Chapter 122

4.6K 80 5
                                    


Naalimpungatan si EJ dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha na nanggagaling sa bintana.

Agad nyang kinusot ang kanyang mga mata. Nadako ang tingin nya sa kanyang orasan at nanlaki ang kanyang mata ng makita ang oras.

Napatayo sya at gulat na gulat "Oh shoot!" 9:00 am na at sobrang late na late na sya sa ospital.

Agad syang dumiretso papunta sa cr para dali-daling maligo.









Pumasok kaagad si EJ sa hospital, pagkapasok nya ay nagtaka ito dahil sa tinitignan sya ng mga nurse neto at nagbubulungan.

Hindi nya nalang yun inintindi at dumiretso kaagad sa opisina nya para i-check kung may mga pasyente ba ito.

Pero bago sya makapunta sa kanyang opisina ay bumungad sa kanya si Wendy "Doc.." tawag sa kanya ni Wendy, napatigil sya dahil dun at tinignan ito.

"Kailangan po kayong makausap ni Producer Kang..." napakunot ang noo ni EJ dahil sa sinabi ni Wendy.

"Why?" tanong neto, napatingin si EJ dahil sa mga nurse na nakatingin sa kanya.

"Mas mabuti hong sa kanya nyo na po malaman..." tumango nalang si EJ dahil dun at kaagad na pumunta sa opisina ni Producer Kang.

Nakakapagtaka lang ay lahat ng mga nurse na madadaanan ay parang may binubulong sa isa't isa. Pilit na hindi inintindi yun ni EJ at dumiretso sa opisina ni Producer Kang.




Kumatok sya sa pinto "Come in.." sabi ni Producer Kang, pumasok naman si EJ.

"Bakit nyo ho ako pinatawag?" agad na tanong ni EJ kang Producer Kang, napatingin sya at tila nagulat pa.

"Doc Emerald.." sumandal ito sa swivel chair at tinignan si EJ na kasalukuyang nakakunot ang noo.

"Mahalaga ba sa iyo ang trabaho na ito?" napakunot ang noo ni EJ dahil sa tanong na yun.

"Of course Producer Kang, mahalaga sa akin ang trabaho na ito.."

"How about your patients?" tila hindi makapaniwala si EJ dahil sa mga tanong ni Producer Kang.

"Producer Kang, mahalaga sila sa akin kaya gagawin ko ang lahat para mapagaling ko silang lah-"

"Mahal mo ba ang fiance mo?" tila nadurog ang puso ni EJ dahil sa tanong na yun, sa isip isip nya ay parang nanghihimasok na ito sa buhay nya.

"Of course, m-mahal na mahal ko si Hexxon-"

"Then what is this?" napatingin si EJ sa isang larawan, nanlaki ang mata ni EJ dahil sa nakita.

Magkayakap sila ni Gian, yan ang nasa litrato na ikinagulat nya "What does this mean Doctor Emerald Reyes?" seryoso na ang tono ng boses ni Producer Kang.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now