Chapter 27

10.2K 253 6
                                    

CHAPTER TWENTY SEVEN

DA's POV

Hindi ko alam pero bakit ba ako nakakaramdam ng matinding sakit sa dibdib ko.

Ngayon lang ako nag-seryoso sa isang babae, hindi ko ba alam kung anong meron kay EJ at nagustuhan ko sya.

"Kimber si EJ?" tanong ko kay Kimber na kumakaing mag-isa sa table. Bakit hindi nya kasama si EJ.

"Hindi ko alam, bigla nalang siyang lumalayo eh..." malungkot na sabi ni Kimber sa akin kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

Pumunta ako sa garden kung saan lagi syang nagbabasa pero wala sya dun, takbo ako ng takbo.

Pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa rooftop ng school.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang babae na nakaupo sa railings ng rooftop.

Dali-dali akong tumakbo dahil baka mahulog sya, agad ko syang hinila at natumba naman kami sa sahig.

Nakapikit sya dahil sa pagkabagsak. Nang-imulat niya ang mata niya ay napatayo sya.

"Hmp!!" sabi niya at napahawak sa dibdib niya, hindi ito makatingin sa akin ng maayos.

"Miss are you okay?" tanong ko dun sa babae, masama niya naman akong tinignan na ikinagulat ko.

"Don't talk to me you PLAYBOY!" sabi niya at tumakbo paalis.

"S-Siya... Siya na nga tong tinulungan eh!!" pumasok sa isip ko si EJ na nakalimutan kong hanapin.

Pumunta ako sa field at naaninag ko ang mukha ng hinahanap ko. Natutulog ito habang nakikinig ng music.

Alam kong tulog si EJ dahil sa winagayway ko sa mukha niya ang kamay ko para malaman kung gising ba siya.

Tinignan ko ng maigi ang mukha niya, napangiti ako dahil sa hindi ko inaakala na magkakagusto ako rito sa Nerd na to.

Napansin ko naman ang nakasuot parin nyang salamin. Ano kayang itsura niya kapag tatanggalin ko ang salamin nya?

Nahawakan ko na ang salamin, akmang tatanggalin ko na sana ito ng biglang dumilat ang mga mata ni EJ.

Natanggal ang pagkakahawak ko sa salamin niya "What are you doing?" malamig na tanong niya sa akin.

Hindi ako makasagot dahil sa malamig na boses niya, grabe ang awra na nangagaling sa paligid nya.

"Just leave me alone" sabi niya at umalis, natawa ako sa isipan ko dahil sa ngayon lang ako nag-habol ng isang babae. Tss

HEAVEN'S POV

Ayokong magkasiraan ang magkapatid kaya ginagawa ko ang lahat maiwasan sila pati narin si Kimber.

Lalo na alam kong binabantayan ako ni Cosmo, may matang nagmamatiyag sa akin, kahit saan ako magpunta.

Kailangan kong maging maingat, tatapusin ko rin sila isa isa. Proprotektahan ko sila.

Naglalalad lang ako sa parking lot, nang biglang may nagsalita sa harap ko habang naglalakad ako.

"So dito ka pala nag-aaral..." unti-unti kong inangat ang ulo ko at napakunot ang noo ko, paano naman sila nakapasok dito??

Ang GangThree, isa sa mga nakasangga ko nung bakbakan, tatlo ang namumuno sa kanila isa na dito si Luis, Vandon at si Tyler.

"Long time no see EJ" sabi ni Luis habang nakangisi sa akin, tumango naman sa akin si Tyler.

"Nagpapasok pala ang mga guards ng mga dugyot dito" sabi ko at napasinghap sa noo ko.

"Matagal na naming hinintay na makita ka ulit" sabi ni Vandon habang naka-cross arms pa.

"Pwes ako hindi" sabi ko habang nanglalamig, buti nalang at walang pumupunta sa parking lot.

"Mayabang ka parin hanggang ngayon noh" sabi sa akin ni Tyler, malamig din ang boses nya kaya hindi halata na sya ang pinakamalakas sa grupo.

"EJ sino sila?" napatingin ako sa likod ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Gian at DA na nakatingin sa amin.

"Owww two knight in shinning armors huh" sabi ni Luis habang nakangiti pa, kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa dalawa.

"Umalis na kayo" malamig na sabi ko sa kanya, nag-iba naman ang ekspresyon nila na para bang nagugulhan sila.

"Wag mo muna silang paalisin EJ" sabi ni Luisa habang nakangisi pa kaya hindi ko maiwasang maiinis.

"EJ sino ba talaga sila?" tanong sa akin ni DA na nagugulhan parin sa nangyayare.

"Sugurin niyo na" sabi ni Vandon, mabilis akong tumingin sa kanila "Umalis na kayo!"

Isa isa na nagsilapitan ang mga tauhan nila at inihanda ko naman ang sarili ko.

Saba'y sabay na nilabanan ko silang lahat, nagulat ako dahil sa biglang paglaban rin nina Gian at DA.

Aba't ang kulit ah!! Sila ang mapapahamak dahil sa ginagawa nila. "Oho!" napatingin ako sa gawi ni DA, nasuntok sya nung isa sa mga GangThree.

Dali-dali akong lumapit at nag-flying kick, naubos na silang lahat kaya hindi maiwasang magalit ng GangThree.

Tumalon sila dun sa may bakod at nawala, masama akong tumingin dun sa dalawa. Nakahawak parin si DA sa tiyan niyang nasuntok kanina.

"Ano ang sinabi ko sa inyo?" malamig na tanong ko sa kanilang dalawa, kalma lang Ej.

"Hindi ba kayo marunong makinig?!!" halos mag-echo ang boses ko sa buong parking lot dahil sa lakas neto.

"Paano kung may masaktan sa inyo ah?!!" control it EJ! You need to calm down.

"EJ, we just want to help" sabi ni Gian sa akin.

"Tulong?! Hindi niyo ba alam na dahil sa pagtulong nyo ay baka masaktan kayo!!!" sabi ko sa kanya, hindi ko mapigilang mainis dahil sa hindi nila ako sinunod.

"Sino ba sila EJ?" tanong ni DA sa akin, diretso naman akong tumingin sa kanya.

"Wag niyo ng alamin!" sabi ko at tinalikuran na silang dalawa, napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit.

Sana naman hindi sila mangielam ulit, baka masaktan sila dahil sa akin

CHAPTER TWENTY SEVEN






BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now