Chapter 45

9.2K 223 2
                                    

CHAPTER FORTY FIVE

GIAN'S POV


Alam kong mali ang sinabi ko kay EJ pero may parte rin naman na mali siya.

"Sa tingin ko kailangan natin siyang bigyan ng space..." sabi ni DA habang nakatingin sa akin, napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"Tama si DA, baka gusto niya munang mapag-isa" sabi ni Kimber halata sa kanya ang pag-aalala.

Nag-siuna na silang dalawa at ako ay nasa harap ng bahay nila EJ.

Nakatingin lang ako dun ng biglang may nagsalita sa likod ko "What are you doing at my Princess' house?"

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang mukha ni Cosmo na nakasandal sa kotse niya ay nakapamulsa pa.

"The Prince will be angry if someone visits her Princess" naging seryoso ang mukha niya dahil sa sinabi niya.

"She's not your princess Comso" giit na sabi ko sa kanya, tumayo naman siya ng maayos at tinignan ako.

"Then let me treat her like one" nakangisi niyang sabi sa akin na ikinayukom ng kamao ko.

"Seryoso ka ba sa kanya?" giit na tanong ko rito.

"Eh ano bang pake mo kung seryosohin ko siya??" seryoso niyang binitawan ang mga salitang yun.

"Anong ginagawa mo dito?" napatingin ako sa likod ko at nakita ko si EJ.

"Hi Princess" kaway ni Cosmo kay EJ, pumunta sa harap ko si EJ .

"Masama bang bisitahin ko ang prinsesa ko?" nakangising tanong ni Cosmo kay EJ.

"Umalis ka na Cosmo" giit na sabi ni EJ dito. Tinaas naman ni Cosmo ang mga kamay nya na ibigsabihin ng pagsuko nya.

"Wala akong balak okay, binisita lang kita" nakangising sabi niya habang nakapamulsa pa.

"Hindi welcome ang mga bisita na katulad mo kaya umalis ka na!" napalayo naman si Cosmo dahil sa sigaw ni EJ.

"Okay, okay, no need to shout my Princess" sabi neto kay EJ.

Bago pa umalis si Cosmo ay nagpaalam pa ito kay EJ "See you next time my Princess"

Nang makaalis na si Cosmo ay napasinghap naman si EJ "Nababaliw na talaga sya..."



HEAVEN'S POV

Grabe talaga ang Cosmo nayun! Napakakapal ng mukha nyang bumisita sa bahay ko! Urgh!!

"Nababaliw na talaga siya!" singhap ko.

"At ika-" pagkaharap ko ay malapit na ang mukha niya sa akin. Lalayo na sana ako pero kinapit nya ng mahigpit ang dalawang braso nya sa bewang ko.

Pinilit kong binalewala yun at kinausap siya "At ikaw naman! Ano bang ginagawa mo dito ah?!!" nakangisi lang sya.

"Alam mo bang delik-"

"Oo alam ko.."

"Alam mo naman pala eh! Bakit ka pa nagp-"

"Gusto kitang makita okay"

Napaiwas ako ng tingin dahil dun!


"Umalis ka na nga!!" nakalas ko na ang pagkakahawak niya sa bewang ko.

Aalis na sana ako ng biglang hilain nya ang braso ko "Ano-mhh"

Nanlaki ang mata ko dahil sa biglang pagdikit ng labi nya sa labi ko.

Sinakop nya ang labi ko, hindi ako makapag-react dahil sa parang tumigil ang pagtibok ng puso ko.

Parang naging statwa ako dahil sa pagpatuloy na paghalik nya sa akin. P-Pangalawa nya na akong hinalikan.....

Ilang minuto ay humiwalay na sya sa labi ko, napayuko ako.

"Magpahinga ka na" nakangising sabi sa akin ni Gian.

"A-Ahh oo, oo" dali-dali akong pumasok sa loob at nilingon ko pa si Gian na todo ang ngiti.

Pagkapasok ko sa loob ay napahawak ako sa dibdib ko. Binalewala ko ito at umakyat na sa kwarto.

Ngunit sadyang ang lakas kaya hindi ko mapigilang hawakan yun.

"Kumalma ka nga! Peste naman oh!"

Napahinto ako at may naalala.......

"Oo naaalala ko, bawal ako magmahal...."



"Pahamak lang ang pagmamahal..."




"Tumigil ka na, please lang...."




END OF CHAPTER FORTY FIVE

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now