Chapter 31

10.2K 264 6
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

HEAVEN'S POV

Kinabahan talaga ako kahapon dahil sa sinabi ni Kimber, siya lang ang nakapansin nun, kailanman hindi nagsabi ang magkapatid na parang ako si EJ.

Ngayon nasa classroom ako, buti nalang at natigilan na ang pag-bubulungan ng mga peste kong kaklase, mga chismoso at chismosa!

Nakikinig lang kami ng biglang may kumatok sa pintuan, napatingin lahat ng mga estudyante dun maliban sa akin na nilalaro ang kuko ko.

"Yes Mr. De Luna?" nanintig ang mga tenga ko dahil sa ampilyedong yun, sino ba si DA o si Gian "May I excuse Ms. Dela Quinto?" napatingin ako sa kanya, nagsimula ang mga bulungan "Ms. Dela Quinto?" sabi ng prof.

Tumayo naman ako, at lumabas sa classroom, "What's the problem?" malamig na tanong ko sa kanya "Pinapatawag ka ng principal" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

Sumunod nalang ako sa kanya, pumasok na kami at nakita ko si Kimber at Gian, napatingin naman ako doon sa isang babae na nakayuko lang, si Xylene ang tinutukoy ko "Please, come in" sabi ni Mrs. Antipuesto.

Nakakunot lang ang noo ko kung bakit andito sila, nakatayo kaming apat habang si Xylene ay nakaupo. "So Miss Dela Quinto, ano bang ginawa ng apo ko?" kumabog ang puso ko dahil sa tanong ng matanda pero pinilit kong itago yun.

Ngumiti naman ako sa kanya "Nothing Mrs." napatingin silang tatlo sa akin "EJ" bulong sa akin ni Kimber, mas lalong lalaki ang gulo kung sasabihin ko pa ang totoo,

"What's that on your hand?" tanong sa akin ni Mrs. Antipuesto sa kamay kong may sugat.

Tinago ko ito at ngumiti sa kanya "It's noth--"

"It's Xylene's fault Miss" napatingin ako kay DA, napakagat ako sa labi ko, sabi ng wag makisali eh!

"Ano bang ginawa ng apo ko EJ?" tanong sa akin ni Ms. Antipuesto "I said it already Miss, walan--"

"May dala pong kutsilyo si Xylene" napakagat ako ng mas matindi sa labi ko dahil sa pagsunod ni Gian bilang testigo, Aishhh!! "Ano?!! Totoo ba ang sinasabi nila Xylene?!!" tanong ng lola nya dito.

"N-No Lola!! Hindi ko magagawa yun!!"

"Maraming nakakita Xylene gusto mo ipatawag ko sila lahat?" sabi ni Kimber, naisara ko ang kamao ko, mas pinapalala nila ang sitwasyon!! hindi ba pwedeng manahimik nalang sila! "Ma'am, nagkainitan po kasi si Xylene at EJ dahil sa pinost ni Xylene na hindi naman totoo"

"Nung nakatalikod na po si EJ ay may kinuha po ni Xylene sa bag niya yung kustilyo...." Manahimik na kayo please!!!

"Sasaksakin po sana ni Xylene si EJ sa likod pero mabilis na hinawakan ni EJ ang kutsilyo na dahilan kung bakit nakabenda ang kamay nya" halos nag-iba na ang awra ko dahil sa mga sinabi nila.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now