Chapter 75

6.6K 132 8
                                    

CHAPTER SEVENTY FIVE

HEAVEN'S POV

Pagkagising ko ay sobrang sakit ng ulo ko. Halos mapapikit ako dahil sa sakit, oo nga pala suspended pala ako dahil sa danggit na yun tsk!

Dumiretso ako sa banyo at nag-hilamos at nag-sipilyo. Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang mga text ni Mommy at Heather.

Lumabas ako sa kwarto at dumiretso sa kusina "Hik!" napahawak ako sa dibdib ko dahil sa nakita kong nag-luluto si Gian.

"Oh...Good Morning?" sabi nya sa akin na parang hindi nya alam kung ano ang sasabihin sa akin.

"A-Akala ko umuwi ka na?" medyo nauutal na tanong ko rito.

"T-Teka.." tinignan nya ang oras at nakita nyang lagpas 8:00 na "Hindi ka pumasok?!" nalatingin naman si Gian.

"Obvious naman diba.." pinagpatuloy nya ang pagluluto, ako naman ay napakagat sa labi ko.

Tapos narin syang mag-luto at kumakain narin kaming dalawa. Hindi ako makakain ng maayos dahil panay ang tingin nya sa akin.

Pakiramdam ko bawat subo ko tinitignan nya ako. Iniiwas ko nalang ang tingin ko kapag nagkakatamaan ang tingin namin.

Nang matapos na kaming kumain ay naligo ako kaagad para umuwi na sa bahay.

Nag-suot ako ng simpleng damit, "Iuuwi na kita" napatingin naman ako kay Gian na kakalabas lang ng kusina.

Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot. Kinuha ko ang bag ko, sabay kaming lumabas ng condo.

Nakasakay na kaming dalawa sa kotse nya. Pinaandar nya na ang engine.

Tahimik lang kami at walang imikan, hindi ko alam kung paano sisimulan ang usapan dahil hindi ko naman ugaliing magkwento.

Hanggang sa makarating kami sa bahay. Lalabas na sana ako ng hawakan ni Gian ang braso ko.

"Sorry kahapon..." direktang sabi nya sa akin, tumango nalang ako sa kanya bilang sagot.

"Sige na, umuwi ka na.." tumango naman sya sa akin bilang sagot. Pinaandar nya na ang kotse.

Binuksan ko ang pinto, pagkapasok ko ay nakita ko si Mommy at ang kapatid nya na si Tita Olivia.

Didiretso na sana ako ng mag-salita si Tita Olivia "Kailan mo balak sabihin kay Heaven ang totoo?"

Nagtago ako sa isang pader at sinilip silang dalawa at nakinig. "Ayokong malaman nya, ayokong lumayo sa akin ang loob ng anak ko" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mommy.

"Kailan mo pa lolokohin ang anak mo Leille, hanggang kailan mo pa itatago na hindi si Winston ang totoo niyang tatay.." para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ni Tita Olivia.

"Ayokong lumayo ang loob sa akin ng anak ko, please Ate wag mong sasabihin sa kanya.." naiyukom ko ang kamao ko dahil sa galit at sakit.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now