Chapter 24

10.7K 240 1
                                    

CHAPTER TWENTY FOUR

HEAVEN'S POV


Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isip ko ang pagbabanta sa akin ni Cosmo, pati bahay ko alam niya kung saan ako nag-aaral at kung saan ang quarters.

Kaya hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa mga taong malapit sa akin mas lalo na ngayon.

Target ni Cosmo ang mga malapit sa akin, kontrolado ko na ang isip niya dahil sa unang pagkikita namin.

FLASHBACK

Kakauwi ko lang sa bahay galing sa school, nakakabagot itong araw na ito dahil araw-araw ang gamit mo ay puro utak nalang!

Dumiretso ako kaagad sa kwarto ko at hinagis ang sarili ko sa kama. Napansin ko ang isang sobre sa study table ko.

Nakaramdam ako ng kaunting pang-hihinala dahil in the first place, sinasarado ko ang pinto ng kwarto ko.

Binuksan ko ang sobre at nakakita ng isang wedding card, nanliit ang mata ko dahil sa nakita ko.

Binuklat ko ang loob nito at nakita ko ang isang L na singsing at nakita ang sulat na....

Be my wife or else I will kill your friends and families, I wish you will come to our wedding......

My Bride.

Nalukot ko ang card na yun at dali daling inilagay ito sa basurahan kasama ng singsing.

"Kahit kailan hindi ako magiging kasapi ng isang mamamatay tao!"

Sigaw ko, idadamay niya ang mga nakapaligid sa akin, naramdaman ko awra sa likod ko.

Akmang susuntukin ko ang nasa likod ko ng mabilis niyang mahawakan ang kamay ko at padabog na isinandal ako sa dingding.

Cosmo Takahashi!!

"Anong ginagawa mo dito?!" giit na tanong ko sa kanya, nakangisi lang ito sa akin.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now