Chapter 21

11.5K 256 1
                                    


CHAPTER TWENTY ONE

HEAVEN'S POV

Pagkarating ko sa bahay ay bumungad sa akin si Yaya Mirsing na ipinagbukas ako ng pinto "Diyos ko!! Heaven ano nangyare diyan?!!!" sabi niya habang tinuturo ang sugat na natamo ko sa kutsilyo nung kalbo na yun "Wala ito yaya, simpleng sugat lang yan.." malamig kong sabi at patuloy parin sa pagtulo ng dugo ang sugat ko.

"Nako!! Ano ka ba namang bata ka!! Kung ano anong away ang pinapasok mo!" saway niya sa akin habang hawak hawak ang brasong may sugat, napasinghap naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi pa ba sya nasanay??

"Yaya Mirsing, okay lang ako.." malamig kong sabi sa kanya at naglakad na papunta sa hagdan, ni-lock ko kaagad ang kwarto ko, ayaw ko ng may bigla biglang papasok sa kwarto ko maliban kay Mommy.

Nasa business trip namang silang dalawa ni Daddy bali si Heather at ako lang ang natira kasama ang mga maids and drivers.

Kinuha ko ang nakatagong first aid kit ko sa isang wall na hindi mo mapapansin, nakatakip kasi ito ng isang picture frame.

Knockk!!! Knockkk!!

Napatingin ako sa pintuan at lumapit dito. What is she doing here? "What?" malamig na tanong ko sa kanya "Yaya Mirsing said na may sugat ka daw..." seryoso niyang sabi sa akin, ano namang pakielam niya?

"Anong namang pinunta mo dito?" tanong ko sa kanya habang malamig na nakatingin rito. Napasinghap muna ito at tumingin sa akin " Let me see your wound" sabi nya habang diretsong nakatingin sa akin. Bakit nya kailangang makita pa?

"You don't need too" pagkasabi ko nun ay sinarado ko ang pinto at bumalik sa kama ko.

***

Kinabukasan, maaga akong pumunta sa school, gusto kong pumunta muna sa garden kung kaunti palang ang mga estudyante. Nakarating ako sa garden, sinuksok ko sa tenga ko ang earphones ko at nagbasa.

Now Playing: Can't help falling Inlove :))

Nagbabasa lang ako ng biglang may umagaw ng isang earphones ko sa kanang tenga ko. Masama kong tinignan kung sino man yun. "What are you doing?" malamig kong tanong sa kanya. Aba't bwisit to ah! Hindi man lang ako sinagot. Evil smile.

"Hoy Mr.DA ibabalik mo sa akin yan or ipagsasabi ko sa buong campus na bakla ka?!" sigaw ko, natanggal niya naman ang earphones at tinignan ko na parang nagulat sa sinabi ko.

"What the heck!! Ako? B-Bakla?!" sabi niya habang tinututo ang sarili "Ay hindi si Kuyang nakaputi, ayun oh!" sabi ko sabay turo dun sa likod niya. Nalukot naman ang mukha neto dahil sa pamimilosopo ko.

"Excuse me Mis-"

"Daan ka na.." sabi ko at nilead pa ang daraanan niya. Mas lalong nalukot ang mukha neto dahil sa pamimilosopo ko sa kanya.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt