa mata niya, kinuha ko kaagad ang braso ko "Gasgas lang" malamig kong sabi sa kanya na mas kinakunot ng noo niya.

"Urgh! Whatever, it's just a small wound" sabi ko at sumakay sa kotse, pinaharurot ko ito kaagad. Tinignan ko ang braso ko.

'Yeah it's just a small wound..'

END OF CHAPTER TWENTY

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now