Chapter 96

5.3K 118 2
                                    

CHAPTER NINETY SIX

Nasa ospital ngayon si Emerald at nasa opisina siya ngayon, inaayos niya ang ibang papeles na ginamit nang biglang may kumatok.

"Come in" sabi neto.

"Doc Emerald!" napatingin si Emerald dahil sa sigaw ng batang narinig nya sa kanyang opisina.

"Zasha" lumapit siya dito at lumuhod para pantayan ito, "How are you?" nakangiting tanong neto.

"I'm okay, pero masakit parin yung arm ko" sabi ni Zasha na dahilan ng mas lalong pag-ngiti ni Emerald.

"Who's with you?" tanong neto sa kanya.

"Si Tito Gian" napatango naman sya dahip dun. Kagabi lang ay magkasama nila neto at hinatid nya pa si Emerald sa hospital.

"Papasukin mo siya" nakangiting sabi ni Emerald dito, tumakbo naman si Zasha sa labas.

Ni-ready ni Emerald ang mga gagamitin niya para sa braso ni Zasha. "Tito come in!"

"Alright, alright" pumasok si Gian at Zasha sa loob ng room, nagtama ang paningin nila ni Emerald at ngumiti naman ito.

Iniwas kaagad ni Gian ang tingin niya dito. Ayaw nyang maging malungkot sa harap neto.

"Come Zasha and sit here" sabi ni Emerald, maligalig namang sumunod si Zasha at umupo sa isang higaan.

Tinanggal ni Emerald ang arm sling, samantala ay nakatingin lang si Gian kay Emerald, bawat mukha ay tinitignan neto.

Ginalaw galaw ni Emerald ang braso ni Zasha at napansin niyang medyo gumagaling na ito.

Kinuha ni Emerald ang gamot sa drawer neto. Kinuha niya ang gamot na magpapagaling sa braso ni Zasha.

Pinahid yun ni Emerald sa braso neto "There you go, malapit nang gumaling yan okay" tumango naman si Zasha bilang sagot.

"Remember, wag ka munang masyadong magalaw para gumaling ito okay" nakangiting sabi ni Emerald.

Binuhat ni Emerald si Zasha para ilapag eto sa sahig. Hindi abot ni Zasha ang sahig dahil sa mataas ang higaan ang inupuan neto.

"Bye Doc Emerald!" nakangiting sabi ni Zasha sa kanya at winawagayway pa ang kamay.

Dahil dun ay napangiti si Emerald at kumaway din dito bilang pag-papaalam. "Thank you" nadako ang tingin nya kay Gian.

Ngumiti nalang ito dito, lumabas na silang dalawa, napasinghap naman si Emerald dahil dun. 

Nang makalabas si Gian ay Zasha ay nakita nya na pumasok si Hexxon sa ospital na ikinakunot ng noo niya. Anong ginagawa niya dito? usal neto sa kanyang isipan.

"Tito, let's go!" naiwas ni Gian ang kanyang tingin ng hilain ni Zasha ang kamay neto "Alright" sabi ni Gian sa kanya. Isinakay ni Gian si Zasha sa sasakyan neto at umalis na rin.

Samantala ay papunta si Hexxon sa opisina ni Emerald, gusto niya ito dalhan ng lunch na niluto niya. Kumatok muna siya pinto ng opisina niya "Come in" pumasok siya sa loob at tumambad si Emerald na nakasandal sa swivel chair niya.

"Hon" tawag nya dito, nadako ang tingin ni Emerald dito "Hon" napatayo si Emerald dahil dun, agad siyang lumapit dito at hinalikan ito sa pisngi.

BSS #1: That Nerd is a Gangster PrincessWhere stories live. Discover now