Chapter 133

4.5K 169 2
                                    


Nasa hotel ngayon si EJ, ngayon nalang ulit sya nakapunta dito pero hindi ito ibinenta sa ibang tao.

Pumasok sya sa loob, biglang napangisi si EJ dahil sa parang ganun parin ang ayos ng mga gamit nya at parang walang nagtangkang gumalaw ng mga ito.

Nilibot nya ang kwarto neto, hanggang sa makarating sya sa study table nyang may larawan nilang dalawa ni Almira.

Ngayon nya nalang ito nakita makalipas ng ilang taon na hindi pagkakaalala sa lahat.

Kinuha yun ni EJ at ngumiti sa mukha ni Almira. Tinignan nya ang kwarto nya, ang mga ibang kagamitan ay nakatalukbong puting tela upang maiwasan sa alikabok.

Napag-desisyunan ng lumabas ni EJ sa kwarto nya at umalis na.

Pinindot ni EJ ang pindutan ng elevator. Naghintay sya ng ilang segundo at nagbukas ang pinto.

Palakad na sana ito ngunit napatigil sya dahil sa taong nag-iisang nakasakay sa elevator.

Tila gulat na gulat ang mukha ng lalaki dahil sa bumungad ang mukha ni EJ sa harap niya.

Akala niya ay patay na ito pero heto sya ngayon buhay na buhay, tila gulat na gulat parin si EJ dahul hindi niya inaasahan ang pagkikita nila.

"J-Jacob.." nauutal na tawag niya sa sekretarya niya noon sa Kinter Gang.





***


























Nasa building ngayon si Gian ngayon ni Lianna at Kimber, alam na ni Gian ang tungkol kay Cosmo sa pagkikita nila ni Vanessa.

Tila hindi nya maiwasang mag-alala dahil baka mamaya ay biglang sumulpot si Cosmo at baka kung anong gawin neto kay EJ.


"Bro...anong gagawin mo kay Cosmo?" tanong ni DA na tinabihan narin sya sa pag-upo sa sofa.

Hindi nalang umimik si Gian at tila malalim ang iniisip. Biglang bumukas ang pinto at nandun ang sekretarya ng dalawa.


"Ma'am andito po si Miss EJ" sabi ng sekretarya.


"Papasukin mo siya.." sabi ni Lianna. Inaabangan ni Gian ang pagpasok ni EJ.


Nakita nila si EJ na pumasok sa pinto ngunit nagulat si Gian, napatayo naman si DA nang may kasamang lalaki si EJ.


"Jacob?" usal ni Gian, tumango naman si Jacob sa kanila. Dinako naman ni Gian ang kanyang paningin kay EJ.


Malamig lang ang mga mata neto na tila may gusto silang pag-usapan.


"Tell me your plans.." usal ni Gian na nakatingin ng direkta sa mga mata ni EJ. Napatango naman dun si EJ.

















A Long Messaged to all readers of TNIAGP:


Sa mga nagbabasa ng TNIAGP, sinimulan ko ito ng hindi ko man lang alam kung ano ang plot at kung ano ang ending, hindi naman kasi ako mahilig sa mga gangster chu chu na yan. Unang chapter, medyo hindi ko pa alam ang gagawin because feeling ko may writer's block ako...yah... Pero inisip ko nalang ang mga inspirasyon ko sa buhay. Si EJ Dela Quinto, sumasalamin sya sa mga kabataang puro sarili nalang ang iniisip at nagsisi rin sa huli. Hindi ko alam na aabot sa Season 2 ang storya, alam kong hindi sikat ang story pero nakakatouch lang na may nag-vovote and nag-cocomment sa story ko. Sumasalim rin si EJ tungkol sa author, aaminin ng author na naging makasarili ito minsan, handa akong lumaban..ihihihih! Pero hindi ako kasing lamig ni EJ, may mga istoryang magiging paborito ng lahat, pero minsan ang nagiging paborito ay minsan ikinukumpara sa iba.....yah. Lagi kong iniisip na dadami rin ang reads ng storya and guess what....29k na sya and still counting! Masayang masaya ako and sa mga readers din, hindi ko naman sinasayang ang effort nyo sa pagbabasa, magpupuyat para sa mga readers gagawin ko basta mabasa lang nila ang bagong chapter.


Kaya thankful ako sa inyo guys na binabasa nyo ang storya ko at patuloy parin sinusubaybayan, always vote and comment😘❤




END OF THE CHAPTER

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now