Chapter 77

6.9K 148 5
                                    

CHAPTER SEVENTY SEVEN

Samantala ay nasa eskwelahan ngayon si Gian, aangal pa sana sya na sasamahan nya si EJ ngunit sabi ni EJ ay pumasok ito at baka may ma-missed syang lesson.


Kahit nasa klase ay hindi parin mawala sa isipan nya si EJ, gusto nyang umalis sa klase ngunit naaalala nya ang sinabi ni EJ na tapusin nya ang buong klase tsaka sya pumunta sa condo nito.

"Mr. De Luna?" agad na napatingin si Gian sa prof neto na tumawag sa pangalan nya "Are you with us?" tanong ng prof sa kanya, lahat ng mga estudante ay nakatingin sa kanya.

"Yes Sir, sorry" sabi ni Gian dito, napailing nalang ang prof nya at tinuloy ang pag-tuturo. Napasighap nalang si Gian at nakinig sa prof neto.





Samantala ay nasa canteen si Lianna, wala naman ang prof nila kaya malaya syang gawin ang gusto nya. Nakaupo lang sya sa isang table nang biglang sumagi sa isip nya ang kagabing dumampo ang labi ni DA sa kanya.

Agad nyang kinuha ang tubig at uminom ito dahil sa pakiramdam nya ay namumula nanaman ang buong mukha niya o sabihin na nating nangangamatis na ang mukha nila.

Umiinom lang siya ng tubig ng biglang pumasok si DA kasama ang mga ka-teammates nito, nasamid sya at agad na tumalikod. Hindi nya ba alam kung bakit iniiwasan nya iyon pero para sa kanya ay masyado yung awkward.

Tatayo na sana sya pero nagtama ang paningin nilang dalawa ni DA , agad na kumarera ang puso ni Lianna na hindi nya alam kung bakit. Patago syang napapikit dahil sa lalapit sa kanya si DA kasama ng mga ka-teammates nito.

'Naku Lord, tulungan niyo ako huhuhuhuh'

"Lianna..." tawag sa kanya ni DA, agad na dinako ni Lianna ang tingin kay DA "Bakit?" diretsong tanong neto. Nakatingin lang sa kanya ang mga ka-teammates ni DA kaya hindi nya maiwasang kabahan dahil baka tanungin nila kung anong meron sa kanila ni DA.

"Pwede bang samahan mo ako mamaya?" tanong ni DA dito na ikinakunot ng noo ni Lianna "S-Saan naman?" medyo nauutal na tanong neto kay DA.

"Basta.." sabi ni DA habang nakangisi, hindi maiwasan ni Lianna ang kabahan dahil sa makabuluhang ngisi ni DA.

"Bro, ka-ano ano mo naman si Lianna?" tanong ni Jameson kay DA, hindi maiwasan ni Lianna ang kabahan dahil sa hindi nya alam kung anong takbo ng utak ni DA ngayon.

Agad na dinako ni DA ang tingin nya kay Lianna na kabadong kabado "She's important to me" parang namula si Lianna dahil sa sinabi ni DA, parang hindi sya makahinga dahil sa mabilis na pag-tibok ng puso nya.

"Woahh!! Mukhang seryoso na ang PLAYBOY ahh" sabi ni Steven at tinapik ang braso ni DA agad na napangisi si DA dahil dun. Ang puso naman ni Lianna ay walang tigil parin sa mabilis na pakikipag-karera nito.

Biglang ngumiti naman si DA sa kanya, iniwan niya si Lianna, saka lang nakahinga si Lianna ng umalis na si DA kasama ang mga ka-teammates neto.

Biglang ngumiti naman si DA sa kanya, iniwan niya si Lianna, saka lang nakahinga si Lianna ng umalis na si DA kasama ang mga ka-teammates neto

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

"U-Umayos ka nga Lianna!! Dammit tigilan mo yan!!"





Samantala ay tapos na ang klase ni Gian, dumiretso sya kaagad sa condo ni EJ. Nang makarating sya sa pinto ay binuksan nya yun at nadatnan nya ang nanonood na si EJ suot suot ang mahabang t-shirt neto at nakamaong na shorts.

"Kumain ka na?" napatingin naman si EJ sa kakadating lang na si Gian, "Ayokong kumain.." malamig na sabi ni EJ, napasinghap naman si Gian.

Dumiretso si Gian sa kusina, kumuha sya ng mga ilang gagamitin sa pag-luluto. Samantala ay tanaw ni EJ ang nag-lulutong na si Gian. Seryoso nya lang itong tinitignan.

Iniwas nya ang kanyang tingin at dinako sa tv

اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.

Iniwas nya ang kanyang tingin at dinako sa tv. Nang matapos itong mag-luto ay lumabas si Gian sa kusina "Kumain ka na.." parang isang robot si EJ na agad sinunod si Gian, napangisi lang si Gian at sumunod kay EJ.



Habang kumakain si EJ ay hindi maiwas ni Gian ang tingin nya rito, nang maramdaman ni EJ ang tingin ni Gian ay sinabihan nya ito "You know, staring is rude" malamig na sabi ni EJ.

"Sorry, I can't help but to stare" nagkatitigan pa silang dalawa, mas naunang iniwas ni Ej ang tingin nya at pinagpatuloy ang pagkain. Napangisi nalang si Gian at tinuloy ang pagkain.

Nang matapos silang kumain ay dumiretso sila sa sala. Tahimik lang silang nanonood ng biglang bumuhos nanaman ang malakas na ulan.

"Napapadalas ang pag-ulan ah..." sabi ni Gian habang nakatingin sa malaking bintana.

"Pagbigyan mo na, sya nalang lagi kong kasama kaya pabayaan mo lang..." malamig na sabi ni EJ habang nakatingin kay Gian.

"Ulan, paborito ko ang ulan dahil sa kapag may problema dumadalaw kaagad sya.." sabi ni EJ, tumayo ito at lumapit sa bintana basang basa na dahil sa ulan.

"K-Kailan ka ba uuwi sa inyo?" wala sa lugar na tanong ni Gian, humarap naman si EJ sa kanya.

"Dito nalang ako, ayaw ko dun, puno ng kasinungalingan ang lahat.." napayuko nalang si Gian dahil sa sinabi ni EJ.

"Pero balang araw kakailanganin mo din sila..."

"Kaya ko ang sarili ko ng wala sila Gian, kaysa naman kailanganin ko sila pero kasinungalingan rin naman ang lahat...."






END OF CHAPTER SEVENTY SEVEN








BSS #1: That Nerd is a Gangster Princessحيث تعيش القصص. اكتشف الآن