Chapter 106

4.8K 92 8
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED SIX

Nagising si Emerald dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto niya, kinusot niya ang kanyang mata at inunat ang katawan. Tumayo siya at pumunta sa veranda at nakita nanaman niya ang dagat.

Pumunta siya sa baba at nagtaka ito dahil sa mga gamit niyang nasa baba. Lumabas si Hexxon na galing kusina at may hawak itong tasa na naglalaman ng kape.

"Hon, bakit nandito ang mga gamit ko?" takang tanong ni Emerald kay Hexxon, binaba naman ni Hexxon ang tasang hawak nya at hinawakan ang magkabilang braso ni Emerald.

"Where going home hon.." nakangiting sabi nya kay Emerald, parang nakaramdam ng lungkot si Emerald at hindi nya alam kung bakit.

"A-Agad?" medyo nauutal na tanong ni Emerald kay Hexxon, gagawin na ni Hexxon ang lahat para maiiwas ito kay Gian.

"I know you will miss this place but we need to go okay.." nakangiting sabi ni Hexxon, ngumiti nalang ng pilit si Emerald kay Hexxon, ngumiti nalang din si Hexxon para pasayahin si Emerald.




Samantala ay nagising si Gian na tila may mabigat na kungano sa ulo nya, parang may bagsak sa kanya. Bumaba sya at nakita nya ang tatlo na nag-uusap.

"Goodmorning bro" bati ni DA sa kanya, tumango nalang si Gian bilang sagot at dumiretso sa kusina.

"Hayss paano na yan ngayon?" sabi ni Kimber na nag-aalala parin kay Gian dahil sa nakita nila kagabi. "Pinipilit na itago ni Gian ang sakit.."

"Sobrang nasaktan si Gian ng malaman nyang may fiance na si Emerald at si Seth yun" sabi ni DA sa kanila, napatango naman silang lahat dahil sa sang-ayon sila dun.

Pinipilit na maging okay ni Gian, ayaw nyang pag-alalahanin ang lahat "We need to do something" sabi ni Kimber sa dalawa.

"Nag-iimbestiga si Gian tungkol sa katawan ni EJ" napatinging ang dalawang babae dahil dun, tila nagugulughan sila dahil sa bakit nila kailangan imbestigahan ang katawan ni EJ.

"Sa tingin ni Gian may amnesia si EJ"napasinghap nalang ang dalawa dun "Pero tinitignan ni Troy kung katawan ba talaga ni EJ ang nandun at impostor lang si Emerald" sabi ni DA sa kanila.

"Eh paano si Seth?" tanong ni Lianna kay DA "We need to find out kung paano sila nagkita ni Emerald" sabi ni DA, tumango naman ang dalawa dahil dun.

Hindi alam ng tatlo na nakikinig si Gian sa kanila, alam niyang pati sila ay naapektuhan, tama si DA iimbestigahan rin nila kung paano sila nagkakilala ni Emerald.

Kung napatunayan na yun talaga ang katawan ni EJ ay impostor si Emerald, biglang tumunog ang cellphone ni Gian, nakita nya ang pangalan ni Troy dun.

Agad nyang sinagot ang tawag "Hello Troy.."

"I have already the results of the body" sabi ni Troy sa kabilang linya.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now