Chapter 65

7K 171 2
                                    

CHAPTER SIXTY FIVE

Kinabukasan, ay pumunta si Heaven sa gym at hindi pumasok, gusto ni Heaven na mag-papawis muna.

Pagkarating nya dun ay nakita nya si Shakes na nasa counter "Mrs. Ella, long time no see" nakangiting sabi sa kanya ni Shakes, tumango lang si Heaven bilang sagot.

"Asan si Incho?" tanong ni Heaven kay Shakes "Ahh pumunta lang sa cr" inilapag naman ni Heaven ang sports bag nya.

Inihanda nya na ang mga kailangan nya ng lumabas si Incho "Oh, Mrs. Ella ngayon ka nalang pumunta dito ah" sabi ni Incho habang nakangiti kay Heaven.

Nagawa nalang ngumisi ni Heaven dahil dun "Shall we start?" tanong neto habang sinusuot ang gym gloves.

Nagsimula narin silang dalawa at ikinagulat ni Shakes dahil sa naiiwasan na ni Incho ang mag sipa at suntok ni Heaven.

Nagtataka rin si Incho kung bakit hindi rin asintado ang mga sipa at suntok ni Heaven, hindi nya natatamaan si Incho.


Ilang minuto ang lumipas at bumaba narin si Heaven sa ring, sumunod naman si Incho "Mrs. Ella siguro wala ka sa hulog" sabi ni Incho habang tumatango.

Nagawa nalang tumango ni Heaven dahil sa oo nga tama si Incho wala sya sa hulog dahil marami itong iniisip na ikinakawala ng lakas nya.

"Babalik nalang ang bukas" sabi ni Heaven habang pinupunasan ang braso nyang pawis na pawis "Anong oras Mrs. Ella?" tanong ni Shakes na hindi naramdaman ni Heaven ang presensya neto.

"Around 4:30 pm, please reserved the ring" malamig na sabi ni Heaven habang inaayos ang gamit nya. Mabilis na nagsuot ito ng t-shirt na puti at lumabas na sa gym.

Sumakay na ito sa kotse nya at minadaling pinaharurot ito, alam nya kung saan sya pwedeng tumabay kaya pumunta kaagad.



Nang makarating sya sa quarters ay sumalubong sa kanya si Jacob "Are you okay now Miss K?" tanong neto sa kanya. Tumango lang bilang sagot si Heaven.

"How's the troop ng wala ako?" tanong ni Heaven at umupo sa swivel chair "Okay naman ho ang lahat Miss K" sabi ni Jacob at yumuko ito.

"Jacob, kailan ka mag-kakaroon ng girlfriend?" tanong ni Heaven na ikinagitla ni Jacob, nakita ni Heaven ang pagiging tensyunado ni Jacob.

"I'm just asking, wag kang kabahan" nakangising sabi ni Heaven, habang iniikot ang swivel chair nya.

"Tatapusin ko po muna ang misyon ko bago ko isipin ang mga yan" sabi ni Jacob na para bang hiyang hiya na pinag-uusapan ang tungkol sa LOVE.

"How about you Miss K? Bakit wala ka pang boyfriend?" tanong ni Jacob dito na ikinagat naman ng labi ni Heaven.

"May mahal ako pero bawal..." pilit na ngiting sabi ni Heaven, napakunot naman ang noo ni Jacob dahil dun.

"Wag ka ng magtanong alam mo naman ang sagot diba?" nakangising tanong ni Heaven, napatango naman si Jacob dahil dun.







***

Samantala naman si Gian ay nasa eskwelahan at nakikinig sa prof nya, walang bumabagabag sa isipan nya ngayon kundi ang pag-aaral nalang.

Naninibago rin ang mga kaklase nya, natapos ang klase at nagsilabasan ang mga estudyante sa mga kanyang kanyang classrooms. Nagpalinga linga naman si Gian at nakita nya si Hazel na kumukuha ng libro sa locker nya.

Nilapitan nya ito at kinuha ang mga librong nakapatong sa braso ni Hazel, nagulat naman si Hazel dahil sa pagkuha ng libro nya ni Gian.

"A-Anong ginagawa mo?" tanong ni Hazel na parang nararamdaman niyang may nagbago kay Gian "hindi mo naman kailang---"

"Pwede samahan mo ako?" napakunot naman ng noo si Hazel dahil sa biglaang tanong ni Gian rito. "S-Saan naman?" nauutal na tanong neto.

Mas lalong nagulat si Hazel dahil sa biglang pag-hawak ni Gian sa wrist nya "S-Saan ba tayo pupunta Gian?" tanong ni Hazel na gulong gulo narin kay Gian.

"Basta.."

Maraming nakakakita sa kanila ngunit hindi iyon pinapansin ni Gian. Sinakay ni Gian si Hazel sa kotse nya na mas lalong ikinakunot ng noo ni Hazel.

Mabilis na pinaharurot ni Gian ang kotse nya at mabilis na nakarating sa isang bar. Mabilis na binuksan ni Gian ang pinto at inalalayan si Hazel sa pagbaba.

Nung una ay nag-tataka si Hazel kung bakit andito sila pero pumasok na silang dalawa, kumuha sila ng isang table at nag-order.

Tahimik lang silang umiinom ng basagin ni Gian ang katahimikan ng pagtawag kay Hazel "Hazel.." napatingin naman si Hazel dahil sa tawag ni Gian.

"Matanong ko lang, b-bakit mo b-ba ako iniwan nun?" nararamdaman ni Hazel na mabilis na nalasing si Gian dahil sa ibang klaseng alak na iniinom nya.

"Alam mo ba kung anong nangyare sa a-akin nung umalis ka?" napayuko si Hazel dahil dun pero mabilis na iniangat ang ulo.

"U-Umuwi na tayo Gian, lasing ka na" tatayo na sana si Hazel ng pigilan sya ni Gian sa pagtayo at hinila paupo.

"B-Bakit hindi mo masagot yung tanong ko?" tanong ni Gian, napaiwas naman ng tingin si Hazel.

"A-Alam mo kung bakit kita iniwan?" diretso namang tumingin si Hazel kay Gian.

"K-Kasi bawal tayo sa isa't isa..."



END OF CHAPTER SIXTY FIVE
























































BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessKde žijí příběhy. Začni objevovat