Chapter 93

5.4K 124 4
                                    

Namimili ngayon si Heather ng mga kailangan ni Zasha, may anak na itong babae at 4 na taon na ito.

Malapit narin ang kaarawan ng kanyang ina kaya mag-iisip na siya ng maiiregalo, yung asawa niya naman ay nasa company neto.

Namimili ng mga damit si Heather, nasa kid's store siya ngayon, aaminin niyang napaka-kulit ng anak neto at minsan hinahanap neto ang Tito Gian niya at Tito DA neto.

"Ma'am may napili na ho ba kayo?" napatingin si Heather dun sa saleslady.

"Wala pa eh, pwede bang tulungan mo ako" ngumiti naman ang sales lady sa kanya bilang tugon.

"Babae ho ba ang anak nyo?" tanong ng saleslady sa kanya, tumango naman si Heather bilang sagot.

"Kahit hindi niyo na sa akin sabihin Ma'am alam ko na ang babagay sa anak niyo" nakangiting sabi ng saleslady, sumunod naman si Heather sa kanya.

Bumungad naman ang isang blue-green dress na may kapares na puting sapatos na may dyamante.

"Sino namang nag-design neto? Napakaganda.." manghang sabi ni Heather dito.

"Ah Ma'am si Ms. Kimber at si Ms. Lianna po" napangiti naman si Heather dahil mga kakilala nya pala ang nag-design neto.

"I know them, those are my friends" nanlaki ang mata ng saleslady dahil sa sinabi ni Heather.

"For real po?!" tanong neto, nakangiti namang tumango si Heather sa kanya.

"Kukunin ko ito, atsaka yung red dun sa kabila"

"Yes Ma'am" inayos naman ng saleslady ang bibilhin ni Heather. Lumapit na sya sa may counter para dun nalang bayaran.

Nakatingin lang siya sa labas ng store ng may dumaang babae. Nanlaki ang mata nya dahil sa nakita.

"Heaven..." agad siyang lumabas ng store, hinawakan niya ang braso neto at hinarap sa kanya.

Unti unti nyang iniharap ito sa kanya at nakita nya ang mukha neto. Parang bumilis ang tibok ng puso neto dahil sa nakita.

"Do you need anything Miss?" pati boses ay kaparehas neto mas lalo na ang mukha. Sobrang nag-iba na ito.

"H-Heaven..." medyo nauutal na sabi ni Heather na ikinakunot ng noo ni Emerald.

"Heaven?" takang tanong nya rito, mas lalong tumibok ang puso neto ng magtaka ito sa pangalang inusal niya.

"Sorry Miss I have to go" sabi ni Emerald at iniwan niya ang hindi netong kilalang kapatid.

Nakatulala parin si Heather dahil parang namamalikmata lang siya na nakausap niya si Heaven. Ang alam nya ay patay na ang kapatid neto.

"Ma'am" agad na napatingin si Heather dahil sa tawag ng saleslady.

"A-Ah yes, babayaran ko na" sabi nya dun, hindi parin maalis sa isipan nya ang babaeng kamukha ni Heaven o sabihin na nating si Heaven talaga yun.

Nang babayaran nya iyon ay biglang nag-ring ang phone niya at ang asawa nya yun.

"Hello hon?" sabi niya at inabot na ang bayad sa counter, ngumiti naman sa kanya ang mga kahera nun.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now