Chapter 29

10K 246 1
                                    


CHAPTER TWENTY NINE

HEAVEN'S POV


Hanggang ngayon ay inis na inis parin ako dahil sa ginawa ni Xylene pero ayokong mapunta sa principal's office ng maaga.

Puro bulungan ang naririnig ko dahil sa maling balitang pinost ni Xylene. Yung danggit talaga na yun!!

"EJ sorry for Xy-"

"Not this time DA, wala ako sa hulog ngayon" sabi ko at iniwasan siya, gusto kong palamigin muna ang ulo ko.

Malapit na ako sa classroom ng biglang nakita ko si Gian na nakasandal sa pader at may hinihintay.

Nang makita niya ako ay lumapit ito sa akin ngunit pinangunahan ko na sya. "Pwede ba, lubayan niyo muna ako"

Malamig na sabi ko sa kanya, nagbago ang awra neto na parang napalitan ng gray.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at pumasok na sa classroom. Napasinghap ako sa noo ko dahil sa nangyayare.

'Peste ka talaga...'



Natapos na ang klase pero panay parin ang bulungan sa paligid ko. Bahala sila sa buhay nila.

GIAN'S POV

Naglalakad lang ako ng biglang nag-sitakbuhan ang mga estudyante sa kabilang building.

Nakita ko ang isang 2nd year college na tumatakbo, hinawakan ko ang braso neto.

"Miss bakit pumupunta sa Senental Hall ang mga students?" namula pa ito sa tanong ko "A-ahh n-nag-aaway daw kasi si Xylene at EJ"

Nanlaki kaagad ang mata ko, agad kong binitawan ang braso niya at mabilis na tumakbo.

Pagkarating ko ay puno ng estudyante sa corridor pinilit kong sumiksik at nakarating ako sa harap nakita ko si DA sa tabi ko.

"So how's your day EJ?" sarkastikong tanong ni Xylene kay EJ, malamig lang ang tingin ni EJ.

"It was totally good Xylene" nakangising sagot ni Ej rito, "Alam na ng lahat ng students kung anong baho ang meron ka" sabi ni Xylene.

"So pwede mo na bang wag landiin si DA?" naka-cross arms pa ito "Pwede naman yun" mabilis na sagot nya.

"What's happening?" nakita ko si Kimber sa tabi ko, umiling nalang ako bilang sagot.

"Ang kaso hindi ako yung lumalandi, alam mo kung sino ang malandi?" tanong ni EJ

"Ikaw" mabilis na sagot nya. " You bi-"

"Tsk, short- tempered" sabi nya habang nakangisi, inayos ni Xylene ang buhok nya.

"Gusto mo talaga ako kalabanin huh" sabi ni Xylene, lalapit na sana kami ni DA ng biglang pahintuin kami ni EJ.

"Stay back" malamig na sabi niya sa amin, nagkatinginan kami ni DA dahil sa sinabi nya.

Lumapit si EJ kay Xylene at parang may kuryente akong nakikita ngunit mas lamang ang kay EJ.

"Tandaan mo ito, hindi pesteng katulad mo ang makakapagpabagsak sa akin" umuusok na si Xylene dahil sa inis.

"Wag na wag mo akong kakalabanin dahil pagsisisihan mong mapunta sa impyerno, okay?" matamis na ngumiti ito, tinalikuran nya ito. May kinuha si Xylene sa bag nya.

Nanlaki ang mata naming lahat dahil sa inilabas ni Xylene na nanggaling sa bag niya.

Mabilis na humagip ang isang kutsilyo sa kamay nya, "Ang yabang mo talaga!" tumakbo si Xylene para saksakin si EJ sa likod.

Pero mas nagulat kami sa biglang mabilis na paghawak ni EJ sa kutsilyo. "OMG!" sabi ni Kimber.

Mahigpit na hinawakan ni EJ ang kutsilyo na dahilan ng pagtulo ng dugo na galing sa kamay niya.

"Shit!" bulong ni DA, mas lalong nanlaki ang mga mata namin ng biglang maputol ang matulis na parte neto.

Gulat parin si Xylene dahil sa nakita niya pati ang mga estudyante. Inihagis ni EJ ang naputol na bahagi ng kutsilyo.

Puro dugo ang nakalahad sa kutsilyo kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Nerd outside but DEMON inside" nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa sinabi nya.

Tinignan ko ang mata neto na parang tinumbasan pa ang demonyo dahil sa pagka-itim neto.

Tumutulo parin ang kamay ni EJ, tila nahiwa sa gitna ang nga estudyante dahil kay EJ. Sinundan kaagad namin syang tatlo, mabilis itong maglakad at hindi iniinda ang hapdi.

Nang maabutan namin siya ay hinawakan kaagad ni Kimber ang kamay nya. "Wala ka paring bang pake dyan?!!!"

Inis na tanong ni Kimber kay EJ ngunit malamig parin ang tingin ni EJ dito. "Look oh!! Malalim ang hiwa oh!!"

Tila wala parin siyang imik "Ano hindi ka man lang ba magsasalita?! Fuck naman EJ bakit mo ba kami iniiwasan?!!"

Nararamdaman ko ang pag-aalala ni Kimber kay EJ, "Pumunta na tayo sa clinic" seryoso kong sabi sa kanya.

"No, ako ang magdadala sa kanya sa clinic" sabi ni DA sa akin.

"Walang pupunta sa clinic" malayo ang tingin ni EJ habang sinasabi ang mga yun.

"Ano ba EJ?!! Pati ba clinic iiwasan mo na rin?!!" sabi ni Kimber.

"I'm not repeating my words again Kimber what I said is what I said" tinanggal ni EJ ang pagkakahawak ni Kimber sa kamay niya at nag-lakad palayo.

"Arghh! Why is she so stubborn?!!" sabi ni Kimber habang hawak hawak ang ulo nya.

"Pabayaan na natin sya, masanay na tayong ganyan sya" sabi ko sa kanila, napatingin naman sila sa akin.

END OF CHAPTER TWENTY NINE

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now