Chapter 125

4.9K 102 16
                                    


Hanggang ngayon ay nasa isip parin ni EJ ang mga sinabi ni Gian. Naalala niya ang mga kasamaang ginawa sa kanya ni Cosmo.

Nasa sala lang sya ng biglang tumunog ang doorbell ng paulit ulit. Napakunot ang noo nya dahil wala syang inaasahan na bisita.

Pagkabukas niya ng pinto ay nakita nya si Kristana na nag-aapoy ang mga mata "What did you do to Hexxon?!"

Biglang tinulak ni Kristana si EJ na dahilan ng pagkasandal neto sa likod ng sofa. Tila nagulat ito dahil sa ginawa ni Kristana.

"Bakit mo pinatay si Hexxon?!" tila naguguluhan si EJ sa mga sinasabi ni Kristana.

"Hindi ko siya pinatay!" sabi ni EJ sa galit na galit na si Kristana. Hindi nya maisip na ganito ang iaasta ng kaibigan nya.

"Hindi mo siya niligtas! Pinabayaan mo lang siya!"

"Kris--*blamp!* isang malakas na pagtama sa pader ang nangyare sa ulo ni EJ dahil sa pagtulok sa kanya ni Kristana.

Hilong hilo sya at parang umiikot ang lahat. Nakita niyang napatakip si Kristana sa kanyang bibig.

Tila may rumihistro nanamang pangyayare sa nakaraan. Ang ball kung saan nakasuot ng itim na gown si EJ.

Ang paglalaban nila ni Cosmo, ang pag-sambit nya ng mahal nya si Gian ay rumihistro sa kanyang isipan.

Ang unang kaarawan nyang icinelibrate ng kanyang pamilya, lahat ng pangyayare ay naalala nya.

Nagdidilim ang paningin ni EJ. Huli na ng makita nya si Gian na kakapasok palang ng bahay neto.





Papasok palang si Gian ng makita nya si Kristana na nakatakip sa kanya bibig, napakunot ang noo neto.

Ngunit biglang sumagi sa kanyang isipan si EJ. Agad syang tumakbo papunta sa loob at nakita nya ang walang malay na si EJ.

"EJ!" tawag nya dito, si Kristana ay tumakbo nalang palabas ng bahay ni EJ. Hindi nya akalain na magiging ganito ang iaasta nya sa kaibigan.

"EJ! Wake up!" niyuyogyog ni Gian ang pisngi ni EJ ngunit hindi ito gumigising.

Kinuha nya ang phone nya at dali-daling tinawagan si Maximo para pumunta sa bahay ni EJ.

Inakyat ni Gian si EJ sa kwarto neto, hindi nya alam ang kanyang gagawin dahil sa tumambad sa kanya ang walang malay na si EJ.


Ilang minuto ay dumating na si Maximo "Maximo.." tawag ni Gian dito. Pumunta si Maximo kay EJ upang tignan ang kalagayan neto.

Tumayo si Maximo at hinarap si Gian "How's EJ?" tanong ni Gian kay Maximo.

"She's okay Gian, masyado lang malakas ang impact ng pagkakauntog niya kaya siya nawalan ng malay..." napatango naman si Gian dahil dun at tinignan ang walang malay na si EJ.

"By the way, kilala mo si Doc Emerald?" nadako naman ang tingin ni Gian dahil sa tanong ni Maximo.

Tumango naman ito bilang sagot sa kanya "She's not Emerald, she's EJ, yung kwinikwento ko sayo..." tila nanlaki ang mata ni Maximo dahil dun.

Agad nyang tinignan si EJ at muling ibinalik kay Gian "I thought she's already dead.." tila hindi makapaniwala si Maximo.

"Tinago siya ni Seth, inilabas niya na patay na si EJ pero ang hindi naman alam ay dinala niya ito sa Europe.."

Hindi makapaniwala si Maximo, dahil kwinikwento ni Gian ay namatay na ito dahil sa pag-sabog pero heto siya ngayon buhay na buhay.









Unti unting minulat ni EJ ang kanyang mga mata. Nakadama pa sya ng pananakit ng ulo pero nawala yun ng maalala nya si Gian.

Agad syang umupo sa kanyang kama at tila gustong makita si Gian "Gian.." agad syang tumayo at lumabas ng kanyang kwarto.

Agad syang nag-lakad papunta sa hagdan, nagmamadali sya at gustong gusto ng makita si Gian.

Kaunti nalang ang hagdan na kayang bababaan ng biglang nawalan sya ng balanse.

Mahuhulog na sana ito ng biglang may sumalo sa kanya. Naramdaman nya ang mga kamay sa kanyang bewang.

"Are you okay?" tinignan nya ang mga mata ni Gian, tila nagsimulang mag-siipunan ang kanyang mga luha sa kanyang mata na ikinakunot ng noo ni Gian.

"G-Gian.." agad niyang niyakap si EJ, nagulat si Gian dahil sa pag-yakap sa kanya ng mahigpit ni EJ.

Niyakap nya nalang ito pabalik kahit gulong gulo na ang kanyang isipan. Narinig nya ang pag-hikbi ni EJ.

"I-I'm sorry sa idinulot kong sakit sayo.." tila bumilis ang tibok ng puso ni Gian dahil sa sinabi ni EJ.

"I-I'm sorry dahil sa naging makasarili ako..."









"I-I'm sorry dahil hindi mo ako kasama sa tuwing umiiyak ka ng mag-isa dahil sa akin..." tila nagsiipon ang mga luha sa mata ni Gian dahil sa sinasabi ni EJ.

"I-I'm sorry dahil sa kinalimutan kita..." tila pumasok sa isipan ni Gian ang sinabi ni EJ.

Agad syang humiwalay sa yakap ni EJ at tinignan ang nag-luluhang mukha neto. "Did you j-just..."

"Y-Yes.." naluha si Gian dahil sa sinabi ni EJ. Agad nyang sinunggaban ng halik si EJ at tumugon naman ito sa halik ni Gian.

Tumingkayad sya para mailagay nya ang kanyang braso sa batok ni Gian at pinulupot ito.

Masayang masaya si Gian dahil sa nakaalala na si EJ, para sa kanya ay sya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.

Binigay sa kanya si EJ na mahal na mahal nya ay proud syang ipagmalaki yun sa lahat ng tao.

Hiniwalay nila ang kanilang mga labi sa isa't isa at ngumiti. Hinalikan naman ni Gian ang noo ni EJ.

Sunod ang kanyang tsungking ilong ang hinalikan neto. Unti unti pinikit ni EJ ang kanyang mga mata, naramdaman nya ang muling pagdampi ng labi ni Gian sa kanya.

Parehas sila ng nararamdaman ni Gian. Pakiramdam ni EJ ay sya na ang pinakamasayang babae sa buong mundo.

Kasama nya ang taong mahal nya, gusto nyang sambitin ang salitang..

"I love you...."








END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now